CHAPTER 29 (kidnap II)

66 0 0
                                    

COLLEEN'S POV

walang tigil ang pag iyak ko. nandito kami ngayon sa Diamond kitchen pero hindi mismo sa dining Area kundi sa opisina nito. hindi ko akalaing kay Kratos pala to.

kasama narin namin sila. at kanya kanya sila assemble ng mga baril na gamitin nila. bigla lang kasing dinukot si Mocha kanina at hindi namin alam kung san sya dadalhin.

"baka anu na mangyayari kay Mucha?" alalang tanong ni Olly. huli na kasi siyang dumating. nadukot na si Mocha

ayon kay Zeus. isang Entertainer ang nagbigay ng banta sa kanya. at nang ipakita niya samin ang picture ng babae. nakilala ko sya agad. sya Si Amaya Entertainer ng Dawb Cocotte bar. nakilala ko sya noon sa Dandelion bar.  dati syang starlet duon.

kinilala syang Wild Entertainer dahil sa madumi niyang pakikipag halubilo sa customer. walang araw na hindi sya gimik. at hindi ko akalain na pati pagkikidnap ay dahas na niyang ginagawa.

"hindi mangyayari yun!" namamaos na bulong ni Aime na syang napatingin ako sa kanya.

may bahid na galit sa kanyang pagsalita na animoy sinasabi niyang hindi magagawa ni Amaya yun dahil matutupok na niya ito sa init ng kanyang galit bagay na parang hindi si Aime ang nagsalita.

"bhe. mga masasamang tao yun kidnaper ang mga yun. pano mo masisigurong hindi sya saktan ang mga yun?"  ingos kong tanong.

sapagkat napasunod nalang ang  tingin  ko sa kanya ng tumayo sya.  lumapit sya kila Kratos na nag assembled ng mga baril. na syang labis ko pang ipinagtataka.

sa pagkakataong to parang masasabi ko na sa sarili kong may bagay pa pala akong hindi alam tungkol kay Aime na tila bay ngayon lang niya ito pinapakita.

"tutulong ako!" dinig kong sabi niya sabay dampot ng baril.

napalunok nalang ako at napatingin kay Olly na tila nagtatanong ang mga matang nakatingin sakin

"Aime?" kunot noo ni Hades sa kanya. pati si Zeus napatingin din sa kanya.

akala ko ako lang nakapansin. sila din pala.

nagtataka din ko kasi biglang nag iba ang timpla ng pag kilos niya. nagiging mabagsik  na Aime sya bigla. base na pagtayo at lakad niya . parang may Iba.

"marunong ako nito!" saad pa niya na syang nagpatayo din sakin mula sa kinauupuan ko.

napanganga nalang ako ng gawin niyang mabilis nag pag assemble ng baril. kung pano niya ito lagyan ng bala at silencer.

pano niya nagagawa ang bagay na yun?

"you know how to used it?" tanong ni Ares

tumango lang sya. kumuha pa siya ng isang baril at inasemble ito para may extra sya..
pinagmasdan pa sya ng apat habang ginagawa yun. nag uusap ang mga mata nila Kratos at Zeus habang nagtitinginan sila sa isa't isa. samantala ang dalawa ay takang nakatingin lang kay Aime na nag Assemble ng baril.

pag katapos ng pag assemble ng baril saka na umareglo ang lahat. pero muli nilang kinausap si Aime na magpaiwan nalang. pero hindi ito nakinig

buo ang kanyang loob na sumama. pati ako nakikiusap sa kanya pero wala sa bokabularyo niya ang pakinggan ang sinasabi ko.

"ang ayo ko sa lahat ay ang dinadamay ang kaibigan ko." lalong kumunot ang noo ko sa kanya.

dinadamay? ang alam ko kinidnap si Mocha dahil nalaman nilang may konekyon ito kay Zeus at ayon kay Zeus inisip ni Amaya na may namamagitan sa kanila ni Mocha kaya ito dinukot. anong koneksyon non sa sinasabi niyang dinadamay si Mocha i yon nga ang purpose non 

The four Badass and Ruthless badboy meets the entertainerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon