::STARS PART 2::5::

87 6 13
                                    

Queen of Standards Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
5
::::::::::

The prayer

I WON'T dignify him.Just wait and see.

Two minutes before twelve the next day.

"Ma'am,nasa site pa raw si Engr. Ulep." Mae reported.

"Sinabi mo bang may meeting sila ng twelve?"

"Yes,ma'am."

" 'kay."

Two PM.

Dinig ko ang malaki at galit na boses ng lalaking yon mula sa pwesto ko.

"Wala man lang sa inyo ang nagpunta?!"

"Eh,sir kasi di rin namin alam.Wala naman pong nagsabi."

Five PM.

Di na ako nagtaka na sa akin tumawag at nakiusap ang PM ng Voltage Inc. na si Sir Coni.After the incident of him underestimating me during a walk-thru?

"Sir,i-direct nyo na po sa engineer ko." Ngiwi kong sagot sa pakiusap nito over the phone.

"Ay,madam...hindi ko makontak si Engr. Ulep kanina pa.Tutal ikaw naman ang senior niya,pwede namang ikaw na lang ang kausapin namin ng bosing ko,madam."

Tumawa ako ng alanganin sa isa na namang palusot."Pwede naman sir,pero busy rin ako eh.Nandyan lang po iyang si Ulep." I almost choke saying that name.

Wala akong balak mag-sub sa taong yon and I made it clear to the old man.Bahala silang magtagpo.Di makontak? I doubt it.

Six PM.

Tumayo na ako at naghanda pauwi.Kinailangan ko pa munang dumaan sa pantry para hugasan ang coffee mug ko.By that,I am crossing his den.

Nagkatinginan kami and I'm sure na nauna ako sa kanyang umirap.Narinig ko ang pagtunog ng deskphone sa mesa niya bago ako makapasok ng pantry.

Mabilis lang ang ginawa kong paghuhugas dahil naiisip ko na agad ang traffic.Paglabas ko,his bordering size blinded my way.His face grumpy,I can feel his muscles tensed while looking at me with a fist at his waist.

"Ano?" I mouthed with same animosity.

"Nananadya ka." He accused.Mabigat ang tono.

"Nananadya?Saan?" I played innocent.

"Pinapalaki mo ang problema."

"Problema? Meron ba?" I went to pass beside him.

"Hindi ka nakakatuwa.Masyado kang namemersonal."

Tumigil ako para sumagot na may pagpilantik ng kilay. "Sino ba sa atin ang namemersonal? Ang sensitive?"

Tumagis ang bagang niya,I knew it when his hairy jaw moved. "Alam mo ikaw-"

Phone rung,mabilis niyang tinapunan ng tingin ang telepono pero bigla namang tumigil.Babalikan niya sana ako nang bigla namang tumunog ulit.

Aburido niya iyong sinagot. "Hello?" Kontrolado ang boses. "Walk-thru,sir?Ngayon na?....Ah,sir kasi-"

That's it,I'm out.

---

Pagdating sa bahay naabutan kong pinagagalitan at halos sigawan ni Papa si Mama sa kusina.

"Pa...Pa,bakit?" Habang ibinababa ko ang mga dala ko sa upuan.

Tatlo lang kami sa bahay,isa dapat lagi ang gigitna.

STARS ARE BLIND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon