Phase II - The Knowing

95 3 5
                                    

Love is like a rollercoaster ride..

Sometimes you’re up high..

Sometimes you’re down low..

Habang nagdadaan ang mga araw lalo kaming nagkakalapit ni Japh.. Ang masama, mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Minsan napapatingin nalang ako sa kanya, pilit kong hinahanap sa sulok ng utak ko ang mga dahilan kung bakit ko sya gusto.. Pero bigo ako. Kasi kahit anong pilit kong isipin, di ko parin maipaliwanag.

Mabait si Japh at malambing. Naisip kong swerte si Jenica sa kanya.

Si Jenica – girlfriend ni Japh for Three years. Three LONG years. OUCH!

Oo nga pala. Taken na nga pala siya. Minsan nakakalimutan kong taken siya at taken na rin ako.

---Habang Magkasama kami ni Japh---

*Beep*

TEXT FROM JENICA

Hon, nasan ka na? Sunduin mo na ko.

[Japh REPLYING…]

Wait lang hon. Papunta na ko. Hintayin mo lang ako dyan. I love you <3

MESSAGE SENT.

Ouch and more ouch!

Kahit na aware ako na mahal nya si Jenica, hindi parin ako tumitigil. Kahit masakit na, sige lang nang sige. Ginusto ko eh. :| I’m giving myself false hopes hanggang magsawa ako. Malay mo magmilagro. Mauntog ako tapos hindi ko na siya gustuhin after. Sana nga!

“Claire, I have to go. Nagpapsundo pa kasi si Jenica eh. May usapan kasi kaming magkikita kami ngayon”, paalam nya.

Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong sabihing – “Japh, gusto sana kitang makasama eh, pwede bang ako nalang muna ngayon?”.

“Cge, mag-ingat ka. :) “ Boom. Hindi ko nasabi.

I put out my Expressionless eyes para hindi nya mabasa ang nasa isip ko. And too good, It worked!  Umalis siyang hindi nya alam ang nasa isip ko. Pero mabuti narin yon na wala siyang clue, para wala siyang aalalahanin.

As days pass by, masyado kaming nagiging showy ni Japh sa feelings naming sa isa’t isa kaya minsan nalilimutan kong hindi nga pala dapat ganun kasi may mga tao kaming maaapektuhan. At Isa pa, alam ko naman na mahal nya ang girlfriend nya..  [ kung mahal nya nga talaga..]

Nadiskubre ko din kasi na bukod kay Jenica, may isa pa syang girlfriend – si Rica.  Pero kahit ganun, kahit alam kong Heartbreaker sya at babaero, hindi nabawasan ni katiting pagtingin ko sa kanya. Sabi nga nila, minsan pag gusto mo ang isang tao kahit anong pilit mong hindi siya gustuhin, hindi mo magagawa.

Applicable sakin. :|

Araw araw habang ngkasama kami ni Japh lalo akong naha-high sa kanya. Para syang droga. And I want more of him every single day..

He’s my sweetest drug.

He’s my addiction.

Para akong lasing pag kasama ko siya.. Everything moves in a slow motion. And I can’t get enough.

Parang ang bilis ng araw, ng oras, ng minuto, ng bawat segundo pag kasama ko siya. Kulang ang 24 hours a day para makontento ako. Kaya minsan, nakakalimutan kong spare time nga lang pala ang pwede nyang ibigay sakin. Kasi may FULL TIME girlfriend sya. *Ouch ulit*

True Love's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon