C.6(.01)***TRAINING***

26 1 0
                                    

Sky's POV

"Ms.sky gising na ho nakaready na ho ang breakfast nyo ni ms.scarlet" mahinahon ngunit may lakas na wika ni manang lorrie na ikinabangon ko bigla.

"Okay manang susunod na lamang ako." walang gana kong sagot dahil sa sakit ng ulo na aking iniinda.

"Sige ho ms.sky at ako'y babalik na sa baba." tugon naman nito.

Bumalik muli ako sa pagkakahiga upang muling makaidlip at muling nagtalukbong ng kumot dahil sa sinag nag araw na nagpapasakit ng aking mata, gusto ko muling matulog parang ang bigat ng aking katawan gawa ng hangover ko sa sobrang kalasingan, ni hindi ko na nga alam kung anong oras na kami nakauwi o paano nga ba kami nakauwi, ang huling naaalala ko ay masaya akong nakikipag sayaw sa ibang tao na club then every thing went blank.

Makukuha ko na sanang muli ang aking tulog ng may humila sa aking kumot, bwisit akong bumangon at nagmaktol.

"Ano bang problema mo ha?? Kitang natutulog pa yung tao iistorbohin mo??" inis ko baling kay ivo.

"Pasensya na ms.sky nakakahiya naman kasi sayo dahil may training pa tayo." walang gana nitong sagot sabay buntong hininga habang nagkakamot ng batok.

"Oo na bababa na, kaya pwede ba umalis kana at maliligo pa ko." inis ko namang tugon rito.

"Magaling kung ganon, hihintayin na lamang kita sa baba after 20minutes." pangaasar pa nito at saka nagtungo papuntang pintuan.

"Tsk, lakas ng sapi nito pabago bago ng mood, bipolar ata tong mokong na to!" pabulong kong sabi.

"Wag kang bumulong dyan, naririnig kita, baka nakakalimutan mo bampira rin ako katulad mo na malakas ang pandinig." kunot noo nitong tugon sakin kaya naudlot ang sanang lalabas na si ivo.

"totoo naman eh, pabago bago kasi yung timpla mo." pagtataray ko

"Di bale ng ganito ang ugali ko kesa sa isa dyan na pagnalasing hindi na makontrol ang sarili." pagpaparinig nito sakin na ikinainis ko.

Thirst From BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon