Love of a Lifetime for a Lifetime

24 0 0
                                    

(LOVE OF A LIFETIME FOR  A LIFETIME) Short Story

“Help!” Hindi ko alam nasan ako, Hindi ko alam kung patay na ako o ano kasi walang nakakakita sakin. “Tulungan nyo ako.” Naiiyak na ako, Patay na ba ako?

Diyos ko bata pa ako kakagraduate ko lang, Sana hayaan nyo ako makapagpamilya manlang at makapagtrabaho.. Di pa ako ready mamatay, Di pa ako patay di ba? Kanina nakita ko yung katawan ko sa loob ng kotse na dina-drive ng kaibigan ko.. Ako ba yun? Katawan ko ba yun?

Naglakad lang ako ng naglakad, Hanggang sa may makita akong gasulinahan, Akala ko hindi matatapos paglalakad ko sa mahabang kabundukan na yun eh.

Umupo muna ako sa bench sa labas ng gasulinahan, Umiiyak lang ako ng umiiyak. Kasi hindi ko na alam nangyari matapos dumating yung mga ambulansya, Hindi kasi ako makasakay sa kotse kung saan pinasok yung katawan na kamukha ko.. Tingin ko ako yun eh.

Diyos ko! Anung gagawin ko?

“Patay na ba ako?” Tumingin sakin yung lalaking nakaitim na nakaheadset may hawak syang inumin, Teka nakita nya ako? Nakikita nya ako?

“Hoy! Nakikita mo ko?” Hahawakan ko sana sya kaso lumusot yung kamay ko, Di nya ako pinapansin.

Suplado! Pasalamat ka gwapo ka! Hmp! “Suplado ‘to! Pasalamat ka gwapo ka, Nakikita kaya nya ako?” Di naman nya ako maririnig kasi moo moo na ako kaya hindi ko na binulong sa sarili ko sinabi ko ng malakas.. Sumama ako sa kanya baka sakaling pwede ako sa sasakyan nya.

Truck kasi yung dala nya, Pwede ako sa likod kailangan mauna ako sumakay kaysa sa kanya kasi pag naisara na nya yung pinto di ako makakapasok.

“Dito ka na sa loob.” Huh? Naririnig nya ba ako at nakikita? Winagayway ko yung kamay ko sa harapan ng mukha nya. Hinawakan nya yung kamay ko.. OMG! “Sakay.”

“Ah.. Hmm.. Patay ka na din ba? Bakit mo ko nakikita, naririnig at nahahawakan?”

“Hindi ko alam.” Pinaandar na nya yung makina ng kotse, Tahimik lang ako namimintana.

Madilim na sa lugar nakakatakot kasi bundok yung lugar di ko alam kung anong lugar ‘to, Matalahib, Malamig, Madilim at.. at Walang tao, Baka rape-in ako. Hinawakan ko ng pa-cross yung dibdib ko tapos tumingin ako sa kanya, Ay oo nga multo nga pala ako kaya di nya magagawa yun.

Tumawa sya bigla, Ano tinatawa ng ungas na ‘to?

“Akala mo rarape-in kita?” Tumingin ako ulit sa kanya mula sa pagkakatitig ko sa air freshner na nasa dash board. “Saan ka ba dapat ihatid? Yung bayan pupuntahan ko naaksidente kasi yung kababata ko na dapat pupunta saamin.”

“Ah sa hospital din tuloy ko.”

Nagkatinginan kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love of a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon