CHAPTER 1

4K 61 3
                                    

Galit ako!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Galit ako!

Oo!

Galit na galit!

Di ko ata namalayang sunod na sunod na ang luhang dumadaloy sa aking mga mata.

"Nay tama na po yan. Wag na po kayo maglasing. Baka magkasakit po kayo nyan." Pilit kong inaawat si nanay sa pagtungga ng alak.

"Bitawan mo ko sabi eh! Pabayaan mo ako! Gusto kong magpakalasing! Gusto kong makalimot! Gusto kong makalimutan ang hudas at walang kwenta mong ama! Hayyyyoopp sya! Mapapatay ko sya!" Pahikbing sagot ni nanay habang pilit na tinatanggal ang aking mga kamay na nakakapit sa kanyang braso.

Nauunawaan ko sya. Masakit ang kanyang pinagdadaanan sa ngayon.

Bakit?

Dahil sa mga walang kwentang lalaking yan!

Tulad ng tatay ko!

Mga manloloko.

Iniwan nya kaming lahat para sa bago nitong babae. Alam ko na dati pa na babaero si tatay, pero nagbulagbulagan lang kami...lalo na si nanay.

Ang alam kasi nya...mambabae man si tatay...sa kanya padin ito uuwi.

Sa amin parin ito uuwi.

Pero nagkamali kami...

Isang araw...bigla nalang itong sumulpot sa bahay pagkatapos ng isang linggong di pag uwi para lamang kunin ang mga gamit nya.

Lalayas na daw sya.

At iiwan na nya kami. Pinigilan namin sya. Nagmakaawa si nanay, habang kami ay umiiyak.
Pinagpiyestahan na rin kami ng aming mga kapitbahay. Mga chismosang mas inuuna pa ang magkwentuhan sa gilid ng kalsada kesa unahin at paliguan ang mga nanlalamahid na mga anak.

Di nagpapigil si tatay. Sa edad na 50, nasa rurok pa ang kalibugan ang aking walang kwentang ama!

Iniwan nya kaming mukhang pulubi.

Pulubi sa pagmamahal nya.

Galit na galit ako sa kanya!

At di ko sya mapapatawad!

"Nay! Ano ba? Kahit uminom ka man ng isang drum dyan! Di mo makakalimutan si tatay! Paulit ulit mo syang maaalala!" Lalo na akong napahikbi. Napaluhod na ako sa harap nya..

Simula kasi nang umalis si tatay. Araw araw na itong naglalasing.

Ewan ko!

Di ko alam kung paano syang natutong maglasing! Di naman ganito ang nanay ko dati eh.

Isa sya sa mga mabuting asawa. Mapagmahal na asawa't ina. Mas uunahin nito lagi ang pag aalaga sa amin kesa sa sarili nito.

Mahal na mahal nya kami. Kaya mahal na mahal ko din sya.

THE MAN-HATER AND THE ROOFTOP PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon