©UNIQUECORN🐰🌈
•MISSJANNIEE🍃-------------------------------------------
--------------------------------------------------[Phanpriya~]
Naghilamus ako at inayos ang sarili ko. Bago umalis tiningnan ko muna ang mukha ko sa salamin kung maayos ba ito.
Gusto kung mapamura dahil sa naging itsura ko, mugto ang mga mata ko at parang dinaanan ng bagyo ang buhok ko. Goshh! Ganito pala itsura ko sa tuwing iiyak ako? Ang Haggard ko masyado.
Dali-dali akung lumabas ng CR. At hindi sinasadyang dahil sa pagmamadali ko, may nabangga ako ng di sa oras.
“Sorry!” hinging patawad ko. Aalis na sana ako pero napansin kung pamilyar ang amoy niya. Amoy na nalanghap kuna dati.
Inangat ko ang aking paningin at nakita ko ang lalaking dahilan kung bakit ako umiiyak.“A-Adrian?” kunot noo kung tanung sakanya. Gulat na gulat siya ng binanggit ko ang pangalan niya. Naman ehh! Sana pala hindi ko nalang binanggit ang pangalan niya.
Baka Naglalaro sa isipan niya ngayun na stalker niya ako. Tsk!
“Kilala mo ako?” kunot noong tanung niya. Syempre, ikaw ang lalaking gusto ko. Sasabihin ko sana iyon, pero wag nalang dahil nag-iipon pa ako ng Confident.
“O-Oo, s-sa s-sa ID mo kasi.” putchaa bakit ba ako nauutal? Relax priya, si Mr. yelo lang yan. Kumabog ng malakas ang puso ko ng bigla siyang tumawa. Hindi iyon sadya ngunit nagkataon lamang, charott.
Ang cute niyang pagmasdan sa tuwing tumatawa siya. kung Cellphone lang ang Mga mata ko malamang Storage full natu. Ehh kasi naman ehh! Ba't ba kasi ang gwapo niya?
Ang iba mukhang pinaglihi sa mukha dahil puro mukha, pero siya? Pinaglihi ata to sa Greek mythology. Ang gwapo.
“S-Sige una na ako.” saad ko bago pa ako mawalan dito ng malay dahil sa titig niya sakin.
~*~
Napapaubo na lamang ako dahil sa dibdib kung may drum ata sa loob dahil sa malakas na pagkabog.
Gulat na gulat ang mga mata ng tatlo kung hinayupak na kaibigan ng makita nila ako. Okay sige ako na ang haggard, ako na , ako na, ako na.
“Alam mo. Kanina payang mukha mo! Anu ba kasing nangyayari sayu ha!”
Bago ako lumapit. Napaisip ako kung sasabihin koba sakanila o hindi. Sasabihin ko ba na may gusto ako kay Adrian?
“Nakita mo si Adrian be? Nagkabanggaan kami kanina. Goshh ang gwapo niya sa malapitan, mukha siyang kpop.” kamukha siya ni kim tae hyung. Gusto kung sagotin si stephanie kay lang i decided to keep silence.
Ayukong mag-open ng conversation sakanila tungkol kay Adrian. Dahil ayukong pag-usap usapan ako ng ibang tao na may gusto ako sa mas bata pa sakin.
Ayukong tawanan nila ako
At mas na ayuko ay ang malaman niya.“kayu, puro nalang kayu kpop eh hindi naman kayu kilala.” naiinis na saad ni Ashley. Tsk! Balang araw makilala din nila ako. Not now but soon.
“Sus! Eh ikaw nga kilala ng crush mo, pero di kanaman gusto.” naiinis na saad ni stephanie. Padabog namang tumayo si Ashley at Umalis ng walang paalam.
Si Ashley talaga ang pikon. Iniinis niya kami pero kung siya ang mainis magagalit. Ang Hirap talaga Eh-spelling ang mga kaibigan ko. Napaka Moody masyado.
“Anung Ginawa mo doon? Ikaw kasi eh!” naiinis na tanung ni Blue. Agad siyang tumayo at hinabol si Ashley. Okay sige magsama silang Dalawa.
Umupo nalang ako sa upuang bakante nanasa gilid ni Stephanie. Kunot noo naman siyang nakatitig sakin, na akala mo naman may krimen akung ginawa.
“Anu ba talaga ang nangyari sayu haa!” taas kilay niyang tanung. Kinabahan naman ako sa mukha niya. Wala lang! Nakakatakot kasing tingnan, mukha siyang si Dracula.
“Kanina umalis ka ng sinabi namin na ang sweet nila Lorraine at Adrian. Anu ba talaga ang nangyayari? May gusto ka kay Adrian no!” tanung niya na ikina kunot ng noo ko.
Sasabihin koba sa hinayupak kung kaibigan natu? Ayuko lang talagang sabihin sakanila dahil, alam kung sasabihin din nila kay Adrian. Mga walang hiya kaya ang mga kaibigan ko.
Ayukong tawanan at ayukong makuha ang atensiyon ng iba. Alam ko kasi na kapag sa gwapo ka nagkagusto tatawanan kanila at sabihing ang taas ng pangarap mo.
“wala no!” pagdadahilan ko. Alam na alam ko ang ugali ng mga kaibigan ko. Kukulitin ka nila haggang sa masabi mo ang totoo. Kaya walang sekreto ang hindi nabubunyag saming magkakaibigan.Ayuko ding masira ang pagkakaibigan namin dahil dito. Sila kasi ang tipo na kapag hindi mo sinabi ang sekreto mo hindi ka nila papansinin.
“Sus! kilalang kilala kita PHANPRIYA ANN PEREZ. Kaya alam ko din na may gusto ka kay baby Adrian. Diba?” napahilamus nalang ako sa sarili kung palad dahil sa mga nangyayari.
Ayuko mang sabihin sakanya pero no choice ang lola ninyo. Magagalit ito sakin kapag hindi ko sinabi sakanya.
“Oo na! May gusto na ako sakanya.” saad ko nalang na kina ngisi niya. Aystt ayan na! Nasabi kuna. Kaylangan pabang dugtungan ang sinabi ko?
Nasabi kuna sakanya na may gusto ako kay adrian. Sana naman wala siyang pagsabihan nito. Ngumisi siya at humingang malalim.
“Okay lang yun. May gusto din naman ako sakanya.”
----------------------------------------
--------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Kahit Ate Kita? (COMPLETED)
General FictionHe's 14 years Old And I'm 16. - He's only Grade seven That Time And I'm on Grade ten. - He has a Girlfriend And I don't Have a Boyfriend. - I love him, more than I love myself. - Alam kung bawal Dahil alam kung Mas Bata siya Sakin. - Nanini...