Chapter I - AT TUMIGIL ANG MUNDO NYA

33 1 0
                                    

"Madam kape?" malambing na tanong ng matandang Quarter Master kay Andy habang naka hawak ito sa coffee maker na nasa bandang likod ng Navigation Bridge

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Madam kape?" malambing na tanong ng matandang Quarter Master kay Andy habang naka hawak ito sa coffee maker na nasa bandang likod ng Navigation Bridge.

"Wag na Bert, naka tatlong tasa na ako ng kape." Bahagyang napangiti si Andy, pang apat na kape na ito kung sakali. Nakaupo si Andy sa likod ng Bridge sa tapat ng computer. Nag dadownload ng corrections ng ECDIS para sa lingong ito.

"Balak mo ba ako alagaan o patayin? Kanina mo pa ako pinapainum ng kape, 2 weeks na ako hindi makakatulog nito". Nagbibirong saad ni Andy, tumayo ito at nagpunta sa tapat ng RADAR.

"Wala Madam, walang kalaban." Maagap ang Quarter Master bago pa magtanong si Andy.

"Hindi naman ako nag hahanap ng kalaban, naghahanap ako ng kaibigan, wala bang ibang barko dyan na pwedeng makausap man lang?"

Napa ngiti ang Quarter Master, kilala na niya ang ka Gwardya niya, sasabihin lang ni Andy na wala itong pakialam pero ang totoo, mapag masid ito. Alam niya na tsinitsek nito kung may target ang radar, hindi dahil sa wala itong tiwala sa kanya, kundi dahil sa iyon na talaga ang nakagawian nito. Hindi nito inaasa kahit kanino ang pag lolook-out, maglilibot ito kada limang minuto sa buong bridge. Maliban na lamang kung inaantok ito.

"Madam, anong oras ang Crew bukas?" Pag-iiba ng usapan ng Quarter Master.

"Saglit... Wala, walang note Bert, sabihan mo si Efren, normal lang." sagot ni Andy habang nakaharap sa white board sa gilid ng chart table. Alam ni Andy na ang "bukas" na ibig sabihin ng Quarter Master ay mamayang umaga. Nakagawian na nilang sabihing "bukas" ito. Nasa 12-4 na duty sila nang Quarter Master niya na si Robert. Matanda na si Robert, sobra singkwenta na ang edad nito ngunit malakas pa rin. Dahil din siguro sa sanay ito sa pagtatrabaho.

Madaling araw ang duty ni Andromeda, Andy kung tawagin ng mga kasamahan niya. 2nd Officer siya sa pinag tatrabahuhan nyang kompanya. Mag-isang babae si Andromeda sa 28 na Crew ng VLCC na sinasakyan niya. 10 years na siyang nagbabarko, sanay na siyang mag isang babae lamang.

Lumabas si Andy sa bridge wing, madilim ang langit. "Overcast", nabanggit ni Andy. Bago pumasok nag check na din ito ng temperature at pumunta sa likod ng bridge, tinignan ang mga tanim niyang kamatis. Mag dadalawang buwan pa lang si Andy sa barko, 6 months ang kontrata nya. Pag sampa niya ng barko, agad siyang nag tanim ng kamatis. Yun ang nakaugalian niyang gawin sa lahat ng barko na nasakyan niya.

"Bert, bukas ano gagawin mo? Mag washing ako nang lifeboat, sakin ka na muna sumama, sabihan ko si chiefmate mamaya."

"Madam, sabado bukas, walang overtime." Nagtatakang sagot ng Quarter Master.

"Ay buhay, sabado pala bukas, tangengots ako, nakalimutan ko kasi kahapon, dami ko ginawa. Hay, patulong na lang ako sa OS." Nakatapat sa ECDIS si Andy, nag tatransfer na siya ng corrections sa ECDIS.

"Madam, mag oovertime ka? Dami pa naman araw. Dalawang lingo pa bago tayo dumating sa Singapore." Nakangiti si Robert. Bilib na talaga siya sa Segundo. Masyadong masipag ito. Di tulad ng iba niyang nakasama. Bihira itong maupo sa duty.

"Saglit lang naman. Para lang kunwari may gagawin ako." Pabiro ni Andy. Ang totoo, ayaw ni Andy mag overtime. Kaso matagal na niya hindi nalilinis ng tubig ang lifeboat. Kabilin bilinan nang Chiefmate na dapat at least once a week ay ewashing ito para mabawasan ang dumi at asin na nakakapit dito. 2 weeks na niyang hindi nalilinis dahil masama ang panahon at malakas ang hangin. Ngayon lang kumalma ang dagat simula nang naglayag sila mula California.

