Chapter III - Honesty is always the best policy

4 0 0
                                    

"Good afternoon Cap, Chief." Patay malisyang bati ni Andy. Sinulyapan niya si Gaurav na natulala. Nginitian niya ito at isininyas ang pinto. Naunawaan naman ng isa at dali daling umakmang pumunta sa pinto pababa ng bridge.

"Only for Andy?" Makahulugang tanong ng Kapitan kay Gaurav na ang tinutukoy ay ang sandwich na nasa plato.

"Yes Cap, Gaurav is not letting me die of hunger. Not today." Siya na ang sumagot para kay Gaurav. Natawa sa sariling biro si Andy. Nais niyang ibahin ang usapan at huwag nang patulan ang malisyosong tingin ng kapitan at ng chiefmate.

"Chief? Still awake?" Patuloy ni Andy. Kailangan niyang libangin ang mga bagong bisita para makaalis na si Gaurav at maibaling ang atensyon ng mga ito.

"I'm unofficially up. Listen Andy, pumpman will be working with the P/V Valve on 2P, make sure he isolates all the IG inlets excepts the 2P and then open IG mast Riser. Keep it open until he is done. He might not finish until I come on watch, but just in case he finish before, just reset everything. Understood?" mariing utos ng Chiefmate habang nakatingin kay Andy. Nakasuot pa din ito ng boiler suit. Walang overtime kaya dapat ay kanina pa ito naka pag pahinga.

"Yes Chief, understood." Bakit ang gwapo ng hayop na to, sa isip ni Andy.

Nagpaalam na ang Chiefmate. Naiwan ang kapitan na noon ay nakatingin sa ECDIS at animo'y may hinahanap.

"Did you manage to find what the office was asking for?" tanong ng Kapitan. nakatingin pa din ito sa ECDIS.

Natulala si Andromeda. Isip isip Andy. Paanu nya sasabihin na nakalimutan niyang tignan ang email?

"ah Cap, I have not checked it yet. I will call clerk and have it printed, then I'll ask my A/B to take it from his office." Lord sana makalusot, afterall, honesty is the best policy, naisip ni Andy. Umakma na siyang pumunta sa telepono para tumawag sa clerk.

"NO need." Iniabot sa kanya ni kapitan ang isang papel na noon niya lamang napansin na hawak hawak nito. Binasa niya ito ng dahan dahan.

"Cap, I've been to this place. I'll show you." Pabibo ni Andy. Lord salamat, ito lang naman pala pinapahanap ng office. Muntik na ako atakihin. Tumungo si Andy sa ECDIS at hinanap sa Electronic Chart ang lugar na tinutukoy nya.

Pagkatapos maisulat ni Andy ang mga kailangan detalye sa papel na binigay ni kapitan, ay nagpaalam na din ito. Pero bago bumaba ay sinulyapan muli ni kapitan ang sandwich na nasa plato.

"Anu ba ang problema nila sa sandwich ko? O baka gutom lang sila? Gusto ba nilang kainin? Ibibigay ko. Hindi naman ako madamot eh." Malakas ang boses ni Andy. Sila na lamang ng Quarter Master ang nasa bridge. OA ang pagkakasabi ni Andy. Nailing na natawa na lamang ang Quarter Master.

"Madam, palitan ko ang kape mo ha? Malamig na eh." Kinuha ni Robert ang kape. Nakalimutan niya inumin ang kape. Kung weekdays ay wala si Robert sa bridge pag umaga. Pinag mimaintenance siya sa palibot ng accommodation. Subalit dahil sa Sabado ngayon, sa bridge lamang ito.

Naging busy si Andy sa duty, maraming tawag galing sa engine room at deck siyang natanggap. Hanggang sa hindi na rin niya nakain ang sandwich at itinapon na lamang niya ito nang patapos na ang duty niya.

10 minutes before 4PM.

"Madam, kape?" alok ni Robert. Nanunukso ito.

"Bert, bukas, bukas naman. Kotang kota na ako sa kape ngayon. Kung may bayad lang ang kape, ubos na sahod ko, may utang pa." Naka tawang saad ni Andy habang naglalakad palabas ng Bridge. May dala dala siyang tubig na nasa lagayan ng mineral water.

