Pinasok ko si Kuya Mike sa room nya. Nakadapa ito matulog. Habang nasa sahig na ang mga unan at kumot.
Ang likot talaga ni kuya matulog!
Napangiti ako.Actually, itong si Kuya Mike ay isa na ata sa pinakamabait na kuya. Hindi lang ito mabait sa akin, maging sa lahat. Bukod sa pogi na, matalino pa. Lagi syang naeelect na President ng student council sa aming school. Tapos varsity player din sya ng basketball, kaya sikat na sikat si kuya.
Madami rin syang mga admirers, kalimitan nga sa akin binibigay ang mga loveletters nila para iabot ko kay kuya.
Kaya ang nangyayari, sakin mapupunta ang mga chocolates at pagkain na binibigay ng mga girls sa kanya. Hindi kasi mahilig si kuya sa mga sweets eh.
Swerte ko diba? Ahahaha!
Pumunta ako sa gilid ng kama para lapitan at gisingin sya.
Binulungan ko sya.
"Kuuyyyaaaa....gising naaaaaa......andyan na sina mooommmy." Mahina kong bulong. Tapos hinihipan ko din ng mahina ang kanyang tenga. Nakikiliti kasi sya sa ganun.
Bigla itong nagkamot ng tenga at tumihaya.
Pagkadikat ng mga mata ay agad na sumulyap ito sa akin.
"Bunso naman eh...istorbo ka." Wika nya tapos nagkusot kusot ng mga mata.
Natawa ako.
Umupo ako sa gilid ng kama nya ,sa bandang paanan.
"Pinapagising ka po ni Dad. Andyan na sila kasama ang pinsan natin." Sabi ko. Tapos bigla kong hinawakan ang talampakan ng paa nya at kinikiti ito.
"Ahahaha! Aray! Nakikiliti ako Erin!" Wala itong humpay na nagpagulong gulong sa kama nya para di ko maabot ang mga paa nya.
"Bangon na kasi dyan kuya!" Pangungulit ko.
Maya maya ay bigla itong bumangon. Nakatingin sa akin na waring may masamang balak.
"Oo babangon ako. Pero di para bumaba kundi para kilitiin ka kaya humanda ka." Naka evil smile ito.
Bigla akong tumayo at lumabas ng kwarto nya. Hinabol nya din ako.
"Ayaw ko kuya! Mom! Dad! Si kuya oh...ahahaaahah!"wika ko habang tumatakbo.
Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo para di nya ako maabutan.
Nasa sala na ako nang maabutan nya ako.
Hingal na hingal ako.
Umupo ako sa sahig na nakatawa.
Tumingin ako kay kuya na dahang dahan na lumalapit sa kanya.
Humalakhak ako. Di pa man nya ako kinikiliti ay tila nararamdaman ko na ito.
"Kuya ayaw ko na! Ayaw na!" Tawa padin ako ng tawa.
BINABASA MO ANG
A LOVE TO UNFOLD
RomanceSecond year highschool nang dumating sa buhay ni Erin si Brett. At sa panahong iyon ay nagsimula rin syang umibig sa lalaki ng palihim. Saksi sya sa mga lungkot, saya at kapilyuhan ni Brett. Ngunit hanggang kelan nya maitatago ang nararamdaman. May...