02

3 1 0
                                    

Sinubukan kong makinig pero pakiramdam ko lumalabas yung sinasabi ng prof sa kabilang tainga ko.

Sinira kasi yung mood ko eh.

Ilang sandali lang biglang tumunog ang bell. Tumayo ako kaagad at saka lumabas.

Naglalakad ako sa hallway ng biglang may humampas sa balikat ko, hindi maiwasang hindi mapadaing sa sakit.

Sisirain na naman ang araw na sira na.

Hinarap ko sya pero sana pala hindi nalang ako humarap dahil isang napakalakas ng sampal ang biglang sumalubong sa akin.

"Anong problema mo?" mahinahon kong tanong sa babaeng medyo matangkad sa akin.

"Kala mo kung sino kang maganda, nalaman ko na sinasagot sagot mo ang Kace namin." napakunot ang noo ko subalit naintindihan ko kung sino ang tinitukoy nya, yung lalaking nakasagutan ko sa room.

"Wala akong pake sa Kace nyo. " tinalikuran ko na sila dahil wala naman kwenta ang mga pinagsasasabi.

"Alam mo, " bigla nya akong inakbayan at sinabayan sa paglalakad . "Kung gusto mong tumagal dito, umiwas ka kay Kace, sinasabi ko sayo magsisisi ka. Nagkamali ka nang kinalaban. "

"Ganon na ba ako kabobo sa tingin mo? Hindi ako papasok sa isang gulo kung hindi ko kayang depensahan ang sarili ko." saka ko tinabig ang kamay nyang nakaakbay sa akin.

Nakakita ako ng punong malaki sa soccer field kaya umupo ako doon at isinandal ko ang likod ko para makapagrelax, pakiramdam ko buong araw akong hindi huminga.

Lagi talagang may gulong nakakapit sa akin, kahit saang sulok ako pumunta.

Ipinikit ko ang mata ko, pinakiramdaman ang mga nasa paligid , nakakawala ng sakit sa ulo ang mga naririnig kong huni ng mga ibon sa paligid.

"Hey, " nagulat ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Sorry kung nagulat ka. " tumawa pa sya. "Ikaw yung bago diba? Yung nakasagutan ni Kace? " hindi ko sya sinagot. Naiirita ako sa presence nya, sinira nya nanaman yung mood ko.

"Austin. " inilahad nya ang kamay nya, tinignan ko lang yun pero hindi ko pinansin.

Tumayo ako. "Ge, Una na ako." tinalikuran ko na sya pero narinig ko ang yapak na tumatakbo at alam ko na nakasunod sya sa akin.

"Alam mo, ang tapang mo. Ikaw palang ang nakakagawa nun kay Kace. " lumiko ako papuntang canteen pero nakasunod pa rin sya.
"Tahimik ka ba talaga? " tumabi sya sa akin.

"Nakakapatay ako ng makulit. " biglang lumaki ang mata nyang nakatingin sa akin.

"Ang brutal mo. Napapaisip tuloy ako kung babae ka ba talaga?." sinamaan ko sya ng tingin. "Joke lang, sige maya nalang. Bye. " kumaway pa sya sa akin ng nakangiti, para syang nakapikit.

Nang nakabili ako ng tubig, isang tungga ko lang dahil sa sobrang uhaw ko.

"Mukhang may nabobola ka na dito sa school ah?."

Binato ko ang bottle sa trashcan then.

Shoot.

"Nagmamagaling masyado." bulong pa nito.

"Hindi ako nagmamagaling, nagalingan ka lang talaga. "

"Reann, Tara na. " inirapan nya pa ako bago pa sya tumalikod.

Kanina pa ako ginugulo ng Reann na yon ah . Tssh.

Unang araw pero ang dami ko na agad nakaaway.

Naglakad na ako papunta sa room dahil may English at Filipino subject pa kami.

Walang gana akong nakaupo habang nakacross ang dalawang braso ko.

Natapos ang buong araw ko ng wala manlang natutunan. Mamaya mag advance reading nalang ako para kahit hindi ako makinig alam ko na ang magiging lesson.

Dumaan ako sa 27N para bumili ng cornetto chocolate ice cream at green na piatos.

Trip Kong maglakad pauwi ngayon. Mas nalibang akong maglakad dahil may kinakain ako.

"Oo, oo, hindi ko sasabihin. "

"Good, sumunod ka lang sa gusto ko hindi ka masasaktan."

Napatingin ako sa lalaking kausap ang babaeng may sugat sa tabi ng labi.

Sumandal ako at pinapanood sila habang inuubos ang cornetto na hawak ko.

"Hindi ko akalain na seryoso ka talaga sa pananakit ng babae. " napalingon silang dalawa sa akin. "Bakla ka ba? "

Nakita ko ang pagbukol ng mga ugat sa kamay nya dahil sa pagkuyom ng kamao nito.

"Kung bakla ako, hindi babae ang kasama kong madadatnan mo. "

"Malay mo, tinatago mo lang kasi ayaw mong may makaalam. "

"Hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila mo miss. " dahan-dahan syang humakbang papalapit sa akin.

"Magtataka pa ako lalo kung nagustuhan mo. Kasi kung saka sakali ikaw ang unang magkakagusto sa tabas nito."

"Iniinis mo ba ako?"

"Nainis ka ba? " pabalang kong tanong. Bigla nyang hinablot ang kwelyo ko. Nagtiim ang bagang nya sa inis.

"Pansin ko, kanina mo pa hinahawakan ang kwelyo ko ah? Baka kapag inisip kong hindi ka bakla, isipin ko naman na may gusto ka sa akin. "

Muntik ng umabot ang kamao nya sa mukha ko, agad din akong yumuko para maiwasan ito kaya yung simentong sinandalan ko ang natamaan nya.

"Ops, muntik ah. " inayos ko ang kwelyo ko na nagusot sa paghawak nya.

Dadakmain na sana nya ang leeg ko para masakal pero naharangan ko ng kamay ko at saka ko sya binalibag. Napalakas ang pagdaing nya sa lakas ng impact ng pagkabagsak nito.

"Ay, nakalimutan kong marunong pala ako. Napalakas tuloy. " hindi pa rin sya nakakatayo dahil sa pag-inda ng sakit sa likod.

Nilagpasan ko sya at hinila ang babaeng mukhang sinampal nya.

"Ulol ka! Wag kang magpapakita sa akin. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka gamit ang mga kamay ko." sigaw pa nito.

"Sige. Hintayin ko. Gusto mo patayin mo pa ako gamit yang mga paa mo eh." humalakhak pa ako para lalo syang maasar.

Tinignan ko ang babae na nasa gilid ko. "Sige. Umuwi ka na. " tumakbo sya paalis. Aalis na rin sana ako ng bigla akong may naalala.

Yung piatos ko. Tssss.

Naglakad ako pabalik saka pinulot ang piatos na binili ko na nasa lupa. Nakatingin lang sya.

"Sayang 'to. " kumunot ang noo nya. Binuksan ko sa harap nya ang piatos na hawak ko. Saka kinain. "Gusto mo?"

Lumapit ako lalo sa kanya pero huminto rin. "Wag na pala, sira-ulo mo baka mahawa ako. " tumalikod na ako.

"Thanks sa exercise. Saka kita bibigyan ng piatos kapag hindi na umiinit yung ulo mo sa kung saang ulo na yan. Bye ... Kace." dugtong ko.

Humahalakhak ako habang kinawayan ko sya ng nakatalikod na naglalakad .

Ang laki-laking tao ang bilis naman patumbahin. Puro lang naman pala kayabangan .

———

Maybe One DayWhere stories live. Discover now