Sabi ng iba, nakakaganda daw ang confidence. Kasi kapag ikaw ay isang panget tapos punong puno ka naman ng confidence, lumalabas daw ito sa awra mo kaya nagiging maganda ka sa tingin ng ibang tao..
Yung mga magaganda naman, kapag kinulang daw sa tiwala sa sarili at confidence, nagiging invisible ang ganda. Di ka mapapansin. Parang isa kalang normal na tao...walang special sayo.
Kaya siguro parang invisible ako sa paningin ng mga classmates ko. Maganda ako pero hindi ako masyadong pansinin.
Is it beacause I am hiding my beauty? I don't know.
Di kasi ako mahilig mag-ayos ...kasi natatakot ako sa atensyon. Wala akong confidence na mag ayos...kaya mas pinipili kong itago ang aking mukha..ang aking ganda. Nagsusuot ako ng salamin kahit di malabo ang aking mata. Ang bangs ko din ay halos matabunan na ang aking mga mata.
Ganyan palagi ang itsura ko kapag papasok sa school. Tagong tago. Sa bahay lang ako walang eyeglasses. Pinupuyod ko din ang aking hair kapag nasa bahay, ayaw kasi ni mama na natatabunan ang magaganda ko daw na mga eyes.
Ang hirap kasi kapag punong puno ka ng insecurities..minsan, ikaw mismo ang greatest manlalait ng sarili mo.
Mabuti pa si Kuya Mike..madaming admirers. Halos lahat ng mga atensyon ng girls ay nasa kanya. Kahit anu gawin nya, pogi padin sya.
Anak kasi sya nina mom at dad na parehong may mga itsura..
Eh ako....
Sabi ni mom maganda ako..need ko lang mag-ayos. Pero nahihiya ako. Baka sabihin ng mga classmates ko...feelingera ako. Natatakot akong mapansin ng mga bully girls sa school namin-ang Mean Gurls.
Grupo ito ng mga magaganda sa school. Kung gaano sila kagaganda, ganun naman kipapangit ng ugali nila.
Hilig nilang mambully sa iba..lalo na yung mga panget. Masyado silang mapanghusga sa itsura. Kaya naman natatakot ang karamihan lalo na ang mga classmates kong babae sa kanila.Once daw kasi na natipuhan ka nilang ibully. Hinding hindi sila magsasawa hanggat di ka umiiyak,or worst magtransfer ng school. Grabe diba?
Mabuti nalang..so far di pa nila ako natitipuhan. Swerte ko diba!
"Baby...sasabay ka ba sa amin ni Brett pagpasok sa school?" Tanong ni kuya Mike. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan. Ito ang nagdadrive ng car. Nasa tabi naman nito si Kuya Brett na first day sa school namin.
"Hindi po kuya. Ibaba mo ako bago mag entrance ng school."nakangiti kong wika. Ganun lagi ang ginagawa ko mula nung maghighschool ako.
Why? Kasi nalaman ko na sikat pala si kuya sa school. At ayaw kong makita ako ng mga admirers nito na kasama nya ako. At malaman narin na kapatid ako ni kuya. Baka makarinig lang ako ng masama.
Sabihin pa nila:
Bakit ang pogi ng kuya mo? Ikaw ang panget?
Yung di ka pa nila nakikita ng maayos, sasabihan kana agad na panget. Or...
BINABASA MO ANG
A LOVE TO UNFOLD
RomanceSecond year highschool nang dumating sa buhay ni Erin si Brett. At sa panahong iyon ay nagsimula rin syang umibig sa lalaki ng palihim. Saksi sya sa mga lungkot, saya at kapilyuhan ni Brett. Ngunit hanggang kelan nya maitatago ang nararamdaman. May...