"Wag na, subrang bait naman ni Chiefmate at Kapitan sayo. Sabado naman. May drill pa." Pangungumbinsi ng Quarter Master.

"Hoy, ikaw nag sasabi lang, pag pinagalitan ba ako, pwede kitang ituro?" Nakapamaywang si Andy. Hindi naman siya galit, ganito lang talaga siya magsalita. 

"Oo ba, sabihin mo ako nag utos." humalakhak si Robert. Ito ang nagustuhan niya sa ka Gwardya niyang babae, suplada, taklisa, prangka at palaban subalit mabait ito at palabiro.

"Tigilan mo ako Robert, hindi mo na nga ako tutulungan, ipapahamak mo pa ako. Kahit kailan di mo ako tinulungan mag linis ng Lifeboat, Kakampi ba talaga kita?" pabirong panunumbat ni Andy.

"OO naman..." Naputol ang sasabihin pa sana ni Robert, nag alarm ang UMS.

"Ay kawawang engineer." Nakatawa si Andy habang ina accept ang alarm. "common alarm" naka ilaw sa panel. Nakahawak na si Andy sa telepono, anumang segundo mag riring na ito.

Hindi na naka ilaw ang alarm, na accept na ito ng engineer. Ring... ring...

"Hey Gaurav, good morning, how's your sleep before it was rudely interrupted by your beloved alarm?" agad na sabi ni Andy pag sagot sa telepono.

"It was as good as your sleep there on the bridge." Nakatawang sagot ng Indianong second engineer. Siya ang naka duty kaya anumang alarm sa engine room ay sa kabina niya tumutunog.

"So what was the alarm? Are we abandoning ship now?" patuloy na biro ni Andy.

"Nah, nothing to be worried. Some errors."

"You know Gaurav, that's the one thing I like about you, you make me feel secured. Now I can sleep tight here on bridge." Naka ngiti na saad ni Andy, naka tingin siya sa Quarter Master na ngayon ay naka harap na sa kanya at bahagyang naka tawa.

"oh, really? Good. I'm glad to know you are sleeping well on bridge." Naka tawa pa din si Gaurav. Alam nitong nagbibiro na naman si Andromeda. Bawal na bawal ang matulog sa Bridge. "Are you bored again Andy?"

"Yes, please visit me now on bridge, bring food. I'm hungry too." Magiliw na sagot ni Andy.

"ha ha ha, funny.. maybe tomorrow dear, I'm sleepy. Okay, good night, Engine room manned 0330H, unmanned 0335H." pagtatapos ni Gaurav sa usapan habang nakatawa pa din.

"Whatever, but make sure, bring food just in case you want to visit. Bridge is open 24/7. Good night." Nakangiting ibinaba ni Andy ang telepono.

"Single ba yan si Gaurav Sec?" nanunuksong tanong ng Quarter Master.

Inaayos na ni Andromeda ang mga kalat niya. Patapos na ang duty niya. Tapos na din siya sa pag uupdate ng ECDIS.

"OO, mabait yan, kasama ko yan sa training nakaraan." Di pinatulan ni Andy ang panunukso.

"Okay Bert, alam mo na ang gagawin, natawagan mo na si kamote?" nakayuko si Andy, nag susulat sa logbook. Si chiefmate ang tinutukoy ni Andy na kamote. Salitang barko na natutunan niya simula nang nagbarko siya

"Yes Madam, natawagan ko na. Naka prepare na din ang kape, pipindutin nalang bago dumating si kamote. Weather madam?" alertong sagot ng Quarter Master. Simula ng sumampa si Andromeda sa barko ay magka gwardya na silang dalawa ni Robert, alam na nila ang gagawin kapag 20 minutes bago matapos ang duty nila.

Limang minuto nalang bago mag alas kwatro ng madaling araw. Bumukas ang pinto ng bridge. Magkasunod na pumasok ang Chiefmate at ang Quarter Master na ka relyebo nilang dalawa.

"Good morning, morning, morning..." magiliw na bati ng Croatian na chiefmate. May hawak itong baso ng kape.

At tumigil ang mundo ni Andromeda. Ang gwapong chiefmate na Crush nya, dumating na.

to be continued...

One Of The BoysWhere stories live. Discover now