Ordinary 01

24 0 0
                                    

Ordinary 1

******

Nagmamadaling mga tao. Mga naghahabol nang jeep. Mga naglalandian sa daan. Estudyanteng tumatakbo dahil late na sa school.

Ilan lang yan sa mga nakikita ko sa araw araw kong buhay. Tulad ngayon nasa tren ako. Nagmamadali dahil rush hour na sa umaga. Kailangan kong makarating ng opisina ng alas-otso dahil kung hindi masisira yung record ko!

Habang nakatingin sa salamin minsan iniisip ko kung paano kaya kung walang traffic? Di siguro nagmamadali ang mga tao sa daan. Walang malelate. Walang nakakaltasan ng sahod.

Sa dami na ng tao at sasakyan sa lungsod nagkanda patong-patong na ang mga di dapat. Bumalik ako sa kasalukuyan nang sabihin na paparating na kami sa istasyon.

"Arriving at **** Terminal Station"

Pagbabang pagbaba ko ng tren ay tumakbo na ako papunta sa labasan dahil kailangan makipag-unahan sa pagtatap ng card para lang makalabas ng terminal.

Saktong paglabas ng istasyon ay napatingin ako sa orasan ko.

"Damn. 7am na!" Sabi ko sa sarili at mabilis ng tumakbo papunta sa kabilang istasyon.

*****

"Wait! Wait! Up!" Sigaw ko habang pasara na ang elevator. Akala ko bubuksan nung taong nasa loob pero kapag may sapi nga naman ang nakasakay.

"Bwisit!" Asar na bulong ko. Agad akong sumakay pagdating ng isang elevator.

Pagdating ko sa floor namin ay agad akong nagtime-in bago bumuntong hininga.

"Phew. Sakto lang" bulong ko sa sarili ko at pumunta na sa mismong table ko.

"Good morning Micah!" tinignan ko lang ang bumati sa akin bago tuluyang makaupo sa pwesto ko.

"Bakit nakasimangot ka na naman?" tanong sa akin ni Clyde

"Ikaw kasi agad bumungad sa akin umagang umaga." Malamig na tugon ko sa kanya.

Tumawa ang mga taong nakarinig nang sinabi ko kay Clyde. Napayuko siya dahil sa mga nagtatawanan.

"Boom. Basag. Hahahhahaha" natatawang banat ni Wally kay Clyde

"W-wally, good morning" nahihiyang bati ng kadarating lang na si Lily.

"Nandito na naman kayong tatlo sa pwesto ko. Pwede bang magsitrabaho muna tayo?" Mahinahon na pakiusap ko sa kanila.

"Okay" sabay sabay na tugon nila sa akin bago nagsibalikan sa kanilang mga pwesto.

Habang nagtatrabaho ay kabilaan ang pagbibigay nila ng gagawin.

"Micah. Pakitapos to after mo niyan ha"

"Hey. Micah eto pa pinapagawa ni Ms. Davis. Kailangan daw niya to before mag-uwian"

Tinignan ko lamang ang mga papel na nasa tapat ko bago nagpatuloy sa ginawa.

Napabuga ako ng hangin dahil sa dami ng mga 'to.

Dahil sa sobrang dami ng ginagawa ko ay di ko na namalayan ang oras kung di pa naglapag ng pagkain si Clyde sa tapat ko.

"Ms. Hardworker, kumain ka na muna. Alas-dos na. Di ka pa nakakain ng lunch mo. " saad nito sa akin kaya naman tinapunan ko na siya ng tingin at tinanggal ang salamin ko.

Tinignan ko siya ng taimtim kaya naman napaayos siya nang tayo.

"B-bakit?" Kinakabahang tanong niya. Umiling lang ako bago kinuha yung supot nang pagkain at hinila siya papunta sa pantry.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OrdinaryWhere stories live. Discover now