C.12+++SHE IS A WITCH+++

13 2 0
                                    

Sky's POV

"Oy sis gising na tanghali na po!!!!" pambubulahaw ng kambal ko saakin.

"Wala namang pasok eh bakit ba??" yamot kong tugon sabay talukbong ng kumot saaking mukha.

"Gagawa pa po tayo ng project sa bahay nila haidy uy." saad naman nito sabay yugyog saakin.

"30minutes pa sis. Inaantok pa ako eh." pagrereklamo ko, late na rin kasi akong natulog kagabi kaya tamad pa akong tumayo.

"Kanina pa ko tinetext ni haidy sis kaya bangon na dyan." pangungulit nito saakin ngunit hindi ko sya pinansin at pinilit muling matulog.

"Ayaw mong bumangon ha, pwes lakot ka." saad nito sabay dagan nito saakin na akala mo'y lumalaban ito ng wrestling.

"Ang kulit mo naman sis eh, inaantok pa kasi ako mamaya na tayo pumunta kina haidy please." pagmamakaawa ko rito upang tantanan nya ako.

"Bahala ka nga dyan!!! Sige ka pagigising kita sa prince charming mo!!" pananakot nito saakin.

Napabalikwas naman ako ng bangon dahil sa tinuran nito at nagtatakang tinitigan ito.

"Anong bang pinagsasabi mo dyan?" pagtataray ko kay letlet sabay ikap sakanya.

"In denial ka pa dyan halatado ka naman hhaha, sige na kilos na sleeping beauty kung hindi papakiss kita kay ivo para magising ka dyan." pangaalaska nito saakin.

Dahil sa taranta dali-dali akong tumayo at niligpit ang pinaghigaan ko. Natawa naman ito habang punapanuod ako nito.

"Eto na magaayos na nga kaya pwede ba lumayas kana dito sa kwarto ko!!!" iritable kong saad dahil sa pangaasar nito sakin.

"Oo na po sleeping beauty lalabas na ako." saad naman nito sabay lakad patungong pintuan.

"I'll wait you at the sala. Pag wala ka pa ng 20minutes sa sala ipapatawag kita sa prince charming mo." pahabol nito at agad na lumabas sa aking silid.

Thirst From BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon