Prologue

32 5 2
                                    

"Time of death, 2:45 am"

Yun ang narinig kong sabi ng isang babae na siguradong nurse iyon bago ako tuluyang nakarinig ng iyak, hagulgol at hikbi.

Di ko man kilala kung sino ang nandoon pero may nararamdaman akong sakit sa dibdib. Kumbaga may nagtutulak sakin na tignan kung sino yun dahil siguro kilala ko yun.

Nararamdaman ko din ang pagtulo ng luha ko. Alam kong masakit mawalan ng mahal sa buhay pero bakit pati ako naluluha sa ibang tao na di ko naman kaano-ano?

Dahil na rin sa kuryosidad ko, pinunasan ko ang luha ko at binuksan ang pinto ng dahan dahan.

Nakatalikod silang lahat sakin. Puro nagiiyakan. Kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang isang lalaking nakahiga at mukhang wala ng buhay dahil namumutla na sya at nagiiba na ang kulay. Hindi ko namalayan na lalo pang tumulo ang luha ko nang makita ko yung lalaki. Hindi ko naman sya kilala ah, pero bakit ang sakit malaman na patay na sya?

"Hindi ko sya nailigtas"

Nagulat ako ng may magsalita. Kaboses ko sya. Humarap sya sa isang babae at niyakap nya ito habang pinipigilan ang luhang tumutulo sa mga mata nya. Hindi ako nagkakamali, ako yun!

Pero bakit nandyan ako?

"Shhhh.. Hindi mo kasalanan to Chanie, at wala kang kasalanan. Wala talaga tayong magagawa kung ito na yung oras na mamamatay sya"

Pagpapatahan sa kanya ng kayakap na familiar din ang boses. At nung naghiwalay sila ng yakap, hindi ako nagkamali. Si Lian nga yun, ang bestfriend ko

"Ang sakit sakit talaga. Ang hirap tanggapin na wala na sya"

Sabi nung Chanie na kaharap ni Lian

Sino ba yang lalaking yan. Anong koneksiyon nya sa buhay ko?

tinignan ko kung sino sino ang iba pang nandoon at talagang sigurado akong hindi ko sila kilala.

Ang gulo.

Nilapitan ko ang lalaking nakahiga sa kama at pinagmasdang mabuti

Gwapo sana kaso patay na

"Hoy naririnig mo ba ako? Anong gampanin mo sa buhay ko? Tignan mo umiiyak sya ngayon!" Pasigaw kong sinabi iyon at mukha namang walang nakarinig dahil walang nagreact o tumingin sa direksyon ko

May nakita akong parang numbers na kulay green sa may bandang bisig nya. Hinawi ko ang damit na nagtatakip dito para makita ang lahat ng mga numerong nasa kanang bisig nya

0000000000

Yan ang nanduon. Di ko alam kung bakit kulay green ito. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Ang alam ko, kapag 
namatay na, nawawala ang  mga numerong ito and I proved it for many years now.

Isa lang ang ibig sabihin nito

"May chansa pa syang mabu---- hay.." Nagulat ako ng pagtingin ko sa direksyon nila Lian kanina, wala na sila at tanging madilim na paligid ang lahat

"Asan sila?" pagtingin ko naman sa direksyon nung lalaking nakahiga ay wala na din ito at itim na paligid na din.

Madilim ang buong paligid. Anong nangyayari?

Naglakad ako ng kaunti at sinubukan kong sumigaw pero parang nawalan ako ng boses. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang biglang nahulog ako sa di ko alam

AAAHHHHHH!!!!. Ano ba talagang nangyayari? Tulong! Nahuhulog ako! Wala bang tao dyan? Tulong














"Huy Anak, Nananaginip ka. Gising!"

"Hoy gising!"

Ay nak ng pucha panaginip lang pala.

Buti naman

Time of LifeWhere stories live. Discover now