Chapter 2 - meeting (part one)

47 3 0
                                    

Chapter 2 - Meeting (part one)

*Rei's POV*

Tinignan ko ang lahat ng larawan ng binata sa mesa.

At napatunayan ko na gwapo sya sa kahit saang anggulo. Haha

Nasa itsura naman nito na marami na itong napaiyak.

No wonder may nagbayad sa amin para gantihan sya.

Napansin ko ang isang folder sa mesa.

Binuklat ko iyun at nalaman ang ilang bagay tungkol sakanya.

Name: Rafael Larc Barcelona

Nickname: Raffy

Age: 25

Hobbies....

Biglang tumunog ang aking phone.

Nang tingnan ko ay nakita kong si Mickah ang nasa kabilang line kaya't agad ko itong sinagot.

"Hello couz."

[Hello couz, san ka?]

"Nandito ako sa Vendetta Couture. Bakit?"

[Nasa groundfloor ako ng mall. Papunta dapat ako ng Vendetta kaso natakam ako sa pizza. Hehe Greenwich tayo?]

Tsaka ko lang napansin na mag-aalauna na.

Bigla lang din akong nakaramdam ng gutom.

Tsk.Tsk.

[Hey, couz bakit hindi ka na sumagot?]

"Libre mo ba?"

[Hahaha...talaga toh si couz ang hilig sa libre. Opo, libre ko po. Tara na, dali gutom na ko.]

"Aba, himala. Hahaha. Sige, gusto ko yan"

Aba bakit ako tatanggi? Ako ay isa sa mga dakilang tao na naniniwalang: Bawal tanggihan ang grasya. Wahahaha

"Sige couz, magkita nalang tayo sa Greenwich. Ciao!"

['kay, see yah]

Pagkababa ko ng phone. Napatingin ako sa mesa ni Gin.

Narealize ko na halos dalawang oras ko ding tinignan ang mga picture ng aking misyon.

Tumayo ako at iniayos ang folder at mga picture.

Nang ilalagay ko na ang mga yon sa drawer napansin ko nanaman ang close up picture ng lalaki na ngiting ngiti.

"Ang sarap nya titigan sa picture na toh." sambit ko

 'Asus, titigan lang ba ang masarap sakanya' sagot ng magaling kong braincells

"Hmmm...oo naman."

'Sure?'

"Oo kaya."

'Sabi mo ehh'

Langya, inaaway na ko ng utak ko.

Malamang gutom na talaga ako.

Pero kung gutom ako, dapat hindi si tyan ang umaaway sakin?

Tyan: kruuuuug...

Yan lang ba talaga ang isasagot mo?

Brain: kasi hindi na sya makapagsalita sa gutom

Waahhhh.....!!! Ano bang problema sa anatomy ko? Bakit ginaganito nila ko?

Tyan: kruuuuug...

'Oo na tyan..ito na kakain na.'

Nagwawala na talaga sya. T-T

Mission FailedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon