Chapter 2

12 1 0
                                    

0318190949 Color Green huh?

Ngayon lang ako nakakita ng ganon. At ang worst part ay sa graduation pa siya mamamatay. Jusko kawawa naman yung gwapong yun kung mamamatay lang din sya. Yung araw na matatapos ang pinaghirapan ng isang estudyante ng apat na taon at sukli sa lahat ng pinagdaanan ay ang araw na hindi na sya mabubuhay pa. Naawa tuloy ako bigla

Tsaka pamilyar ang mukha nya hah.

Saan ko ba nakita yun ganung mukha?

Pero nakapagtataka talaga na kulay green yun. Hindi porket malapit na sya mamatay ay ganun ang magiging kulay. Marami nakong nakitang malapit ng mamatay pero kulay red parin ang kulay ng mga numero

Hindi kaya bakla sya? O

Kulay green dugo nya?

Mukhang impossible. Gwapo eh pero malay natin baka bakla nga. Tanungin ko nalang sya kung may pagkakataon

O kaya hindi sya tao?

Baka isa syang alien na pinadala sa Earth para maging spy or something

"Chanie, Lalim ng iniisip mo ah! Ano ba iniisip mo? Tara na sa canteen." Biglang sambit sakin ni Lian kaya't nabalik ang ulirat ko sa reyalidad

"Hehe. Wala, wala yun!. Sige Ayusin ko lang gamit ko"

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko napansing recess na pala! 2 subject akong tulala shet! Buti nalang di ako napansin. Kasalanan 'to ng gwapo eh.

Inayos ko saglit ang aking mga gamit tsaka tumayo at sumama kay Lian papuntang canteen

Pagkapasok palang namin sa canteen ay rinig na talaga ang hiyawan ng mga estudyanteng nandoon. Lahat ng mga mata ay nakatitig samin. May tingin na humahanga at may mga tingin na mukhang papatay na

Sinubukan kong wag nalang silang pansinin dahil baka isa lang akong assumera tapos hindi pala ako ying tinititigan nila

Naghanap ako ng upuan at si Lian ang nagvolunteer na bumili ng pagkain namin. Mabuti nalang at meron akong nakitang pwesto na kasya ang apat na tao. Isang dahilan kung bakit nagvolunteer sya bumili ay para ako ang maghanap at siguradong walang iba na magtatangkang umupo sa pwestong napili ko kumpara pag sya ang naghanap ng pwesto ay agad syang dadagsain ng mga taong gustong tumabi sa kanya

Umupo ako sa isang pwesto dun at nagbrowse sa cellphone habang iniintay ang food namin ni Lian

"Update: DESTINY to you School Attack at Trinity High Next week, Friday 11:00 am"

My god! Dito sila mag miminiconcert sa school. As in here! Di ako makapaniwalang napili ang school namin. Makikita ko narin sa personal si Astron. Naeexcite din ako maririnig ang boses nya. His angelic voice is so Damn

"Perfect"

"Uh, Miss, Pwede makiseat-in? Wala na kasing available na ibang pwesto" Nawala ang fangirl mode ko nang may nagsalita sa harap ko na isang lalaki dala ang tray nya. May kasama syang isa pang lalaki at nakaheadphone ito

"Sure, sige na maupo na kayo" Si Lian na kararating lang ang sumagot sa kanila tsaka nilapag ang tray na kung saan nandun ang pagkain namin

Tinago ko na rin ang cellphone ko. Mamaya ko na lang iupdate si Lian about sa School Attack dito ng Destiny. Di talaga ako makapaniwala!!

Umupo naman ang dalawang lalaki sa dalwang upuan sa harap namin at sa tabi ko naman si Lian

"Bes, Sila yung nakabangga natin kanina" Duon sa sinabi ni Lian ay bigla kong narealize na sila nga yun, Di ko din marerecognize kung hindi naiba ang Green Number na nasa bisig ni Mr.Headphone

"Uhm, Sorry pala kanina ha, Nagmadali kami at hindi namin agad kayo nakita" Paumanhin ko kaya nag angat ng tingin yung nagsalita kanina habang si Mr. Headphone ay tuloy pa din sa pagkain

"Ah, Okay lang. Now it's even because you let us seat here" Bahagya syang ngumiti at nagpatuloy sa pagkain nya

Ngumiti rin ako ng konti at napansin kong biglang tumingin sa kin si Mr. Headphone habang ngumunguya ng kanyang pagkain. Agad rin naman syang umiwas ng tingin nang mapansin ko ito.

