Ang ating buhay ay isang malaki at mahabang biyahe
Tayo ang sasakyan at syempre ang kalye ang ating buhay na tinatahak.
Nandiyan ang baku baku at lubak lubak na kalye, tuwid at malinis na kalye.
Minsan mas pinipili ng ibang tao ang baku-bakung daan kung saan maraming pagsubok at nagiintay.
Ngunit sa mga pagsubok na ito'y natututunan mo naman ang mag pursige at marami ka ring natututunan na aral.
Ang iba naman mas pinipili ang patag na daan kung saan walang pagsubok na nagiintay.
Simple lang kung bakit walang pagsubok dito, dahil hindi na ikaw ang gumagawa ng paraan kung paano malulusutan ang sarili mong problema.
Pero ang malala talaga ay ang mga taong gumagamit parin ng U - TURN.
Dahil alam na nga nilang masasaktan sila, pilit at pilit parin nilang binabalikan ang pinanggalingan nila kung saan sila nasaktan.
Meron din namang INTERSECTION kung saan kailangan mo muna tumingin sa magkabilang kalsada dahil baka may matamaan ka o masaktan ka.
At ang ONE WAY kung saan dapat isang daan lang ang sinusundan mo,
Hindi ung PABAKUBAKO at PALIKOLIKO.
Dahil malay mo makaaksidente ka pa.
Pero paano kung sa Biyahe mong ito'y nagsama sama lahat ng problema sa kalye.
Susundin mo nalang ba ang ONE WAY o pilit kang papasok sa TWO WAY para makapag U-TURN upang mabalikan at
maayos mo ang mga problema mo!?
Tandaan ang buhay ay isang MAHABANG BIYAHE....