"Madam, malulunod na ang kamatis mo, pag dating ko kanina sa gwardya, diniligan ko din yan." Alam ni Robert na lalabas si Andy para diligan ang mga kamatis niyang tanim.

"Hindi ako magdidilig, mag iikot lang." Nakangiti si Andy. Kahit kailan ay hindi nito inamin na nababasa ni Robert ang mga gagawin niya. Gagawa at gagawa siya ng ibang dahilan.

"Good afternoon!" bati ng Chiefmate at inilapag nito ang dalang papel at notebook sa chart table. Walang tao sa loob ng bridge.

"Bakit parang mamamatay tong isang puno ng kamatis? Anung ginawa mo dito Robert? At bakit may mushroom na maliit na tumutubo sa gilid? Dito ka ba umiihi? Kaya pala palagi ka dito sa labas." Tuloy tuloy ang pabirong pag aakusa ni Andy kay Robert na noon ay sumunod na rin sa kanya sa likod ng bridge.

Nagtatawanan silang dalawa ng biglang bumati si chiefmate na naglibot na din sa likod ng bridge.

"Hey chief, just checking the tomatoes. Making sure we have alternative source of food just in case we get delays in Singapore." Pabiro ni Andy. Naglalakad na sila pabalik sa loob ng bridge.

"Nakuha kaya ni kamote na nag bibiro lang ako? Bakit hindi man lang tumawa? Paano magiging alternative source ito eh lilimang puno lang ata ang kamatis, o walong puno" bulong ni Andy kay Robert na kasunod niyang naglalakad. Napakagikhik si Robert.

Mabilis lang ang hand over ni Andy at ng Chiefmate. Ito ang gusto ni Andy. Ocean passage. Walang traffic. Walang operation. Kung baga, easy money.

"Madam, mainit yata ulo ni kamote?" naglalakad na sila ni Robert pababa ng bridge. Tapos na trabaho nila sa araw na to.

"Malamang dahil walang tao pagpasok niya sa bridge. Masyado naman siya, nasa bridge lang din naman tayo, at saglit lang naman tayo doon sa labas. Kung umiihi ba ako? Wala din naman ako sa bridge ah?" sagot ni Andy habang ikinukumpas ang kamay na may plato na siyang pinaglagyan ng sandwich.

Pagkagaling sa galley para ihatid ang plato ay tumuloy si Andy sa Ship's office para makipag kwentuhan sa clerk na matalik din niyang kaibigan.

"Hey Gaurav, what are you doing here?" Bati ni Andy nang mapansing nandoon din si Gaurav at may hinahanap sa mga ship's manual.

"Hey Andy, just looking for some things. How was your sandwich?" nakangiti ito. Nakabukas ang makapal na libro sa dalawang kamay.

"It was great, thank you so much, you saved me from hunger. Next time bring also softdrinks." Pagsisinungaling ni Andy. Nakita niyang napangiti si Gaurav. Maamo ang mukha nito at malinis. Bawal kasi sa kumpanya nila ang may balbas. Wala din itong bigote. Pero alam niyang malamang ay hindi na ito magdadala ng pagkain sa bridge dahil baka bigyan ng malisya kung sino man ang makakita.

"You ate Sandwich for lunch?" Sumabat si Fred, ang clerk. Na noon ay nakaharap sa computer at nakikinig sa usapan ni Gaurav at Andy.

"Yes, any problem with that Fred?" Taas kilay na sagot ni Andy. Pinoy din si Fred ngunit kailangan nilang mag English pag may ibang lahi na nakikinig. Iyon ang policy nila sa company.

"I thought you are not eating Onion?" napalingon na si Fred sa kanya. Humarap na din si Gaurav kay Andy na parang naghihintay nang sagot.

Paano malalaman ni Andy na may Sibuyas ang Sandwich eh itinapon niya? Anung sandwich nga ba iyon? Di nya manlang tinignan bago itapon.

Pahamak ka talaga Fred, sa isip ni Andy.

To be continued...

One Of The BoysWhere stories live. Discover now