Chapter 2
-Sa Classroom-
Nagsisimula na ang rambol sa classroom. Para kaming nasa palengke, sa sobrang kadaldalan namin. Tawanan dito, tawanan dun. Habulan dito, habulan dun. Para kaming mga bata!
Pagkapasok ng Adviser namin sa room, lahat kami napatahimik sa sinabi niya.
Mrs. Garcia: Okay class. Umayos na po tayo. At ako'y magpapakilala na. Ako nga pala si Mrs. Richelle Garcia ang inyong Adviser. Please be reminded class na kayo ay mga Seniors na. Kayo class ang ROLE MODELS ng St. Joseph Academy, kaya please mga anak. Be a good example sa mga ading niyo in the lower years ha? Now that i'm done introducing myself, Pwede ko na ba kayo makilala isa-isa?
Naku po! Patay! Asa Front Row kami nakaupo ni Kim. Naku. Sigurado, kami ang uunahin neto!
Mrs. Garcia: Simulan natin with you, Miss? (nakatitig kay Carol).
Carol: (tumayo) Carol po Ma'am. Carol Dela Rosa.
Mrs. Garcia: You can now start introducing yourself Ms.Dela Rosa. Stay in front so that your classmates can see and hear you.
Carol: Okay Ma'am. (Ahem) Good Morning Classmates. I'm Carol Dela Rosa 16 years old, from Crysta Ville. Uhm. As you can see, I'm Petite. I love eating turon. And there beside my chair is my Bestfriend. Hmm.
Mrs. Garcia: Do you have a boyfriend? Ms. Dela Rosa?
Hiyawan naman ng mga classmates ko. Nakakahiyang sagutin tuloy.
Carol: I am single ma'am. No boyfriend since birth.
Mrs. Garcia: Well? Naghahanap ka ba ng mag-aapply?
"Ma'am, may pinapantasya yan! Kani-kanina lang!",singit ni Kim.
Mrs. Garcia: Hmm. tsk. tsk. Ikaw ha?! At sino naman yun?
Carol: Ma'am, Wala po. Niloloko lang kayo niyan. And para naman po sa tanong niyo, na kung naghahanap ako. My answer will be NO. :) hindi ko kailangan maghanap ma'am. Dadating din yan. Hintay lang. Hehe
"AYEEEEEH",Sigaw ng mga classmates ko!
Mrs. Garcia: Ambabata niyo pa. Andami nio ng alam. Sige Ms. Dela Rosa, puwede ka ng maupo. Thank You. At, oo nga pala. You are excused after mo makilala ang buong klase. Pinapatawag ka kasi ni Sir David, I think for your Choir Audition?
Carol: Hmp. Oo nga po pala. Remind ko lang kayo mga classmates, may Audition ang Choir mamaya sa Chapel. 10 am. Please, sa may mga gusto. Punta kayo. Thanks.
Naku! Diba? Naintriga ang lovelife ko? Hehe. Oo, no boyfriend since birth ako. Madami ng sumubok ligawan ako, kaso wala akong ma-feel na spark sakanila, kaya imbes na paasahin ko sila sa wala, kailangan nilang marinig ang HINDI na sagot galing sakin. Meron pa nga niligawan ako, okay na sana kaso. May GIRLFRIEND pala. Meron naman yung trip lang nila kasi gusto sila daw ang una ko. Hays. Buhay nga naman at panahon nagyon. Pero lahat naman sakanila, okay lang. Kaibigan ko sila ngayon. Mas mabuti na iyon. Kuntento na ako na maging kaibigan sila. Dun ako masaya ee. Pero sana, Makita ko na yung taong magtiya-tiyaga saakin. Yung taong mamahalin kung sino ako. Yung taong mamahalin ko.
Pagkatapos ng "Meet and Greet" session sa room, nagpaalam na ako para lumabas. Pupunta na ako ng Chapel para puntahan si Sir David.
Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Bryan, kasama yung lalaking nakita ko sa canteen.
"Hi ate, saan ang punta mo?", bati saakin ni Bryan.
"Sa chapel",sabi ko habang nakatitig sakanilang dalawa.
"Ate. Si Duane Joseph nga pala. Classmate ko, siya yung unang-una kong nakilala sa room.", Nakangiting sabi ni Bryan.
Napangiti lang ako kay Duane. At sa wakas, nalaman ko na ang pangalan niya. Nakilala ko na, kaklase pa ng kapatid ko.
"Hi ate Carol.", nakangiting sabi ni Duane saakin.
Napatahimik lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hmm. Siguro, nakuwento lang ako ni Bryan sakanya. Wala akong nasabi kundi:
"Hello din", sige mauna na ako. Baka hinihintay na ako sa chapel at kayo balik na kayo sa classroom niyo."
Umalis na sila. At ako'y dumiretso na papuntang chapel. Hmmm. Bigla akong napaisip. Mukhang ambilis kasi ng tibok ng puso ko. Sinasapak ko na nga mukha ko. Kasi parang may mali. Hindi ko pa nga kilalang lubos, ganun na agad naramdaman ko.
Ano to? Nahihibang lang siguro ako. Pero, Hmmm. Hindi ko makalimutan yung mukha niya. Ang gwapo. Ang kinis at ang puti niya.
Ang Lambing lambing at ang amo amo ng pagmumukha niya kapag tititigan mo siya. Hindi pa naaalis yung mga ngiting nakakakiliti sa mga labi niya. Yung mga mata niyang kung makatitig nakakatunaw na.
WAIT! Di na talaga tama to. Kapag iniisip ko siya, lalong bumibilis tibok ng puso ko. Ay!
"O, Carol. Parang ang lalim ata ng iniisip mo jan? Namumula pa yang mga pisngi mo.", sabi ni Sir David na nakaabang na pala sa harap ng chapel.
"Ha? Sir? Hindi po. Wala po to.", halatang nagulat na sabi ko.
"Halika na at nang mapag-usapan na natin ang tungkol sa audition", Sabay hila sa kamay ko papasok sa Chapel.
BINABASA MO ANG
My Freshmen Boyfriend [On going :)]
Teen FictionThis is Based on a true love story. Sana magustuhan niyo. Madami lang akong binago, para di obvious. :) Ang Ma-inlove ay isa sa pinaka maganda at masarap na feeling dito sa balat ng lupa. Sabi nila: Hindi madaling mag-mahal. Wala pa sa tamang edad a...