NINE~ [END]

293 12 4
                                    


Phanpriya~

Balak ko sanang wag pumasok ngayon, kaya lang naalala ko na may exam pala kami.

Kaya kahit ayaw kung pumasok pinilit ko parin ang sarili ko. Wag kang maging tamad priya.. Naalala ko naman ang mga sinasabi ni Papa sakin.

Miss kuna si papa. Nagtatrabaho siya sa ibang bansa, kaya si Mama lang ang parati ang nandyan para sakin.

Miss kuna si Papa, gusto ko siyang yakapin kaya lang panu? Malayo siya sakin at hindi ko alam kung anu ang gagawin ko.

Nakabusangot akung naglalakad sa Hallway. Napatigil ako sa paglalakad ng may nagkagulo sa harap ko. Mismong sa harap ko pa talaga silang nag-away?

Kunot ang noo ko ng lumapit ang isa sa nag-aaway sakin. Lalaki ito at sa tingin ko, mas bata ito sakin.

Hinawakan niya ang braso ko sabay hila sakin. Tekaaa! Anu to? Anung gagawin niya sakin?

“HOYY! Saan mo ako dadalhin?” pasigaw kung tanung sakanya, sabay hila ng braso ko.

Pero imbes na bitiwan niya ito, hinigpitan niya lalo ang paghawak dito. May saltik ba ang isang to?

Nilingon niya ako, at nakita ko ang maamo niyang mukha. Tekaa! Kilala ko to eh! Kabarkada to ni Adrian at ka samahan niya din sa Soccer team. Anung gagawin niya sakin?

“Sorry ate priya... Napag-utusan lang.” saad niya sabay ngiti. Sumama nalang ako sakanya. Mukha namang hindi Adik to.

Patuloy lang kaming dalawa sa paglalakad at kumunot ang noo ko ng huminto ito sa paglalakad. Nasa harapan kami ngayon ng isang lumang classroom.

Hindi na ito gamit dahil puro sira na dahil sa kakulangan ng budget para sa renovation nitong  classroom.

Pinapasok niya ako sa loob, at dahil masunurin ako sinunod ko ang utos niya. Iniwan niya ako dito, at nakaramdam, ako ng takot dahil doon.

Ang dilim subra.. Panu kung may biglang humila ng paa ko? Panu kung biglang umangat ang buhok ko? Tapos---- relax priya.. Subrang OA mo talaga.

Dati rati saba'y pa

nating pinangarap ang lahat

Umaawit pa sa hangin

Amo'y araw ang balat

Naalala ko pa non

Nag-aagawan ng nintendo

Kay sarap namang

Mabalikan ang ating kwento

Nagtaka ako kung saan ng galing ang boses na yun. Kahit madilim pilit paring hinanap ng aking mga mata kung saan ng galing.

Ikaw ang pangarap buhat noon

Ikaw ang pangarap hanggang ngayon.......

Napanganga ako sa boses ng kumakanta. Boses lalaki ito, at napakaganda sa pangdinig.

Bigla namang bumalik sa aking alaala ang pamilyar na boses at kanta sa aking isip.

Madalas ko itong kinakanta nung bata ako. Maganda kasi ang kanta, dahil nagsimula sila sa pagkakaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kahit Ate Kita? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon