LORIETuesday : 7 am
Maaga akong nagising kasi gusto ko muna maglinis ng bahay bago pumasok. Nagvaccum ako ng carpet at nagpunas ng mga salamin.
Magdadalwang linggo na rin ako dito sa Maynila. Mahirap pala talaga ang mawalay ka sa mga mahal mo sa buhay. Nakakahomesick!
Pero wala ako magagawa. Kelangan ko magpakatatag para matupad ang pangarap ko, hindi lamang para sa akin kundi para narin kina ate at nanay.
10 am pa ang unang subject ko ngayong tuesday. Mabuti nalang at maganda ang aking schedules at di ako nahirapan maghanap ng slots last week.
Limang subjects lang ang meron ako ngayong araw kaya nagpasya akong maglaba ng mga damit kong madumi.
Pagkatapos ko banlawan ang aking mga nilabhan ay umakyat ako sa rooftop para isampay ang mga ito.
Hindi ako mahilig gumamit ng washing machine dahil lumaki akong kamay lamang ang ginagamit sa paglalaba.
Medyo
mainit na ang araw at may paminsan minsang ihip ng hangin. Tamang tama para maging mabilis ang pagpapatuyo ko ng mga damit.Napatingin ako sa rooftop ng kabilang building. Parang may isang bahay na pinatong sa rooftop nito.
Ang ganda!
Sa bakuran ng bahay ay may iba't ibang halaman at bulaklak. Nakakaamaze!
Siguro alagang alaga ng may-ari ang hardin sa rooftop.
Napag-isip isip ko kung pwede ko rin gawin ang hardin sa rooftop ni Tita Remy. Para naman nang sa ganun ay mas masarap magparelax dito lalo na sa gabi!
Nasa pagmamasid ako ng mga ibat ibang bulaklak sa kabilang rooftop nang may lumabas sa bahay.
Isang lalaki.
Sa itsura nito, mukhang galing ito sa pagjojogging.
Basa ang likurang bahagi ng kanyang damit at waring pagod na pagod ito.
Piniga ko ang usang damit at pinagpag bago isampay.
Muli akong napasulyap sa lalaki.
Nagstretching pa ito at nagtatakbo takbo na hindi umaalis sa pwesto.
Di ko maiwasang maamaze sa kakisigan ng lalaki. Di ko man makita ang mukha nya dahil nakatalikod ito sa akin, sa physique nya palang ay malalaman ko nang gwapo sya. Malakas ang dating nito at siguradong kaya nito magpaiyak sa mga babae.
Magpaasa.
Manloko.
Manakit!
Hays!
Napabuntunghininga na naman ako. Sa bawat sandali, laging umaapoy ang aking pagkainis sa mga lalaki.
Pare pareho silang lahat!
I know...kung iniisip nyo na manhid ako...o bato puso ko...
Marunong naman ako magkacrush. Magkagusto.
Mainlove.
Pero dahil narin sa nangyari kina nanay at ate..mas pinatatag ko ang aking sarili. Di ako gagaya sa kanila.
Marupok.
Mabilis umasa.Tapos iiyak iyak sa huli.
At kasalanan ng mga lalaking yan ang lahat.
Di ko namalayang nakatitig na pala ako sa lalaki.
Nakita ko ang paghubad nito ng shirt na suot. At tumambad sa aking mga mata ang maganda nitong katawan. Maganda ang kurba ng likuran nya. Makikita mo ang mga muscles na tila pumipitik kapag gumagalaw sya.
Di na ako nakagalaw nang bigla bigla ay humarap sya sakin.
Shocks!
Ang ganda ng katawan nya! May mga abs ito sa tyan at maganda rin ang hubog ng kanyang dibdib na pinaresan pa ng mamula mulang nipples.
Napalunok ako.
Tila nanlamig ako sa nakita.
Baliw naba ako? Bakit ako nagkakaganito.
Mali to!
Di ako dapat humahanga sa isang lalaki!
At lalo pa-ang mamboso sa isang lalaki.
Napalunok muli ako lalo na nang makita ko ang nga tila crystal na pawis na tumutulo sa kanyang maputing balat.
Parang tila nauhaw ako at ang makakapawi lamang ay ang mga pawis nito.
Shit! Baliw na nga ata ako.
Unti unti kong itinaas ang paningin para masilayan ang mukha ng lalaki.
And to my surprise!!
Nakatingin sya sa akin!
Nakangisi!
Ang lalaking nakita ko sa 7eleven nung isang araw!
Bigla akong napatalikod at mabilisang sinampay ang mga damit.
Pagkatapos ay walang lingon lingon akong bumaba para mawala sa paningin ng lalaking yun!
Kaloka!
Feelingero ang lalaki. Asar! Akala mo naman ang sarap ng katawan nya!
Hindi naman!Padabog akong bumaba. Di ko alam pero feeling ko namumula ako.
No! Impossible!
Never ever ako magkakagusto sa isang lalaki!
BINABASA MO ANG
THE MAN-HATER AND THE ROOFTOP PRINCE
Teen FictionSa mundong ang itinadhanang maging forever ng isang babae ay ang lalaki. Sa mundong ang lalaki ang pinaniniwalaang sandigan at haligi ng isang pamilya. Iba si Lorie..hindi sya naniniwala dito. Galit sya sa mga lalaki. Galit na galit! Dahil sila ang...