Mabilis ang lakad ko habang palinga-linga, atat na atat akong saktan ang lalaking dahilan ng pagkasali ko sa bullshit sa singing contest na yun.
This can't be.
Nang pumasok ako sa classroom doon ko sya tuluyang nakita pero nakatalikod sya sa akin. Lumapit ako sa likod nya.
"Excited ako sa Singing Contest pre, ihahanda ko talaga ng todo-todo ang camera para i-video yung babaeng yun---"
Napatigil sya sa pagsasalita ng hinawakan ko ang kanang balikat nya, hindi ko na sya hinayaang tuluyang humarap sa akin dahil kamao ko na mismo ang sumalubong sa mukha nya.
"What the Fuck!!! " kitang-kita ang pagdugo ng labi nya at pagpula ng pisngi nito.
"Damhin mo ang sakit Mr. Carter. Punong-puno na ako eh. Sa pagkakataong ito. Papatulan ko na lahat ng katangahan mo. " nilabanan ko ang mga mata nyang nanlilisik.
"K-katangahan? " napapalak-pak pa sya.
"Hindi mo ako kilala. Kahit babae ako kayang-kaya kitang patumbahin ng hindi umaabot ng isang minuto. Wag mo akong subukan Mr. Carter, nakapatay na ako. " seryosong tugon ko. Napaawang ang mga bibig ng mga kasamahan nya at kita ko ang biglaang pamumutla ng mukha ng lalaking nasa harapan ko ngayon.
Iniwan ko sila ng ganon pa rin ang mga reaction. Bahala na kung isipin nilang mamamatay tao ako. Paniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan.
Habang tumatagal palala ng palala ang ginagawa nya sa akin. At simula ngayon hindi ko na hahayaang sagad sagarin nya ang pasensya ko. Babae ako pero kaya kong patulan ang lalaki. Hindi ako basta-basta babae lang na pwede nyang tapak-tapakan. Walang Aidan na talunan.
Kung sinasabi man ng ibang tao na mali ang kinakabangga ko, pwes ipapamukha ko sa kanila na sila ang may maling kinakalaban. Tatalunin ko sila gamit ang sarili nilang patibong.
Umupo lang ako sa sarili kong upuan habang hinihintay na matapos ang lesson ng gurong nasa harapan.
"Class, dismiss. " hindi na ako nagsayang ng oras at dali-dali na akong tumayo.
"Wag ka masyadong magmadali hindi pa nga ako nakakaganti sa suntok mo eh. "
Hindi ko sya pinansin at lalong binilisan ang lakad para makalabas sa room na tila impyerno. Ayoko muna ngayon dahil pakiramdam ko sasabog na ang mga ugat sa utak ko sa sobrang inis.
"Tapang mo talaga no? Hanggang ngayon ba hindi mo ako kilala? "
Tinitignan na kami ng mga kauri naming studyante. Nagbubulungan, nagtatawanan, at tila inaabangan kung ano pang susunod na magaganap sa pagitan namin ng lalaking Kace na 'to.
"Sa mukha kong ito? Hindi na ako mag-aaksaya na kilalanin ka pa.Makiramdam ka pre, wala ako sa sarili ngayon para makipag-away. " tugon kong nagtitiim ang bagang kasabay ang pagbumuntong hininga.
"Sa tingin mo may pakialam ako sa nararamdaman mo? " sagot nito na nagpatawa sa akin.
Naglalakad pa rin ako ng mabalis habang ramdam ko pa rin ang pagsunod nya sa akin.
"ANO BA!!! SINABI NG HUMINTO KA!!" doon na ako tuluyang huminto sa sobrang lakas ng sigaw nya.
Lumingon ako. "Sino ka ba para sundin ko? "
"Ako lang naman ang may-ari ng lupang inaapakan mo. " napayuko para tignan ang inaapakan ko.
"Kayang-kaya kong ipatanggal sayo ang lahat ng pag-aari mo, kaya wala akong pake kung ikaw ang may-ari nitong buong school. " tinitigan nya ako ng masama.
"Kace, tara na. Tama na yan, babae pa rin yan. " singit ni Austin na kaibigan nito.
"Kaya mo? Paano? Kahit 10 million ang mayroon ka hindi mo pa rin matatanggal sa akin ang pag-aari ko. Wag kang masyadong mayabang dahil itsura palang mukhang wala ka ng kalaban-laban."
Ngumisi lang ako sa kanya at nagkibit balikat lang. Tumalikod na ako at pinagpatuloy ang paglalakad na naudlot.
"Hindi naman kaya nagbebenta ka ng katawan kaya ka may pera?. " napakagat ako sa labi ko dahil sa biglaang sinabi nya.
Tumawa ang barkada nya maliban kay Austin, rinig ko rin ang tawanan na nanggagaling sa mga studyanteng nanunuod sa eksena na nangyayari.
"Seriously? Paano mo nagagawang sikmuraan ang ganyang klaseng sinasabi mo? Wala kang alam. Hindi mo ako kilala. Kaya wag kang manghusga. " ramdam ko ang pagbara sa lalamunan ko.
Para akong ilang beses binato sa sobrang sakit ng sinabi nya. Ganon na ba ako sa tingin nya?
"Mayabang ako pero hindi ako kasing tanga ng ibang babae para magbenta ng katawan magkapera lang. "
Kita ko ang guilty sa mata nya kaya kinuha ko na agad ang pagkakataon para tuluyan ng makaalis sa lugar na iyon.
Pagdating ko sa bahay. Agad ako dumiretso sa isang kwartong kulay itim at saka umupo sa harap ng malaking picture ng lalaki at babae.
Nanlulumo at naluluha akong umupo.
"Ma, Pa. Bakit ganito yung buhay ko? Bakit kailangan ko pa rin maghirap hanggang ngayon? Hindi pa ba sapat yung sakit na naramdaman ko? Bakit hindi pa rin ako maging masaya? Pagod na pagod na akong ipakita sa iba na okay lang ako, na matapang ako. Pagod na pagod na akong paikot-ikot nalang ang nangyayari sa buhay ko. Bakit hindi manlang ako makaramdam ng saya kahit minsan? Pinipilit ko naman pong umiwas sa mga bagay na hindi maganda. Ma, Pa. Ang hirap mabuhay ng mag-isa. Wala akong pwedeng matakbuhan sa tuwing gusto kong may yumakap sa akin para magcomfort, wala akong mapagsabihan ng mga nararamdaman ko, walang balikat na pwede kong higaan sa tuwing umiiyak ako. Pakiramdam ko ang ilap-ilap ng tadhana sa akin. Gusto ko ng mabuhay ng magaan ang pakiramdam. Gusto ko ng makalaya sa lahat ng sakit. " napayuko ako at pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata ko.
"Natatakot ako na baka dumating yung panahon na wala na talagang ibang tao ang gustong mag stay sa tabi ko. Yung lang po ang gusto ko. Kahit isang tao lang. Isa lang. "
Lumapit ako sa picture at hinawakan ang mga mukha nila. "I miss the both of you." Ngumiti ako kahit masakit.
Pumasok na ako sa sarili kong kwarto para makapagbihis na.
Nakaupo ako sa sofa ng maramdaman kong magvibrate ang cellphone ko na nasa desk.
Agad ko itong kinuha at nakita ko na may nagtext na unknown number.
093652747**
I'm sorry
-----