ANG LIHAM
NI
Dr. JOSE RIZAL
SA MGA
KADALAGAHAN
SA MALOLOS, BULAKAN
Febrero, 1889
Epistorario Rizalino
Vol.II p.122
Europa
Pebrero 1889
SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS:
Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung ang
pusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang
sinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat ñg
dalagang makilala sapul sa pagkabatá, ay mañgisa-ñgisa lamang ang
sumaguing larawang aking ninanasá. Tunay at labis ang matamis na
loob, ang magandang ugalí, ang binibining anyó, ang mahinhing asal;
ñgunit ang lahat na ito'y laguing nahahaluan ñg lubos na pagsuyó at
pagsunod sa balang sabi ó hiling nang nagñgañgalang amang kalulua
(tila baga ang kaluluwa'y may iba pang ama sa Dios,) dala ñg malabis
na kabaitan, kababaan ñg loob ó kamangmañgan kayá: anaki'y mga lantang
halaman, sibul at laki sa dilim; mamulaklak ma'y walang bañgo,
magbuñga ma'y walang katas.
Ñguní at ñgayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos,
napagkilala kong ako'y namalí, at ang tuá ko'y labis. Dí sukat ako
sisihin, dí ko kilala ang Malolos, ni ang mga dalaga, liban sa isang
Emilia, at ito pa'y sa ñgalan lamang.
Ñgayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ñg ikagagaling ñg bayan;
ñgayong nagpakita kayo ñg mabuting halimbawa sa kapuá dalagang
nagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at mahañgo sa pagkalugamí,
sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahì ang sakuná, sa pagka at kayo'y
katulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay. Ang babaing
tagalog ay di na payukó at luhod, buhay na ang pagasa sa panahong
sasapit; walá na ang inang katulong sa pagbulag sa anak na palalakhin
sa alipustá at pagayop. Di na unang karunuñgan ang patuñgó ñg ulo sa
balang maling utos, dakilang kabaitan ang ñgisi sa pagmura, masayang
pangaliw ang mababang luhá. Napagkilala din ninyo na ang utos ñg Dios
ay iba sa utos ñg Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na
luhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kundí ang
mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip. Napagkilala din
ninyo na dí kabaitan ang pagkamasunurin sa ano mang pita at hiling ñg
nagdidiosdiosan, kundi ang pagsunod sa katampata't matuid, sapagka't
ang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumulan ñg likong paguutos, at sa
bagay na ito'y pawang nagkakasala. Dí masasabi ñg punó ó parí na sila
BINABASA MO ANG
Liham ni Dr. Jose Rizal sa Kadalagahan ng Malolos
General Fictionjust want to remind some of my countrymen who said they idolized our national hero, but doesn't know why he died.