Chapter 1

1 2 0
                                    


Lunes na naman.It means may pasok na naman.Kung kelan timatamad ako tsaka pa naging lunes e,Buset.

"ay syete!7:38 na! Male-late na ako!" Sigaw ko nang makita ko ang Oras. Dali-dali akong Nag hanap ng maisusuot Tsaka Pumunta ng Bathroom.

Maya-maya pa ay natapos na rin ang paliligo ko.Nag punas ako ng katawan atsaka isinuot ang damit na napili ko.

Uminom lang ako ng Cofee at Lumabas na rin ako ng Bahay na inuupahan ko.

At dahil nga lunes ngayon ay dinalaw ako ng kamalasan. Mag te-ten minutes na akong nag hihintay pero wala pa rin akong nakitang Tricycle.

"Okay. Mag lalakad ulit ako" Sabi ko nalang sa sarili ko sabay napa sampal pa sa sariling Mukha.

Hindi naman kalayuan ang Pinag tatrabahuhan ko pero Tinatamad kasi akong maglakad. Mga 30 minutes rin kasi ang lalakarin ko.

At dahil hanggang ngayon ay wala pa ring dumadaang tricycle ay napagdesisyonan ko na talagang mag lakad sa Gitna ng tirik ng araw.

----
Sa wakas at nakarating na rin ako.
Mabilis akong pumunta sa Changing Room para makapag palit na ako ng Uniform ko.

Nang makapag palit na ako ay Minabuti ko nang pumunta sa Kusina. Dahan dahan akong Pumunta sa Lugar kung saan ako naka Assign.

"Mica! You're 15 Minutes late!" Bulalas ng HeadChef namin na Ikinagulat ko naman.

Napayuko nalang ako habang ipinag papatuloy ang ginagawa ko.

"Mica,iprepare mo na yung Sause" Sabi pa ng Co-Chef ko na hindi ko naman kilala.

Tumango nalang ako ang nag prepare ng Sause na kakailanganin sa Niluluto nila.

"Mica, Pakiabot nga ng marinated Pork sirloin d'yan sa may tabi mo."
Pasuyo naman ng isa ko pang babaeng Co-Chef.kung hindi ako nag kakamali ay Carla ang pangalan nito. At hindi ko ipagkakailang siya ang isa sa pinaka magaling na Chef dito.

Inabot ko sa kanya ang marinated Pork sirloin na pinaabot niya sa 'kin.

Mga ilang oras na rin kaming nag tatrabaho dito sa loob ng kusina.
Mga pagod na kami pero kailangan naming gawin ang trabaho namin.

"Mica, Give Me those chopped liver. " utos naman sakin ni Head Chef.

Grabe ang bango talaga ng mga niluluto ng Head Chef. Nung minsan ko ngang matikman ang Isa sa mga Specialty n'ya ay muntik na akong mapasigaw sa sarap.Masaya kong inalala ang mga sandaling tinikman ko an--

"Micaaaa!! Lutang ka na naman!" Bulalas na naman ng Dragon kong HeadChef. Napatungo nalang ulit ako bago ipagpatuloy ang niluluto ko.'tss pasalamat ka dahil masarap ang luto mo. Tsk tsk' sabi ko nalang sa isip ko habang nag babalat ng Sibuyas.

---

Mahigit kumulang hindi mabilang. charot!

Second batch naman ng mga Chefs ang mag tatrabaho ngayon kaya
Uwian na.

Napag pasyahan kong dumaan muna sa Supermarket para mamili ng mga lalamon ko.

"uy eto" kuha ko 'dun sa Isang box ng Chocolate Bar. Kumuha din ako ng Toothpaste,Cereals at kung anu-ano pang mga kailangan ko.

Nang okay na ay pumila na ako para mag bayad. "Bale 653.75 pesos miss." sabi sa 'kin ng lalaki.

Nag abot ako ng 665. "eto po ang Sukli miss" Sabi ng lalaki sa 'kin tsaka ko inabot ang sukli.

Paglalabas ko ng Supermarket ay may nalala pa pala akong bilihin.
Syempre ang Inaasam asam kong Libro na 'Ang Mahiwagang Bra ni Lola' By Owwsic.

Excited akong pumunta  Sa bookstore para mabili ang Librong inaasam asam ko.

Kahit malas ako ngayon ay mukhang may natitira pa palang swerte sa 'kin kahit pa pano.

Nakita ko na ang inaasam asam kong libro at mukhang nag iisa nalang 'yon.

Agad akong lumapit sa Estante kung saan nakalagay ang libro. At nang akmang kukunin ko na yon ay biglang may Sumulpot na maugat na kamay sa harapan ko at Kinuha ang Inaasam kong libro.

Inis kong Nilingon ang lalake.'owwshemay  ang guwapo no papsikels' Napatulala ako sa nakita kong magandang tanawin.

"Don't look at me,I'll kill you" Sabi sakin 'nung lalaking kumuha ng libro na gusto ko.tumalikod ang lalaki at mag lalakad na sana palayo nang tawagin ko siya.

"Sa tingin ko ay ako ang naunang nakakita niyan kaya sa 'kin dapat mapunta yan" Sabi ko  sa poging lalaki na Kumuha ng gusto kong libro.

"I'm the first one who touched it, so it's mine." pormal na sabi ng lalaki tsaka tumalikod sa 'kin.

Napatanga nalang ako dahil sa kalerki niyang sinabi. 'touch touch pang nalalaman, Mine Mine pang nalalaman e hindi pa naman niya 'yon na babayaran.'

Inis akong lumabas ng bookstore na hindi nabili ang pinaka inaasam kong libro.

Umuwi ako ng Bahay tsaka nag handa ng makakain.'Buset talaga na lalaki yon. Pogi sana kaso ang sungit.'

Natapos ko ang pag luluto ko at kumain ako ng Nang hihinayang sa librong dapat ay akin.nang matapos akong kumain ay hinugasan ko 'yon at Nanood muna ng TV bago maligo.

Pinatuyo ko anf Buhok ko at natulog dahil pagod rin ako sa  trabaho kanina.

~To Be Continued~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Dyosang Loner[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon