Prologue

41 4 0
                                    


"Mahal na mahal kita.. Walang iwanan, ha?"

'Yung ngiti niya.

"Ikaw lang naman ang pinangarap kong babae eh. Kaya makakaasa kang sa'yo lang ako.."

"Wag mo 'kong iiwan, please.."


Pero bakit unti-unti kang lumalayo?

Bakit mo ako iniwan?







"Caisleigh!"

Napabalikwas ako ng upo nang nararamdaman kong may yumuyugyog sa'kin. Nanaginip na naman ako.

"Okay ka lang? Umiiyak ka."

"A-ah, masamang panaginip lang"

Nasa classroom pa pala ako. Nakatulog na naman ako. Ayan tuloy nanaginip ako.

Tumayo na ako at lumabas ng classroom.


'2:14 PM'


Malapit na pala ako sa susunod kong class kaya naman binilisan ko ang lakad ko.

"Ganyan ba talaga siya? Parang laging walang pakialam.."

"Shhh, tumahimik nga kayo..."

Ano bang meron sa'kin?

Di ko nalang pinansin ang mga nagsasalita sa paligid ko habang nadadaanan ko sila. Pagkapasok ko sa loob ng room ay natahimik ang lahat.

"Bakit?" Malamig kong tanong.

Walang nagsalita. Iniwas lang nila ang tingin nila.

"Grabe ang pinagbago niya. Di naman siya dating ganyan eh huhuhu"

Iniwas ko nalang ang tingin ko at nag-earphone.

"GUYS!--" Tumingin yung sumigaw sa'kin...

"A-ah, wala daw pasok hanggang hapon---" di ko na tinapos ang nagsalita at lumabas na ng room.

Wala na daw pasok eh.



"C-caisleigh? Y-you're back..."

Nilingon ko ang nagsalita...

Tinitigan ko siya.

Matagal bago ako nagsalita.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa.



"Who are you?" na ikinagulat niya.

She Who Stayed (Lisa Manoban FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon