01

8 1 0
                                    

Our world is full of LOVE.

We deserve to be love.

We deserve to be loved.

Ang bawat saya ay may kapalit na sakit.

Papaiyakin ka ng LOVE. It's okay to cry but don't give up. Love is worth more than the pain.

A lot of people say that "Love hurts" and we all tend to follow the crowd and believe that "Love hurts" but this isn't true.

Dahil kasama sa pagmamahal ang sakit. Masasaktan at masasaktan ka kahit anong iwas mong hindi masaktan.

Love doesn't hurt you. A person that doesn't know how to love, hurts you.

---

"Hey bitch! " naramdaman ko ang pagbunggo sa balikat ko. "Long time no see. Balita ko na kick out ka sa school na pinag-aaralan mo ah?" may ngising naglalaro sa labi nito.

Hinawakan ko ang strap ng bag ko saka ako tumingin sa mata nya. Halata ang pagkabigla nito kaya sya napaatras.

"Tinignan pa lang kita pero natatakot ka na?" binasa ko ang labi ko saka humakbang palapit sa kanya, agad ulit itong umatras. "Takot ka pero ang lakas ng loob mong harangin ako. Badtrip ako ngayon at handa akong ulitin yung ginawa ko sa dati kong school, basta ba sayo ko gagawin. " umirap lang sya at saka padabog na umalis.

Tinuloy ko ang naudlot kong paglalakad.

"Bago kaya yan? "

"Malamang sa malamang ngayon lang natin nakita eh. "

"Bagong mukha. "

"Mukhang basag ulo pre. "

"Kahit mukha pang sira-ulo yan, hindi yan makakapalag dito. "

Saka ako nakarinig ng malalakas na tawa galing sa mga lalaking nadaanan ko.

Nang nakaabot ako sa room na papasukan ko ay agad akong umupo sa pinakadulo na tapat ng bintana. Ako palang ang tao kaya inihilig ko ang ulo ko sa desk.

-

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng mga lalaking nagtatawanan.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, subalit hindi ko na muli narinig ang tawanan at alam ko na nakita nila ako kaya sila natigilan.

"Hoy!!" napapikit ako ng biglang may sumipa ng desk na hinihigaan ko.

Itinuwid ko ang upo ko bago tinignan ang lalaking nanipa ng desk.

"Pwesto ko yan."

Hindi ko sya pinansin at pumangalumbaba akong tumingin sa bintana.

"Hindi mo ako narinig? "

"Pre, baka naman bingi--"

"Shut up. "

Hinila nya bigla ang upuang inuupuan ko kaya bumagsak ako sa sahig. Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang sakit ng pagkabagsak ko.

What a wonderful welcome.

Hindi nalang ako pumalag para hindi masira ang unang araw ko. Tumayo ako at pinagpagan ang paldang suot ko. Kinuha ko ang bag ko na parang walang nangyari at lumipat sa upuang nasa kabilang side.

"Ke' bago-bago, yayabang-yabang na. "

Sa pangatlong pagkakataon, napangisi nanaman ako.

"Ganyan pala talaga kayo mag welcome ng bagong studyante. "  sarkastiko kong sabi.

"Iba ang school na ito sa inaakala mo Miss. Kung gusto mong luhuran ka para lang iwelcome, mag enroll ka sa ibang school. " narinig ko pa ang pagbungis-ngis ng mga kasama nya.

"No need. Kung tutuusin walang-wala ito sa school na napasukan ko. " kita ko sa gilid ng mata ko na napalingon sya sa akin.  "Kumabaga, wala pa ito sa kalahati."

"Yabang mo talaga no? Miss, alam kong babae ka pero ito ang lagi mong tatandaan--- lahat ng babae napapatulan ko kapag umiinit ulo ko. " lumingon ako at kitang-kita ang pamumula ng ilong nya sa inis.

"Ulo saan? " nakakalokong tanong ko. Rinig ko ang pag 'woah' ng mga kasama nya.

Napaawang ang bibig nya at saka mabilis na tumayo. Hinablot nya bigla ang kwelyo ng uniform ko kaya ako napatayo.

"Ginagago mo ba ako? "

Tinabig ko ng buong lakas ang kamay nyang nasa kwelyo ko.

"Easy lang Mister, masyado kang malapit. " kung kanina ay ilong lang ang namumula, ngayon ay pati na rin ang kanyang tainga. "Ginagagago lang kita kung nagago ka"

Naglalabanan kami ng titig ng unti-unting dumating ang mga tao.

Umupo ako, lalapit pa sana sya pero may pumigil sa kanya.

"Tama na pre, nanjan na si sir. "

Inis nyang ibinagsak ang sarili nya sa upuang inuupuan ko lang kanina.

Pikon.

---

Maybe One DayWhere stories live. Discover now