Umiiyak ka sa harapan ng computer screen. Nakatitig sa profile picture ni Mark, kasama ang isang babaeng nakangiti at nakabikini. Ang kutis nito ay maputi. Ang ngipin nito ay perpekto at mistulang kumikinang. Kasing taas din siya ni Mark, na hindi mo maabot abot sa 5'1 mong tangkad.
Siya rin ay merong 5000 followers sa facebook.
Napatingin ka sa salamin. Sa mukha mong luhaan, at sa tiyan mong may namumuong bilbil. Ikaw ay mataba, maliit, at maitim na babae. Hindi mo maikukumpara ang sarili mo sa bagong girlfriend niya.
Pagbalik mo sa computer screen, ay merong ad na lumabas, para sa isang whitening lotion.
Ito ay nagsasabi na makakapagpatangal daw ng maitim na balat, at mga peklat at mga stretch marks na hindi nawawala.
Pinunasan mo ang mga luha sa mata, at ikaw ay nagclick at umorder.
***
Tatlong araw ang lumipas at natanggap mo rin ang inorder mong lotion.
Agad mo itong binuksan at ipinahid sa katawan. Ilinagay sa kili kili at leeg, sa mga siko't tuhod, at sa mga ngangingitim mong singit.
Babala: Huwag magtagal at magbabad sa araw o sa kahit ano mang radyason.
***
Sa paggamit mo ng lotion araw araw ay unti unting nagbago ang iyong itsura. Pagkalipas ng isang buwang pagagamit nito, namangha ka na lamang ng nakita sa salamin ang pumuputing kutis.
Sa kasiyahan ay umorder ka ulit ng tatlo.
***
Minsan ay nararamdaman mong kumakati ang katawan. Hindi mo mapigilang kamutin ang iyong balat. Ito ay naging mas sensitive at madaling nasusugat.
Pero ito ay winalang bahala mo.
Ang pagiging maganda at ang pagbabago ng itsura mo ay mas importante sa kahit ano pa mang bagay.
***
Ang whitening lotion ay nakatulong ng malaki sayo, ngayon ay kasing puti mo na ang girlfriend ni Mark. Ngunit, hindi mo pa rin makukumpara ang ganda nito, ang kanyang taglay na gandang pangmodelo. Ang katawan nito'y pang miss universe, ang mga labi nito'y kasing laki kagaya ki Megan Fox. Habang ikaw ay sinasabitan ng lumalaylay na taba sa mga braso mo at tiyan.
Punong puno ka pa rin ng inggit.
Napagdesisyunan mong bibili ka ng slimming pills sa internet. Tutal ay gumagamit din naman ang mga kaibigan mo ng ganito.
Sa isang post na nahanap mo, tinatanong ka ng ad kung...
Gusto mo bang pumayat?
Itry mo and NaxSlim.
Pagkatapos ng isang linggo, siguradong bawas na ang timbang mo!Nax naman!
Posibleng side effects:
Pagkawalang ganang kumain. Pagtatae. Ulcer.Ikaw ay umorder kaagad nito.
***
Nakalipas ang isang buwan ng pagagamit mo ng NakSlim pills, ang isang buwan ng pagtatae ng tatlong beses sa isang araw. Ni isa sa mga araw na ito ay hindi mo naisip kumain sa fastfood, dahil ang sikmura mo ay walang kagana gana.
Pero kada tungtong mo naman ng timbangan ay paliit ng paliit ang timbang mo. Mistulang ang mga taba ay nahuhulog sa inidoro.
Ikaw ay nagising na lamang ng isang araw at pagtingin sa salamin ay hindi na makilala ang sarili.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Lihim Na Istorya Ng Itim Na Araw
HorrorKoleksyon ng mga istorya kung saan mahahanap ng iba't ibang karakter ang mga sarili nila sa mga abnormal, nakakadiri, at perverted na sitwasyon. Halika at basahin mo ang kanilang pagdudusa. Halika at basahin mo silang sumigaw, umiyak at mawala sa ka...