::STARS PART 3::51::

37 4 0
                                    

STARS ARE BLIND by Robin @ Robin_Blue22

#LuYep
#DownToLASTCHAPTERS

::::::::::
51
::::::::::


I like him

'TIGNAN natin' was his words.

And that for me equals to a chance.A chance to prove myself that I'm not for rejection.

No one wants to be treated less,kung pwede lang gusto tayo lahat ng tao.Lalo na kung gusto mong gustuhin ka rin niya.

I have this notion knowing that he likes me,well I'm sure he still is,I am expected to like him back.

I like him.

I do.

Kaya hindi ako mapalagay katuwing naiisip ko ang F na nakatabi ng M sa dingding ng reception.

After a week I officially started as a homebase architect.Pero dahil newbie ay kailangan kong mag-report for orientation and all.

Kaya nakita ko na naman ang F na yan.He is Ulysses P. Mandino. So what's that F?

Felicity.

The Felicity in Facebook.

I'm sure.They're partners.Mandino & Felicity Engineers and Architects.

Jealousy is eating me up. Parang gusto kong magtampo.May karapatan ba ako?

"Okay ka lang po architect?"

Napuwing yata ako. "Yeah,yeah...I'm just...." Di ko alam ang sasabihin at nagkunwari na lang ako na talagang napuwing sa kakatitig sa likuran niya.

Roses bought it though.

"Pasok na daw po kayo sa conference room architect." Malumanay na sabi niya pagkababa sa telepono.

Di na ako nagpatumpik-tumpik pa at sumunod sa instruction niya.

My mind still clouded with an F when I walked to the hallway.Naiiyak ako.Mali yatang nandito ako.

But when I saw him coming from my opposite direction,caught his eyes as he crossed before me that's when I know it was rightful for me to be here.

"Psst!"

Napalingon si Marcos at binalikan ako na nakatambay sa labas ng conference room dahil mainit sa loob.Wala pa naman yung HR na mag-o-orient sa akin.

"Architect?"

Hinatak ko ang braso niya para mas malapit pa sa akin. "Ano yung F sa MF?"

Nag-isip pa bago sumagot.Gusto kong batukan for being slow.

"Fel-"

"Felicity?" Singhap ko.

The young man look at me like I'm an odd human being. "Di!"

"Ano? Felicidad?"

"Feli...tsk ano kasi yun? Basahin nyo na lang sa company profile architect.Nakalimutan ko eh."

"K thanks."

Pag-alis niya ang pagdating naman ng may edad na babae.Tumitig ito sa akin,mula ulo hanggang paa. "Ar. Jackielyn Luy?"

"Yup,that's me."

"Inside please."

Pagbitaw ng pleasantries inunahan ko na. "Ma'am may I know-"

Bumukas ang pinto at tumalon ang puso ko nang magtama ang aming paningin.

"Engineer?" Anang HR Manager.

STARS ARE BLIND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon