Chapter 13

4 0 0
                                    


Dumiretso agad sa ako building namin at umakyat na sa floor namin. Hindi ko inalintana ang sinasabi ng mga estudyanteng nadadaanan ko. 'Wag lang silang magsalita ng hindi maganda.

"Napaaway ba siya?"

"Ang cool niya tingnan, shit."

"Anong cool? Nakakatakot kaya, puro dugo ang kamao niya oh. Sheez"

Saan ang cool don? Sila kaya suntukin ko? Nalukot ang mukha ko nang sumakit ang kamay ko. Hay.

Pumasok ako agad sa classroom nang hindi pinapansin ang tingin nila sa'kin. Dumiretso ako sa upuan.

"A-anong nangyari d'yan?"

"Wala 'to-" hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil hinila niya ako patayo at lumabas ng classroom.

"Hindi 'yan wala lang, Cai."

"Ayos lang naman ako, in fact I feel better now."

Napahinto siya kaya napahinto rin ako. Hinarap niya ako na nakanguso.

"Ano bang ginawa mo?" nanliit ang mata niya. "Obviously, sinuntok mo either ang puno o ang pader."

Nagsimula ulit siyang maglakad. Papunta 'to sa clinic namin.

"You dont have to inflict pain just to make you feel better, Cai. Ano palang silbe ko kung hindi mo sasabihin sa'kin ang problema mo?" Humarap siya sa pintuan ng clinic at tinulak sa loob.

Nakayuko na ako. I feel guilty, oo na. Selfish na ako.

"Oh, what happened?" Tanong ng nurse na kakalabas lang ng likod ng kurtina na nakaharang sa table niya.

"Nurse, may alcohol kayo? Ibuhos mo nga sa kamay nito."

"Jenn!" Kinuha niya ang bulak sa kamay ng nurse at alcohol.

"Ano ibubuhos mo talaga 'yan?"

"OO! tigas ng ulo mo!" Sa'n ang matigas na ulo do'n?

"A-aww!"

"Aww ka d'yan, pero hindi ka nasaktan sa pagsusuntok mo?!" napatingin naman ako sa nurse at nanlaki ang mata niya.

"S-sinong sinuntok mo?" Gulat na tanong ng Nurse.

"Kung hindi ang pader, baka puno. Sunod mong suntikin yung mukha ni Ysabelle ha?!" Galit talaga siya huhuhu

"S-sorry na, ayoko lang kasi madamay ka pa sa galit ko." napahinto siya sa paglalagay ng gasa sa kaliwang kamao ko.

"Ano bang kinagagalit mo?" lumayo ang nurse sa'min para pumunta sa table niya.

"Yung panaginip ko nga. Masamang panaginip-"

"Oh eh anong tungkol do'n?" tinatapos niya ang paglinis at paglagay ng gasa sa kanang kamao ko. Ang awkward naman isulat 'to. Malaki ang gasa, puro sugat kasi sa knuckles ko.

Umiling ako habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. Indeed, Jennie is such a truest friend I've had. Dati, lumaki akong nabubully sa school kaya naging home schooled ako. Lumaki akong may galit sa lahat may kaibigan pero eto, pinararamdam niya sa'king hindi ko kelangan mangamba kasi andyan siya para umakay sa'kin pataas.

Napatingin ako sa kanya. Is it about the time? Napailing ulit ako. Ayokong dumaragdag sa isipin niya. Masyado siyang totoo sa'kin, baka pag nalaman niya, lalayuan niya ako. Hindi ko kakayanin 'yon!

"Basta!" hinila ko na siya palabas ng clinic dahil 5 minutes nalang ay late na talaga kami. Pero bago kami lumabas ay nagsulat lang siya sa logbook. Siya na ang nagsulat kasi may bandage ako sa kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Who Stayed (Lisa Manoban FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon