Unang Yugto

70 1 0
                                    

ugh... anung oras na ba? kanina pa kami dito sa sasakyan ahh... parte pa ba ng Pilipinas to?

ang haba naman ng biyahe na to...

*1 message received *

sino naman to?! antagal naman nito na ngangawit na ako kakaupo. Sabi 8 hours lang biyahe bat parang isang siglo na kaming bumabiyahe? kanina pang 4 kami umalis ng manila ahh. But until now where still out of no where.

Hindi kaya na engkanto na kami at paikot ikot nalang kami dito?! O baka nmn kinidnap  na pala ako ng di ko alam. tsk... pero kung na kidnap ako bat wala akong piring o hindi man lang nakatali ung kamay ko...

thinking of negative things again... sino nga ba tong nag txt??  matignan nga sandali...

from: mom

anak asan na kayo?

anjan na ba kayo?

how's your trip?

ayos ka lang ba?

ingat ka pagdating mo dun haa...

LOVE YOU!

ayst... mommy talaga... puro tanong... kung di lang dahil sa kanya di ako pupunta ng Bolinao. 

Kung hindi lang ako naging pasaway di ako ipapatapon ni daddy dito or should I say doon!? kasi di ko pa nga alam kung nasan na ba talaga kami.

" Kuya san na po tayo?"

Tanong ko sa driver namin. Sa harap ay ang isa pang driver.

"Boss kapapasok palang po natin ng Luisita exit, natraffic po tayo palabas ng EDSA  tapos may pinadaan po ang daddy niyo sa Pampanga, paglabas naman natin ng NLEX natraffic din po tayo kasi may nagbanggan sa Angeles exit kaya po doon naabutan tayo ng rush hour kaya pagdating ng Dau exit mahaba na po ang pila at hindi ko narin po kayo  ginising kanina na matatagalan po tayo sa biyahe natin kasi po mahimbing ang tulog niyo."

Detalyadong sinabi sakin ni Kuya Cardo, ung isang driver.

"Ahh ganun po ba, salamat po. Kuya muka pong pagod na kayo, hanap kayo ng gasoline station or fast food diyan para po makapahinga po kayo at makapag almusal narin po tayo."

"Masusunod boss"

So ayun nga, kaya ako bumabyahe ay dahil naging pasaway ako, at ipapatapon ako ng aking magaling na daddy sa Bolinao. Sabi sa Pangasinan daw yun di ko nga alam na may lugar pala. Hindi ko naman tinanong kay pareng Google.

Buong summer dun ako mananatili. Kung hindi naman kasi nag upload ung magaling kong pinsan edi sana hindi ako nahuli.

"Bro HappyT. Same place. Pick u up later by 5."

Text sakin ng pinsan ko sa kalagitnaan ng pag aaral ko. We usually go to the bars by thursday. Minsan sa The Barn minsan sa Pool Club.

Tumayo na ako para mag ayos. Legal kaming nakakapunta sa mga ganung lugar basta ang sabi lang sakin ng mom at dad ko eh no girl. Oh well hindi naman ata pwede yun haha.

But unexpected thing happened. My cousin was so drunk at dahil dun he accidentally uploaded my picture and video with two girls beside me.

Hindi lang dun natapos. Dahil they caught me in my bed at my condo with the same girl on the pic.

Kaya ayun isang malupet na suntok ang natanggap ko sa tatay ko. Then after that tambak na sermon ang natanggap ko. In the end they decided to throw me on our resort in Pangasinan.

I have no choice but to follow what they want kesa naman i cut lahat ng cards ko at kunin lahat ng gadget ko even the key of my fortuner and condo.

By the way. I'm John Colossus Mercado Montevera. 19. Incoming 3rd year college. Tanda na ba? Transferee kasi kaya ayun umulit haha.

"Sir may MCDO dun nalang po ba tayo?"

" Huh!? o sige. gutom narin naman na ako dun nalang tayo."

so eto na kami ni kuya ngayon... reason kung bakit di ko siya tinatawag na manong kasi naman kung manong tatawag ko sa kanya masyado namang matanda.. e halos bata lang siya ng konti kay daddy kaya kuya nalang...

to: mom

mom wala pa kami sa Bolinao na traffic. LOVE YOU TOO MOM... :))

I'm expoiled to my mom. Dad is kinda strict, halata naman.

After we eat bumalik na kami sa biyahe. Ayoko namang dumating na lubog na ang araw haha

sarap talaga ng fries. The best.

"Kuya gusto niyo po?"

Alok ko sa kanila. Hirap kayang ubusin ng BFF fries.

"Ay sige po sir salamat nalang pero busog pa po ako eh"

"Kakalabas lang po natin ng Tarlac City"

So eto ako ngayon nakaupo lng habang pinagmamasdana ng mga tanawin sa labas... grabe ang ganda... kala ko wala nang ganitong lugar sa pina pero meron papala... grabe ang ganda...

After an hour andito nakapasok na kami ng Pangasinan... kanina nga may nakita na  akong dagat manghang mangha na ako akala ko malapit na ayun pala wala pa... dumaan nanaman kami sa mahabang kalye na halos akala mo'y walang nag eexist na sibilisasyon doon..

tas nung nakarating kami ng Alaminos, nagstop over ulit kami. bumili ako ng pagkain nanaman naubos na kasi ung kanina kasi wala akong ginawa kunti kumain ng kumain lang... nas nag withdraw narin kasi baka kulangin ung pocket money ko at baka walang ATM dun...

ATLAST may nakita na akong marker na:

WELCOME to BOLINAO

basta parang ganun ung nakalagay. kaya ayun lalo akong na excite. dapat nga mag papa picture ako dun ako sabi ni kuya kailangan daw before lunch eh makarating na kami kaya ayun di na ako nagpumilit. baka makarating pa ito kay daddy e lalong ma extend ang parusa ko...

so ayun tingin tingin lang ako sa mga view... palipat lipat nga ako ng upuan sa van ksi naman ang gaganda ng mga view... nakadaan narin kami dun  sa may parang bridge tas maraming bangka sa baba di ko lng alam ang tawag sa place nayun... maybe dun ung bayan nila.. ewan!?

Hmm maka gala nga dito minsan.

BEACH LOT FOR SALE
Hmm interesting. hahaha... napatanong nga ako kay kuya kung magkano kaya yun ang sagot lang niya ay maghintay po kayo mamaya malalaman niyo po.

ewan nga ehh ang layo ng sagot... tsk.. so ayun manghang mangha parin ako dito sa loob may mga beach house rin palang pinaparent dito... sunod sunod pa nga ehh... anu bayan naiinip nanaman ako... anatagal ng biyahe... matanong nga kung malapit na kami...

"Kuya malapit na po ba?"

"Yes Sir ayan na nga po tayo eh.."

WOW as in WOW

makalag lag panga to ah.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon