::JUST THEIR MOMENT 1::

64 3 0
                                    

QUEEN OF STANDARDS SERIES 1:
STARS ARE BLIND by Robin @ Robin_Blue22

::::::::::::::::::::::::::
MOMENT 1
::::::::::::::::::::::::::

#TyphoonUlysses

After confirming from the project manager on site, Ulysses finished the call. Bumalik siya sa sala kung saan nanonood ng balita sa TV si Jackie. Napansin nito ang pagdating niya at sumulyap sa kanya.

"Grabe ka hon...look what you did, o." Anito sabay pout pa ng mga labi.

Napapalatak siyang umismid dito. "Hey, don't joke about it. Napakaseryoso ng nangyayari." Galit niya rito bago naupo sa tabi nito.

"Kamusta sa site?"

"Hindi naman pumasok yung tubig pero napuno yung foundation ng kabilang block. Engr. Magno will dry them out as soon as they resume." Balita niya as he resume their cuddling a while ago.

Jackie comfortably nestled on his side.

"Nasa'n yung anak mo? Umuulan pa sa labas. Lumabas ba?" Ulysses looked around seeing Jackus nowhere. Naroon lang iyon kasama nila kanina nakikinood ng balita pagkatapos bumalik ng kuryente. "Hon." Untag niya sa asawa at hinagkan ang tuktok ng ulo nito habang hinahagod ang braso.

"Yes, outside." Madaliang sagot ni Jackie. "Hon, mag-donate ka nga, at least that way we did something."

"Kagabi pa, hon." Mabilis na sagot ni Ulysses. "You mean outside? You let him out?" Hindi makapaniwalang kastigo sa asawa. Kahapon pa gustong maligo sa ulan nung bata pero nilalagnat kaya binawalan niya. Actually ito ang nagbawal.

Bumangon ito at maayos na humarap sa kanya nang maringgan ang pagsisimula niyang magalit. She's hugging herself in cold. "Mapilit, aalagaan daw niya sarili niya pag trinangkaso siya. So I let him."

Ulysses huffed. Kapag talaga nagkakapahamakan na siya na ang sumasalo eh. "That boy!" Agad na tayo niya at tinungo ang pinto palabas para hanapin ang anak. Sumambulat sa kanya ang mahanging ulan at ang lamig na dala niyon. And that even made him angrier.

"Jackus!" Uly shouted not minding the weather when his son didn't even mind it. Kahit kailan ay hindi pa niya napapalo ang anak dahil marunong naman kasi itong ilugar ang sarili kapag isa na sa kanila ni Jackie ang nagagalit. His son already has sense of responsibility that earned their trust. Pero minsan ay may mga pagkakataon pa na bata pa rin ito na kailangan pa ring gabayan.

Hanggang sakong na ang baha sa kanila na mula sa hanggang tuhod kahapon. At iniisip niya ang Leptospirosis, Typhoid, Dengue....

Kaya nang makita niya itong nakikipaghabulan sa mga kapwa bata sa nabahang basketball court sa parke habang basang-basa, tumiim ang mga labi niyang sinugod ito.

"Jackus!" He roared and the kid stopped at once and looked behind to see him. Nanlaki ang mga mata nito. "Let's go!"

---

"Hon-" Ulysses paused when Jackus quickly hid behind his wife. Napatingin sa kanya ang asawa ng may pagtikwas ng kilay.

Sumama kaagad ang kanyang pakiramdam na nagsimula pa kahapon. Natakot si Jackus sa kanya at hanggang ngayon ay iniiwasan siya o kaya ay tinataguan.

Hindi niya pinagsisisihan na pinagalitan niya ito kahit pa hindi ito nagkasakit o nasaktan gaya ng sinasabi ni Jackie sa kanya.

"Ingat na ingat ka sa kanya, ano'ng nangyari ngayon?" They argued last night.

"Nagkasakit ba siya?"

"Nasasabi mo yan kasi nagkataon lang. Maybe we wait until he really got sick."He sarcastically said.

STARS ARE BLIND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon