Phase III - The Liking

78 3 3
                                    

“Bakit ang tao pag love mo, iiwan ka..

Pag naman iniwan mo mamahalin ka..

Pag love mo siyang talaga, may love namang iba..

Bakit ganun,magulo? tulad mo –“

Minsan hindi ko na alam ang tama at mali. :)) Isa lang ang alam ko.. MASAYA AKONG KASAMA SIYA. Period.

Kung totoo o panggap lang ang pinapakita nyang pagkagusto sakin, It doesn’t matter to me anymore.. :)

---SA MALL---

“Japh, bakit ganyan ka makatingin?” --Me

“Bakit anong problema sa pagtingin ko?” --Japh

“uhmm.. Parang… Parang.. alam mo yon.. Parang seductive yung dating..”

“ahmm.. pero hindi naman seductive in bad way..”--ME

“baka akala mo lang yon.. ganito lang ako makatingin…. SAYO =)”--Japh

“so sakin lang talaga? ” c: --Me

“oo sayo lang.” –Japh

He drove me Nuts again. Nalaglag na naman ang puso ko. Damn his words parang screw driver na tinatanggalan ng turnilyo ang utak ko..At hindi na ko makapag-isip ng tama.

He broke down my defences. It’s as if he knew that I would be falling to his words.

His words were like traps.. And I’m helplessly falling for it.

#kelan kaya matatapos toooo? *sigh*

Hindi lang consistent meet ups ang nagaganap between me and Japh.. dumadalas din kaming magkatext. We even hang out sa school every after subject breaks.

Tuluyan na kong nilamon ng feelings ko for him. Pero hindi ako nagsisisi.. I treasure every moment of it. Hindi ko na iniisip kung masasaktan ako sa ganung set up. Masaya ako—yun ang pinakamahalaga :)

***********

7:45am

TEXT FROM JAPH

Goodmorning Claire.. Ingat pagpasok.. See you at Campus. =)

REPLYING..

Goodmorning.. See yah =)

MESSAGE SENT.

What an inspiration to start the day! :)) Nagmamadali akong bumangon. Dati hirap na hirap si mommy gisingin ako for school, binubuhusan pa nga ako ng tubig sa kama ko para lang bumangon ako at hindi na ko ma-late – ngayon, nagmamadali akong maligo, kumain at umalis ng bahay para pumasok =))

“Claire anak.. gumising… “ hindi pa natatapos ang statement ni mommy nang makita nyang bihis na ko at paalis na..

“Bye ma, papasok na ko.” Sabi ko.. :)

“Bakit ang aga mo ata ngayon iha? Diba tanghali pa pasok mo?”, nagtatakang tanong niya

“Oo nga ma. Gusto ko lang pumasok ng maaga.. lagi nalang akong late eh.” Pagsisinungaling ko.. Pero si Japh talaga mismo ang dahilan kung bakit araw-araw napapaaga ang pasok ko. :))

Habang nasa pantry, nagtext sakin si Japh..

TEXT FROM JAPH

Claire, nandito na ko sa campus.. Nasan ka?

I REPLIED

I’m here at the pantry.. dito ka na lang pumunta.. =)

Wala pang isang minuto na nagreply ako sa text nya, nakita ko na siyang paparating..At may kasama siyang pamilyar ang figure sakin.. si.. si..

True Love's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon