Chapter II - ANG SORPRESA NANG KALANDIAN

12 1 0
                                    

Madilim ang bridge pero kitang kita pa din ni Andromeda ang magandang ngiti ng chiefmate. Matangkad ito at gwapo. Blond ang buhok. Malinis magdamit at matipuno tignan kahit naka t-shirt lamang ito at pantalong maong. Ito ang pinakahihintay na oras ni Andromeda, ang pag tatapos ng duty niya. Maliban pa sa makakapagpahinga na siya, makikita pa niya ang Crush nya.

"Hey chief, Good morning my knight in shining armour, you saved me from this boredom." Malambing si Andromeda. Kung alam lang ng chiefmate na kinikilig siya. Ang dahilan kung bakit malambing si Andromeda sa lahat ng kasama niya sa barko ay para hindi mahalata pag may crush siya.

Unang beses lamang nilang magkasama ng chiefmate. Kakasampa lamang nito dalawang lingo ang nakalipas sa California. Pinalitan nito ang matandang Chiefmate na Polish na bugnutin at suplado.

Bumati din ang bagong dating na Quarter Master at si Robert. Nagsimulang mag Hand Over ang dalawang Quarter Master. Tahimik lang upang di makaabala sa dalawang opisyal.

"How was your sleep Chief?" naka tayo si Andy sa gilid ng steering wheel stand at bahagyang nakaharap sa Chiefmate na nasa kabilang gilid naman. Magiliw pa din itong nakangiti.

"Excellent, excellent. Getting better every day." Sagot nito pagkahigop ng kape. Lagi itong may dalang sariling kape. Tahimik itong naglakad papuntang chart table. Nagbasa ng Master's night orders. Narinig ni Andy ang paglapag ng ballpen, tanda na pumirma na ito sa logbook.

"All Same Andy?" pormal na tanong nito. Nakabalik na ito sa harap nang ECDIS. Mabilis nitong tinignan ang madilim na palibot sa loob ng bridge. 

"Yes chief, except for an alarm. Nothing to worry as per Engineer. No traffic. No alarms on equipment. Same as before." Umayos ng tayo si Andy, masyadong seryoso naman ito si kamote, una lang ang ngiti, hindi na ako magtataka kung pag tagal eh lumabas din tunay na kulay nito. Buhay nga naman, kung sino pa mga gwapo, yun pa ang suplado, sa isip nya.

"Okay Andy, go sleep now. No drill later, we can do it next week. And no overtime for today." Umupo ito sa Captain's chair sa tapat ng bintana sa kanang bahagi ng bridge.

"Really? I was thinking of washing my lifeboat." Seryosong pahayag ni Andromeda. Pero sa loob ni Andy ay nagbubunyi na. Ayaw niya talaga mag overtime.

"Ok, your choice. Just do your weekly checks, no need to do other things."

Wala naman akong sinabi na may gagawin pa ako! Ang bilis naman magbago ng utak mo Chief! Dapat pinilit mo ako na wag mag overtime! Ang tangengots mo talaga Andromeda! Yun na yun eh! Pa bibo ka kasi!

"Okay chief, Goodnight." Pagtatapos ni Andy. Narinig ni Andy na nagpaalam na din si Robert.

"Madam, bakit mo ba kasi gustong mag Overtime? Si kamote na mismo nagsabi na wag na mag overtime eh." Paninisi ni Robert. Kakalabas lang nila ng bridge. Inaayos ni Robert ang radio nya na nasabit sa strap ng homemade na body bag na dinadala ng mga Quarter Master kapag nag sisafety inspection.

"Kilangan ko kasi talaga gawin eh. Saglit lang naman yun." Malungkot na pinanindigan ni Andy kahit labag sa loob niya. Kung nahalata man ni Robert, hindi na niya inisip.

"Sige Bert, ingat sa multo sa Engine Room." Biro nya. Naghiwalay na sila. Dumiretso si Andy sa Officer's laundry para mag dryer ng mga iniwan nya na damit sa washing machine. Pero wala na sa washing machine ang mga damit nya, nakasalang na ito sa dryer. "Hmmm..." Napakibit balikat na lamang si Andy. Naisama niya kasi sa laundry niya ang mga panty niya.

Kinaumagahan..

"Second Mate, check the e-mail. You have an email from office. They need some stuff, whatever, just check the email." Wika ng Italyanong kapitan ni Andy. Kakapasok lamang niya sa accommodation. Bahagyang basa ang boiler suit ni Andy. Galing siya sa pag wawashing ng lifeboat. Napadaan si Andy sa labas ng opisina ni Kapitan.

"Okay Cap, I'll check." Dumirtso sa Messroom si Andy. Hindi na siya kumain. Kumuha lang ng dalawang mansanas para baonin sa bridge. 11:40 na nang umaga at malilate na siya sa 12-4 na duty kung kakain pa. Pagkatapos magbihis, 5 minutes before noon time ay nasa bridge na siya.

"Sec Diet?" biro ng Quarter Master na si Romy pagpasok niya sa bridge. Nakita siya nito bitbit ang dalawang mansanas. Nakatayo ito sa labas ng bridge kasama si Robert at nag hahandover ang dalawa.

Seryoso si Andy, nagmamadali niyang ginawa ang noon report. "Asan ang opisyal mo?"

"Sa CR sec." sagot ni Romy.

"Bakit kung kilan pa matatapos na ang duty niya, ngayon pa nag CR." Naiinis na pahayag ni Andy.

Natawa na lamang ang dalawang Quarter Master na ngayon ay nasa loob na ng bridge.

"Sige Bert, mauna na ako, mainit ang ulo ng opisyal mo. Sec, gumaganda ka ah?" Ani Romy na nakangiti. nasa early 30's ang edad ni Romy. Medyo may kayabangan minsan kaya di masyadong kinakausap ni Andy.

Sasagot pa sana si Andy ng lumabas sa CR ang Indianong 3rd Mate.

"Good morning Second." Bati nito. Bata pa ang 3rd mate at bagong promote. Medyo nerbyoso pero mabait naman.

"Noon report done? Sunil?" nakataas ang kilay ni Andy.

"ahh, noon report? I don't know I have to do it. Did you tell me yesterday? I'll do it now." Halos mautal utal ang 3rd mate. Sa di maipaliwanag na rason, takot ito kay Andy. Na ikinatutuwa naman ng isa.

"I'm joking Sunil, it's done. But it will be a help if you will do this every day, and also, you need this for your promotion. You told me you want to be promoted right? Then take all my job on bridge, I will teach you." Pang uuto ni Andy. Alam nyang may katamaran ang 3rd mate, kaya palagi nya itong binibigyan ng trabaho.

Napangiti na lamang si Sunil. Mabilis silang nag Hand-over at bumaba na ito. Naiwan sa bridge si Andy at si Robert.

"Madam, kape? Mainit yata ulo mo Madam?" nakangiting tanong ni Robert.

"Walang kain Robert. Nalate ako, bwisit na bokyo, di ako binigyan ng tao. Pinapauna daw ni kamote ang pamimintura sa proa kasi na chipping na. baka daw magbasyada. Ang taas pa naman mag akyat ng hose sa lifeboat. Nabasa pa ako. Pag ako napromote na kamote, si bokyo ang unang una ko na pahihirapan!" Gigil na sumbong ni Andy.

Natawa si Robert. Lumalabas na naman ang pagiging babae ni Andy. Sa isip nito.

"Madam, kalma ka lang. papangit ka nyan." Biro ni Robert at inabot dito ang kape. Brewed coffee na may kunting creamer at asukal. Alam na alam na ni Robert ang kape na gusto niya.

"Hey Andy, I brought your lunch." Si Gaurav. Bitbit nito ang isang plato ng sandwich. "I saw your food in the pantry, I realized you had no lunch so I brought it here." Tuloy tuloy na pumasok si Gaurav sa bridge pagbukas nya ng pinto.

Nagkatinginan si Robert at Andy. Ngumisi si Robert na ikinapula ng mukha ni Andy.

"Hey Gaurav, thank you, so sweet. Only this?" itinago ni Andy ang pamumula ng mukha at nagbiro na lamang ito. Kinuha nito sa kamay ni Gaurav ang plato at nilapag sa Chart Table.

"Special Delivery?" nakataas ang kilay ng Chiefmate. Pumasok ito sa bridge, kasunod ang italyanong Kapitan na napataas din ang kilay.

Putcha! Akala naglalandi ako. Seryoso? Sabay sabay talaga kayong pumasok?

To be continued...

One Of The BoysWhere stories live. Discover now