She is the One. 1 - 'Wow pare! Chicks oh!'

16.4K 161 21
                                    

If a girl is stupid enough to love you after you broke her heart... I guarantee you,

       SHE IS THE ONE.

              - a short story written by Jamie E. a.k.a sexydreamer★    

all rights reserved 2012. written September 4.

NO PROLOGUE.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 1.

"Oy chong! Chicks oh! Woooh! Sexy! *witwew*" sigaw sabay sipol ni JC sa isang babaeng dumadaan malapit samin.

"Langhiya ka talaga pare..." 

"Oh ano?!" 

"Ibig kong sabihin, wag mong bastusin. Ganito oh.." chill na paliwanag ko sa kanya sabay lapit sa chick na dumadaan.

Kunwaring binangga ko siya sabay sabi ng mga katagang, "Ay miss! Hindi ko sinasadya. I'm sorry-- no wait, I'm Pogi." sabay kagat-labi at kindat at abot ng kamay. "Daniel nga pala."

Inabot naman niya ang kamay ko at nakipag-shake hands. Nakita kong ngumiti na parang kinikilig ang babaeng kausap ko ngayon. Pinulot ko ang mga librong nahulog niya at ibinigay iyon sa kanya. "Books mo oh." sabay killer smile pa.

"Salamat." at binigyan na naman niya ko ng matamis na ngiti na halatang kinikilig.

"Wooooh! Pare! Go!!!" rinig kong sigaw ng barkada.

"Sige, una na ko." paalam niya.

Pero bago pa siya tuluyang maka-alis, tinawag ko siyang muli. 

"Miss! May naiwan ka!" habol ko sa kanya.

"Ano yun?" takang tanong niya.

Ngumiti ako sabay kumuha ng papel na hugis puso sa bulsa ko,"Puso ko, nahulog kasi sayo." sabay kindat pa.

Nginitian na naman niya ko. Inabot niya yung pusong papel na ibinibigay ko sa kanya.

Pero sa di inaasahang pangyayari, biglang..

PAK!

"Ohmygod! Si Daniel!" 

"Tol tol! Ang tanga ni Daniel!"

"Shit! They've met!"

Ako nga pala si Daniel Padilla. Kilalang playboy ng campus. A heart breaker, campus hearthrob, gwapo...

And just got slapped by a girl I've never dated before for the first time. 

Oo, ngayon lang ako nasampal ng babaeng hindi ko pa nagiging girlfriend. They always fall for my charms. Pero, anong meron sa babaeng to at ang famous 'Bangga-sabay-Pacute' style ko eh hindi gumana?! 

"Woah pare, anong nangyari?" lumapit ang mga kabarkada ko sakin. 

Tinignan ko sila ng masama. "Talagang tinatanong? Kitang-kita niyo na diba?!"

"Chill bro! Yaan mo na yun. Alam mo naman mga babae ngayon, pa-hard-to-get na. psh." umiiling na sabi ni Sed.

"Tss. Sino ba kasi yung babaeng yun? Mukhang ngayon ko lang siya nakita dito e."

"Transfer student yata?" Lester.

"Ulul! Malamang! Tara nga, ipagtanong natin." Kats.

"Tara, tara!" JC.

Sila nga pala ang barkada ko. Barkada ng mga gwapo. Syempre naman diba? Ang isang gwapong katulad ko ay hindi maaaring walang kaibigan na gwapo.

Nagsimula na kaming magtanong sa ibang mga istudyante na nakakita samin kanina. At habang nagtatanong, hindi ko malimutan ang mukha nung babaeng sumampal sakin.

Oo maganda siya. Sexy siya. Mukha siyang mabait, sweet at napaka charming. Pero habang sinasampal niya ko, parang nag-slomo ang pangyayari. Napagmasdan ko ang pagbago ng itsura niya. Nagmukha siyang matapang na babaeng palaban. 

Kaya naging interesado ako sa kanya. 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A new story. lol. haha. Maybe short story lang and simple plot. haha. Hope you'll support this guys. :) Vote and comment what you think. :) Thanks. :*

btw, kinda SLOW UPDATE. Sorry. :( hirap na nga sa MMB e. haha.

~THIS STORY IS PURELY FICTIONAL. ALL SCENES CAME FROM THE AUTHOR'S MIND. NAMES ARE BORROWED. CREDITS TO THE OWNERS OF THE PICTURES AND ETC. IF EVER THIS STORY HAS THE SAME PLOT OF ANOTHER PUBLISHED STORY, I'M SORRY FOR THE COINCIDENCE. THANK YOU.~

She is the One. (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon