CHAPTER 3

1.2K 37 2
                                    

LORIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORIE

Langya!

Nakatulog ako kaya lumampas ako sa dapat na aking binabaan.

Kainis na konduktor yun ah, di man lang sumigaw ng malakas kung Barangay San Isidro na. Isang kilometro tuloy ang aking nalakad para matunton ang dapat kong puntahan.

Muntik pa akong maligaw! Buti nalang at may napagtanungan ako.

Ganito pala sa Manila, napakaraming eskinita kaya kahit sa isang barangay kalang, pwede ka parin maligaw. Lalo na kapag baguhan.

Napahingal ako nang finally ay matunton ko na ang 7-11 store na ang tangi kong pakay.

Ito lang kasi ang palatandaan ko para marating ang aking pakay...ang bahay ni Tita Remy.

Isang 3 storey building ang nasa harap ko ngayon. 7-11 store ang nasa ground floor nito samantalang ang 2nd at 3rd floor naman ay ang bahay na ni Tita.

To remind you, Tita Remy is not really connected to me by blood. Kapatid ito ng aking mabait na adviser sa highschool na naawa at tinulungan ako para makapag-aral. Kaya ipinakilala ako kay Tita Remy ,na napakabait naman pala talaga.

Ito na yun! Saktong sakto sa pagkakadescribe ni tita.

Bilin nya sa akin na kapag dumating ako dito, puntahan ko muna ang manager ng convenience store para kunin ang susi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bilin nya sa akin na kapag dumating ako dito, puntahan ko muna ang manager ng convenience store para kunin ang susi.

Pamangkin nya ang manager ng tindahan. Ito raw dati ang caretaker ng bahay nya pero mula nung mag-asawa na ito, pinili nalang daw na magkaroon sila ng sariling lugar.

Well, tama naman. Kasi nakakahiya kay tita Remy kung ang buong pamilya nito ang titira sa bahay...baka instead na mamaintain eh lalo lang maging magulo.

Kaya minabuti nalang din ni Tita Remy na maghire ng caretaker, at ako na nga yun!

Swerte ko talaga!

Tinanggal ko ang suot na cap dahil ramdam ko na ang butil butil kong pawis na naghihintay nalang malaglag mula sa aking noo.

Ramdam ko na basang basa narin ang aking anit. Bukod pa dito, ramdam na ramdam ko narin ang panlalagkit ng aking katawan.

THE MAN-HATER AND THE ROOFTOP PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon