3

2K 18 1
                                    

[Jana PoV]

Paggising ko, 9 am na pala, gising na din sila mama, medyo naaawa din ako kase cesarian siya eh, ayun si Papa pinapakain si mama ng lugaw

"Jana, bumili ka sa baba ng breakfast mo yun sa carinderia para naman mabusog ka puro snack mga binibili mo eh"

"Opo Papa, maghihilamos muna ko"

Pumunta ko sa restroom ng kwarto ni mama, naalala ko yung nakilala ko kahapon, si Chris, ano kaya ginagawa non? oo nga pala, Saturday ngayon, expected naman na wala talagang pasok diba? after that bumili ako ng pagkain ko, naligo and nakinuod ng tv with mama and papa

after minutes...

11am

"Mama labas muna ko may kaibigan akong dadalawin nandito din sa ospital,"

"Sino?"

"Si Chris po, kawawa naman bulag nga po eh,"

"O sige"

"Dyan lang naman po sa 301 kaya malapit lang"

Lumabas na ko at dumeretso ko sa pinto ng 301, bakit ba ko kinakabahan? dadalaw lang naman ako, pero paano  imagination ko lang yung kagabi? pano kung multo yun at wala palang tao sa likod ng pintong to?

****knock knock

May narinig akong boses sa loob "pasok po" hay salamat! buti hindi ako nagiimagine, totoo nga si Chris, hinawakan ko yung doorknob at pinihit, bumukas

[Chris PoV]

May kumatok sa pinto ng kwarto, pagbukas,

"Ch-chris?" kilala ko yung boses na yun, yung kagabing babae na sinamahan ako

"huh? parang kilala ko boses mo"

"ako to, si Jana"

"oo Jana bakit ka nandito?"

Blind Hearts (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon