Zei frost was comfortably sitting on the couch at the lobby of Montefalco entrepreneur!
Kung hindi lang ako iniyakan ni zeike nung isang araw ay hindi ko 'to gagawin eh!
Hays ang tagal naman!
Habang tinitignan ko yung mga empleyadong hindi magkadaugaga sa pagtatrabaho napadpad ang aking tingin sa isang taong pinilit kong kalimutan at takasan! Blake.
Napatikhim ako at agad na tumayo!
Lumapit ako kila blake."What brought you two here?" Nakataas ang dalawang makakapal na kilay ni blake
"A-ahm namimiss kana kasi ni zeike kaya dinala ko nalang sya dito" Tumingin ako sa anak Kong nakangiti nang malaki "Oh ayan nakita mo na sya, Okay na ba?"
He nodded "Opo mommy, Ang ganda nang opisina ni daddy! Tapos ang laki laki mas malaki pa sa bahay natin"
Tumikhim si zeike kaya napatingin ako sa kanya!
"So kung hindi ako mamimiss nang anak ko hindi mo talaga sya dadalin sakin?"
Umiwas ako nang tingin "Hindi naman, Pinag-iisipan ko pa kasi yung sinabi mo sakin eh"
"Good to hear that, Kumain na ba kayo? Past 12 na?"
Umiling ako "Hindi pa Bakit?"
Tinaasan nya ko nang kilay "Pumunta kayo dito nang di mo pinapakain ang anak ko?"
Kailangan talaga may diin lagi mga sinasabi ganun? Sigesige ikaw na Ang may anak letse.
"Sorry naman huh? Gusto kana kasi makita nang anak mo eh" I rolled my eyes at di nakaligtas sa paningin ko na ngumiti sya *TUGDUG* W-what the-- Stop heart Kailangan mong kalimutan yang nararamdaman mo! Dahil sa pagiging masamang tao ni blake!
Yes I still love him until now pero hindi pwede!
"Okay, Just wait me here! May kakausapin lang ako! Then kakain tayo sa elite!" Sabi nya sabay talikod
"Mommy alam mo ba ang ganda nang opisina ni daddy tsaka ang big po!"
I smiled to him "Talaga?"
He nodded "Opo tsaka daddy told me na someday pag big na ko magiging akin na daw yun mommy, Sabi ko nga kay daddy big nako ngayon eh" *pout*
I laughed "Baby kapa kasi eh kaya dika pa big"
It's a mistake na nagka-anak kami ni blake, Dahil sa gulo nang buhay ko hindi imposibleng madamay ang anak namin!
Oo nga at tinakasan ko noon si blake dahil sa personal na rason, Hindi dahil sa masamang tao sya! Pilit ko lang inilalayo si blake sa mga taong gustong pumatay sakin! Hindi ko alam kung bakit nila ko hinahabol! Almost two years na rin akong hindi matahimik, Na pati anak kong walang kamalay-malay nadadamay.
And speaking of Blake there he is, Hindi ko man lang namalayan na nakabalik na sya at pinagtatawanan nila ko! Nahahawa na sa ugali nya si zeike! Hmp.
Hinila ni Zeike yung kamay ko kaya napatayo ako "Mommy tara na po, Dali mommy"
"O-okay baby dahan dahan Lang baka madapa ka eh"
Tignan mo tong batang 'to tinawanan lang ako!
Elite hotel
Matagal na nung huling punta ko dito! Yung time na nalaman kong buntis ako ayun din yung time na nakita ko syang may kasamang iba! Kaya pinangako ko sa sarili ko na hindi nako magpapakita nang kahit ano kay Blake! Pero ikaw din Ang kusang lumapit kay Blake Hays! Oo ako na ang sumira sa sarili kong pangako, Hindi ko lang kayang tanggalin ang kaligayahan nang anak ko! Zeike
Habang kumakain kami, Hindi ko alam kung bakit? Pero kinakabahan ako! Pagkaupong pagkaupo pa lang namin pakiramdam may nakatingin samin!
"Mommy? Ayaw mo po ba nang food?" Inosenteng tanong sakin ni zeike
Napakurap kurap ako at pinilit na ngumiti "Hindi naman baby a-ahm" Tumingin ako kay Blake na disenteng disenteng kumain "Cr lang ako"
He nodded quickly "Go ahead"
Hindi nako nag-aksaya nang minuto, Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa cr nang mga babae!
Relax zei this is not you, Hindi ka basta basta kinakabahan at natatakot
Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang nagwawala kong lakas!
Hindi ko alam pero alam kong may nakatingin samin o sa akin?
Pero bakit ngayon pa? Alam kong sila yung kanina pang nakasunod samin, Hindi ba nila kilala si Blake?
Wag naman sanang mangyari yung kinatatakutan ko! Kasama ko yung dalawang taong importante sakin! Blake at si zeike!
Oo mahal ko parin si Blake! Pero hindi pwede! Ayokong madamay sya! Nilayuan ko sya noon dahil unti unti nang gumugulo ang buhay ko, Hindi ko kakayaning mawala ang lahat nang pinaghirapan nya!
Pero bakit parang mas gumulo ang sitwasyon ngayon? Dahil noon Blake lang ngayon may zeike na!
Hindi, Hindi ako papayag na pati buhay nang anak ko idamay nila! Baka makapatay ako
Ako nalang wag lang sila!
Palabas na sana ako nang banyo, Nang may marinig akong tatlong malalakas na putok ng baril, ZEIKE Omyghad
Dali dali akong tumakbo palabas sa banyo at nagtungo kung nasaan ang dalawa
Nagkakagulo Nagtatakbuhan at Nagsisigawan
Pero ang diko makayanan ay ang anak Kong naliligo sa sarili nyang dugo!
⛔AYAAAN NAAAAA! YARI KAYO KAY BLAKE!

BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S SON.
Ficción GeneralThe boy was an asshole before! But the girl he first love is to comeback to his life with the son! We ready to find out next to their story.