Nag-advance reading na muna ako bago natulog.
Matapos ay binagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama. Napatitig sa kisame at natawa ng maisip ko yung nangyari kanina.
Paniguradong gagantihan ako nun bukas.
---
Maliliit ang hakbang ang ginagawa ko papasok sa campus, dahil feel ko na ifeel ang mga nasa paligid ko.
Pero habang naglalakad may kakaiba akong nararamdaman sa paligid ko.
Bakit sila nakatingin?
"Kawawa naman sya. "
"True, pinatulan pa kasi nya eh. "
"Ano ba! Wag kayong maawa, choice naman nya yan . "
Mukhang may masamang sasalubong nanaman ng umaga ko.
Hindi ko nalang pinansin at sinalaksak ko sa tainga ko ang earphone na hawak ko. Pero biglang humarang sa akin ang babaeng napakahaba ng palda at nakasuot ng malaki at bilog na bilog na salamin.
Nerd..
"M-may ipapakita lang ako." hinintay ko lang na ipakita nya pero hindi ko sya inimik.
"Ikaw i-ito diba?" iniharap nya sa akin ang cellphone nyang Vivo.
Napaawang ang bibig ko sa nakita.
Bakit nakapost yan?
"Ang daming tao na ang nakakita nyan, at marami na din syang shares. "
"Sinong nagpost? " hinihingal Kong tanong.
"Si K-kace. "
Ramdam ko ang biglang pag-init ng dugo ko. Pinagbangga ko ang ngipin ko sa sobrang inis at iritang nararamdaman.
Iniling ko nalang ang ulo ko dahil biglang pumasok sa isip ko na hindi dapat ako magpapadalos-dalos sa mga kilos ko.
Nang makarating ako sa room namin, pabagsak kong nilagay ang bag ko sa sarili kong upuan at sa pangalawang araw nasira nanaman ang umaga ko. Kailan kaya ako magkakaroon ng araw na maayos-ayos?
Nakatingin lang ako sa pinto at inaabangan kung sino pa ang papasok.
Makalipas ang ilang minuto, lalaking lumpo ang nakita ko.
Ngumisi sya. "Good ba morning mo? " nang-aasar na tonong tanong nya.
As usual hindi ko nalang pinansin, ayoko muna makipag-asaran ngayon dahil alam ko na konting-konti nalang mawawala na ako sa sarili ko.
"Nakita mo na ba yung surprise ko sayo? " dagdag pa nito.
Napabuntong hininga ako at inisip nalang na walang-wala itong nararanasan ko dito kaysa sa naranasan ko sa school na pinanggalingan ko at sa mga napagdaanan ko buong buhay ko.
"May boyfriend ka pala? Hindi halata" nakatingin sya sa cellphone nya habang nagsasalita.
"Saan mo galing yung pictures na yun? " nakatingin sa bintanang tanong ko.
"Oh! Secret. "
Napabuntong hininga ako. Sa simpleng pictures, grabe ang epekto sakin.
---
Ilang buwan na ang nakalipas ng ganon pa rin ang nararanasan ko sa school kung nasaan ako.
Tila ba empyerno. Akala ko noon mas magiging maayos ang buhay ko kapag umiwas ako sa gulo pero pakiramdam ko pilit pa ring nilalapit ng tadhana ang gulong para sa akin.
Unti-unti nilang nalalaman ang mga nakaraan ko dahil sa mga ginagawa ni Kace na pagtrip sa akin. Hindi ako natutuwa pero hanggat kaya kong pigilan ang galit ko, gagawin ko.
Wala kaming teacher ngayong second subject kaya hinihintay nalang namin ang recess para makalabas.
Biglang timili si Adelle kaya napatingin lahat sa kanya. "Guys!! May singing contest daw na magaganap dito, yung sasali daw magpalista nalang sa SSG President. " napapalakpak pa sya.
Napairap nalang ako dahil wala naman silang mapapala jan sa pagkanta-kanta na yan.
Tumunog ang bell kaya agad kong inayos ang gamit ko para makalabas na dahil nakaramdam ako ng gutom.
Saktong pag-apak ko sa tapat pinto bigla may bumato sa akin at tumama sa ulo ko.
Expected ko na. Kaya agad akong pumunta sa comfort room para magpalit ng damit.
Habang tumatagal, unti-unti na rin akong nasasanay na sinasaktan-saktan nalang. Parang noon lang hindi ko hinahayaang mapatumba ako ng kahit sino pero ngayon hinahayaan ko sila kung anong gawin nila sa akin. Para akong laruan na kung kani-kanino nalang napupunta para lang mapaglaruan.
Sulitin na nila. Dahil kapag ako ubos na ubos na. Hindi ko alam kung paano pa sila makakatakbo.
"Nakakaawa ka naman. Sabi ko kasi sayo una palang wag mo ng umpisahan pero wala eh, matigas ang bungo mo. " napatigil ako sa paglalalad papuntang canteen. Nilingon ko sila ng dalawang alipores nya.
"Reann? Wag mo akong umpisahan, gutom ako. Hindi mo alam kung ano ang nagagawa ng taong gutom. " tinuloy ko ang paglalagad ko pero bigla nyang hinablot ang buhok ko.
Hinarap ko sya, saka ko inikot ang braso ko sa braso nya para balibagin sya.
"Oh my gosh. Reann!! Are you okay? " tinulungan sya ng alipores nyang tumayo.
Pinagpag ko muna ang kamay ko bago nagtungo papuntang canteen.
"Distorbo sa paglalakad. " bulong ko pa.Umorder ako ng spaghetti at soft drinks, umupo ako sa pinakadulong lamesa at nag muni-muning kumakain.
Umiinom ako ng soft drinks ng biglang may nagsalita sa speaker na nasa canteen dahilan kung bakit lahat ng studyanteng maiingay ay biglang tumahimik.
"Students, kompleto na ang kakanta sa Singing Contest next week. Ia-announce ko ang taong ito at para makapag ready na sa Singing Contest na magaganap. "
Natawa nalang ako ng mapansing tutok na tutok ang mga pandinig nila sa sasabihin ng nagsasalita sa speaker.
"Anarah Robles, Rizzae Lizada, Kimbier Reyes, Heziel Bautista, Jean Echieverre and .... "
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ng biglang "--- and Aidan Cohen"
"FUCK!!! " napatayo ako ng bigla kong marinig ang pangalan ko. Napatingin ang mga taong nasa paligid ko at tinatawanan na nila ako.
Sinong naglista ng pangalan ko?
Hinihingal sa inis akong bumalik sa pagkaupo ko. At pinapakiramdaman ang mga titig ng mga taong nakapaligid sa akin.
Dali-dali akong lumabas ng hindi ko na matagalan ang mga mapang-asar nalang mga tingin. Tila ba tuwang-tuwa sila na kasama ako, hindi dahil totoong masaya sila kundi dahil inaasar nila ako sa magiging resulta ng gagawin kong pagkanta next week.
Pumunta ako sa SSG President.
"Pres. Hindi ako nagpalista. Bakit ako kasama sa mga kakanta? " mahinahon ngunit may diin kong sambit.
"Ha? Ano bang sinasabi mo Miss Cohen? Pinalista ka ni Kace dahil sinabi mo daw. "
"Ano? Hindi ko sinabi sa kanya,hindi nga kami close tapos uutusan ko sya? Pres. Tanggalin mo ang pangalan ko jan."
"Naku! Paano yan? Hindi na pwedeng alisin yun. Hindi mo ba alam na kapag sumali ka wala ng atrasan. "
"Hindi pwede 'to."
Pinagt-tripan na naman nya ako.
———