Gusto ko syang tanungin. Gusto ng bibig ko na mailabas ang mga katanungan yon sa kanya dahil nakakapagtataka na talaga

Ano ba meaning ng Green?

Fuck nababaliw nako. Nababalutan ng curiosity ang buong utak ko. Kuryosidad at isang tanong lang ay mahahanap ko na agad ang sagot.

Bakit hindi mo tanungin? Nag hehesitate ang utak ko at nararamdaman din ng katawan ko ang takot pag nasabi ko ang tanong na iyon

Napansin kong tahimik si Lian at Nakatitig sa katabi ni Mr. Headphone. Na Love at First sight ata kanina. Minsan lang kasi maging tahimik yan si Lian at dalawang rason lang ang dahilan pag natatahimik sya. It's either malungkot sya o natamaan sya ni kupido ng pana

Natapos ko na ang pagkain ko at inaya ko si Lian na umalis na para matapos na din ang akward atmosphere na bumabalot sa pwesto namin

Tumango naman siya at tumayo na rin. Nagpaalam ako sa dalawang lalaki kahit walang paki yung isa na aalis na kami. Ngumiti ng bahagya ang isa at tumango lamang. Pero bago kami umalis, tumitig ako kay Mr. Headphone at nabigla ako ng bigla rin syang tumitig.

Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko sa pagtitig nya. Ang Dark Blue eyes nya na nakatingin sa akin ay parang nagpapahiwatig na marami syang gustong itanong na ako lang makakasagot. Mga tanong na magpapasigurado ng puso at pagkatao nya. Sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko ay hindi ko na marinig ang ingay sa canteen at tipong kami nalang ang tao doon at nagtitinginan. Nagkaroon ako ng feeling na para bang kilala ko na sya dati at nakuha nya na ang puso ko. Ngunit impossible naman yun dahil ngayon ko lang talaga sya nakita kaya bago ako mapansin ng iba na nakatitig ako at mawala ako sa wisyo ay nagsalita na ako

"Mag iingat ka" I smiled genuinely at him at nalipat ang tingin ko sa bisig nya. May kung ano sa loob looban ko na hindi ko matatanggap at pagsisisihan ko buong buhay ko kung mamamatay sya sa araw na iyon

Nakita kong nalilito at pagtataka ang bumalot sa mukha nya dahil may isang estrangherong nagsabing mag ingat sya. Baka isipin nya na ako si Kamatayan at binabalaan syang mag ingat baka kuhanin ko sya o kaya isang assassin na papatayin sya mamaya o kaya isang weirdong hindi nabigyan ng gamot at nakikihalubilo sa Trinity High Students

Naramdaman kong naluluha na ako pag nakikita ko ang numerong iyon kaya tumalikod na ako at humakbang papalayo para sumama kay Lian papuntang room

"Napansin kong tahimik ka kanina ah. Natamaan ka ata" Basag ko sa katahimikang bumalot sa min nung pabalik na kami sa room

"A-ako? Nako Chanie Loyal ako. Wag mo itulad sa iba na nakakita lang ng gwapo natamaan na agad" Sabi nya sakin ng hindi tumitingin sa mga mata ko. Halatang sinungaling

"Ako pa niloko mo, Lian. Nako kabisado kita. At kanino ka naman magiging loyal aber? Sa ex mong walang kwenta?!" Sabi ko ng paasar habang natatawa sa reaksyon nya

"Nako Chanie no way! Iww, hindi maaari. Nagwagwapuhan siguro sa kanya oo pero gusto?--" Natigil sya sa pagsasalita ng makitang nasa pinto si Mr. Headphone at yung sinasabi kong gusto nya

"Fine, Gusto ko na sya. Grabe yung titig nya nakakainlove. Tapos ngayon, kaklase natin sya Chaniee my god! I'm so grateful and excited. Hindi ko mapigilan Chanieeee!!" Sabi nya habang pinipigilang mag ingay dahil malapit lang kami sa pintuan kasabay pa ang hampas at yugyog sa kin. Mabuti na lamang at naguusap pa ang dalawang lalaki

Hindi ko maiwasang tumingin kay Mr. Headphone at Green na numero. Malapit lang kami sa pintuan kaya't kitang kita ito. Sa tuwing nakikita ko talaga ito ay hindi ko mapigilang sumakit ang dibdib at malungkot

Subukan ko kayang Iligtas sya?

Hindi ko alam na sa mga oras na yun magsisimula ang pinakamasakit ngunit worth it na sakripisyo na aking mararanasan

Time of LifeWhere stories live. Discover now