Chapter 6 - Stalker (part two)

23 3 0
                                    

Chapter 6 – Stalker (part two)

*Rei’s POV*

Seryoso ako nun sabihin ko sa receptionist na mag-aapply ako bilang assistant.

Yun lamang ang naiisip kong plano upang maging malapit ako sa aking misyon.

Ang problema na lamang ay kung paano ako makasisiguradong ako ang matatanggap.

Si Frank ang unang pumasok sa isip ko. ^.~

Sinabi naman ni Gin na maaari namin syang utusan lalo na kung para sa misyon.

Kung si Frank ang kikilos para sa akin, siguradong matatanggap ako.

Hindi pa ko napagod.

Hahahahaha….

I’m so genius. ^______^

Paglabas ko ng main lobby ay agad akong tinanong ng guard kung kailangan ko ng taxi.

Tumango lang ako at agad naman syang lumakad palabas

Habang naghihintay ay nilibang ko ang sarili sa pagmamasid sa ganda ng entrance ng building.

Ang bungad ng building ay isang napagandang flower garden na mayroong isang malaking water fountain sa gitna.

Sadyang magara ang buong facilities.

Maya-maya ay dumaan ang isang asul na sportscar.

Napanganga ako sa ganda at gara nito.

Mabilis na bumaba dito ang isang valet at iniabot ang iniabot ang susi sa isang lalaking kalalabas lang ng gusali.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ang lalaki.

Ang aking misyon.

Napangiti ako ng lihim dahil nagkaroon ng saysay ang pagpunta ko sa lugar na ito.

Nakasuot sya ng gray na coat na may puting polo sa loob.

Bago pa sya makapasok ng kotse ay isa pang lalaki ang lumabas ng building at tinawag sya.

“RC!”

“Hey Tom.” Sabay kaway

“You going to Rich’s party tonight?”

“No. Have something else to do.”

“Something else or someone else.” Kantyaw nung Tom sabay tawa

Napansin ko naman na dumating nadin ang taxi na tinawag ng guard para sa akin kaya lumakad nadin ako papunta ditto.

Bago ako makasakay sa taxi ay narinig kong nagpaalam na ang aking misyon sa lalaking nagngangalang Tom.

“Ma’am, san po tayo?” tanong agad saking ng taxi driver nang makapasok ako sa taxi

“Sundan mo yung blue na kotse manong.” Agad naman nya akong sinunod

“Sino po ba yung nasa kotseng yun ma’am.” Tanong sakin ng taxi driver habang patuloy ang pagsunod sa kotse

“Boyfriend ko po yun manong. Sigurado ako pupunta nanaman sya sa kalaguyo nya.” Pagsisinungaling ko

“Aba yung boyfriend nyo ma’am, hindi pa kayo kasal may kalaguyo na?”

Oo nga ano..

“Ahh…eh. Oo nga po eh, hindi pa kami kasal ay nagtataksil na. Pero may balak nadin po kami magpakasal.” Pagdadahilan ko

“Pero buti nadin ma’am at alam nyo agad ang kalokohan nya bago kayo ikasal.”

Hahaha…si manong driver paniwalang-paniwala sa mga sinasabi ko. Paano kaya kapag nalaman nya ng totoo. Hahahahahaha…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission FailedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon