Chapter 1

33 3 4
                                    

"Hoy pusanggala ka, dahil sayo napagising kami ng maaga!" Bungad sakin ng kuya kong masungit

"Galit agad? Sorry na kuya. Peace tayo. Hihe" Sabi ko nalang at napa- peace sign sa kanya. Napabuntong hininga muna sya bago umalis

"Chan (Shan) anak ayos kalang ba? Hayaan mo yang kuya mo, nabulabog lang yan sa ingay mo." Kumporta sakin ni Mama.

"Hm. Ayos lang po ako Mama." Hayst. "Pupunta nalang po ako sa kusina pagkatapos ko maligo" Dagdag ko pa. Buti nalang at oras ng pasok ngayon

Bumuntong hininga si mama "Oh sige anak" Sabi pa niya tsaka umalis ng kwarto ko

Nung malapit sya sakin, nakita ko ang mga numerong 0324320248 sa bisig nya na may kulay Pula. Sobrang natatakot ako tuwing nakikita ko iyang mga numero

Pagkaalis ni mama tsaka ako naligo

Lingid sa kaalaman ni Mama ang tungkol dito o sa mga numerong ito. Ako lang ang nakakakita at nakakaintindi nito.

Hindi ko na ipinaalam kay mama o kay kuya kasi baka sabihing nababaliw lang o kakabasa't nood ko daw to'. pero hindi, totoo ito eh. Ang mga numerong nakikita ko ay araw ng kamatayan ng isang tao.

Ang unang anim na numero ay ang Month, Date at Year samantalang ang huling apat na numero ay ang oras. Ang panget ngalang kasi naka 12hr based lang sya kaya hindi ko malaman kung umaga o gabi sila mamamatay

Nung una akala ko normal na tattoo lang yan ng mga tao at ramdom number lang iyon. Pero hindi, Nung mamatay ang lolo ko 3 years ago, kitang kita ko na eksakto ang date at oras kung kailan sya namatay sa araw na iyon sa numerong nasa bisig nya. Nung namatay siya, ang pulang numerong iyon ay naging itim at unti unting naglalaho

Napatingin ako sa mga bisig ko. Walang numero. Hindi ko makita

Hindi kaya patay nako? Uyy wag naman ganon sana

Siguro hindi talaga pwedeng makita kung kailan ako mamamatay

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay pumunta na ako sa dining area kung saan nandoon si kuya at mama na kumakain na ng breakfast

Kumain na din ako at buti nalang hindi nila ako kinausap about sa bangungot ko kanina. Puro asar lang naman naabot ko kay kuya. Haist

Pagkatapos ay nagpaalam na kong aalis na dahil may flag Ceremony pa pala ngayon sa Trinity High. Graduating na pala ako doon ilang buwan nalang

"Chanieeee!!! (Shanie)" Pambungad na sabi ni Lianna or Lian for short pagkapunta namin sa klase matapos ang flag cermony

"Lian!! Ang Bloomy mo talaga everyday" Sabi ko sakanya sabay hug

"Sus! Ikaw din kaya" Sabi nya pa sakin

Lianna Rey Valdez

1027760439

Sa pangalang yan maraming nagkakagusto, naiingit at nabibighani sa kagandahan nya kaya proud bestfriend ako sakanya eh. Halos saan parte ng campus kilala sya. Pero ako? Si Chandell De Vera? Walang wala sa kanya.

I'm just simply nobody with secret ability pero ni minsan hindi ako naiingit sa kanya kasi ayoko maging Famous. Lahat ng makikitang mali sayo, Issue agad

"Never Girl, Sa gandang toh? Walang wala ako sayo noh" Sambit ko na kinabuntong hininga nya

"Weh? Magkasingganda ngalang tayo. Anyway, May sa irereto ako sayo!. Sobrang gwapo shet believe me!" Ang O.A nung pagkasabi nya at may kasama pang konting tili at kurot sakin buti nalang nasa room na kami, may kanya kanyang pinagtutuonan ng pansin

Seryoso masakit yun

"Okay I believe in you. Pero kilig lang Lian walang kurutan. Pag nakita ko si David at yung idol ko, kukurutin talaga kita" Banta ko sa kanya tsaka ako napatawa. David was 2nd campus crush sa Trinity high while yung idol ko na Astron Xavier (Seyviyer) na Vocal at Rapper ng DESTINY. Ang International Boy Group na nagmula sa Pinas. Saken lang sya kahit di nya alam

"Sus 3 yrs mo ng crush yun si David tapos wala paring progress? Naku Nako ang tanga mo sa part na yan" Di nya pinansin yung banta ko, pinagtawanan pa ko. Great bestfriend!

"Change topic na nga. Baka kumalat pa eh. Wait, eh sino yung sinasabi mong gwapo?" Maissue pa naman mga tao ngayon mahirap na

"San ko nga ba nakita yun?..... Ah alam ko na" Hinila nya yung wrist ko at napatayo ako dahil don. Nagpatangay naman ako dahil baka gwapo nga siguro yung tinutukoy nya. Taas pa naman ng Standards neto. Pero mas mataas yung akin. kasintaas lang naman ng Mt. Everest Ganun.

Tumakbo sya palayo sa classroom. Tumigil lang sya nung nasa paliko na kami. Biglaan iyong pagtigil namin at sa hindi namin inaasahan, may paliko ring 2 lalaki kaya napabangga kami sa kanila Buti nalang at hindi masyadong malakas ang pagkakabangga namin. Humarap sila sa amin tsaka kami nanghingi ng tawad

"Sorry. Sorry talaga" Paumanhin ni Lian sa dalawang lalake.

Tinignan ko ang mukha nila. Shet sobrang gwapo nila! Bakit hindi ko sila nakita on the past months? Shet naman

"It's Okay"  Sabi nung lalaki sa kanya saka sila nagpatuloy sa paglalakad.

Ang gwapo. Kailan ko kaya ulit sila makikita? Ano nga pala pangalan nila?

"Bes Chanie, Siya yun. Yung hindi nagsalita" Sabi agad sakin ni Lian ng pabulong

"Gwapo nga! kahit yung nagsalita... Oh shit, Si Maam parating na" Sambit ko nang bigla kong makita si Maam na naglalakad sa isang hallway na lilikuan sana namin

"Tara na.. Takbo!!" Mapapagalitan kasi kami ni Maam pag nakita nya kami na nasa hallway pa. Baka detention pa abot namen. Kaya eto, Tamang takbo lang

Dahil sa madadaanan namin uli yung dalawang lalaki kanina, nagkaroon ako ng chance tignan ang bisig nilang dalawa dahil nacurios lang ako sa numerong meron sila

At sa laking gulat ko dahil

0318190949 yung isa at hindi sya ang Normal na inaasahan kong Kulay na Red

Naging Kulay Green sya




(A/N) Tuloy ko pa ba? Masyadong maikli ba? Nalinawan ba kayo tungkol sa ability na meron sya? Comment lang para sa mga tanong at hindi maintindihan na part.

Shet! Baka matypo ko number ko dyan tapos biglang may magtext sakin na gwapo! Kyaaahh

Charot. Ang harot eh.

Thanks kung Magvo Vote kayo sa story Hihe

O Kahit silent reader nalang. Hi sa inyo!

Ieedit ko nalang ulit ang Chap na ito kapag natapos ko ang story. Kung may balak hihi.

Time of LifeWhere stories live. Discover now