Kabanata 2

4 0 0
                                    


" okay class dismissed."

Tinignan ko nalang ang mga kaklase kong excited nang lumabas.

" snowy, kain na us gutom na ako eh, libre moko bilis."

Agad ko namang nilingon si jes at tinaasan ng kilay.

"bilis na kasi teh, ano bang minumukmok mo jan? Kanina ko pa na papansin yan ahh."

Agad naman akong umiling at sinimulan na ang pagliligpit ng mga gamit sa desk ko, ayoko munang sabihin kay jes ang problema ko ngayon, knowing her for sure di na naman nya mapipigilan ang bunganga nya.

Tumayo na ako at isinabit ang shoulder bag ko sa balikat at agad nang nagtungo sa pinto, agad namang hinawakan ni jes ang balikat ko at isinapay ang kamay nya doon.

" halika na mayora, punta na us sa cafeteria."

Hinayaan ko nalang sya at patuloy na naglakad.

Pagdating namin sa cafeteria ay pumunta na kami sa bakanteng upuan at si jes na ang pinabili ko ng pagkain naming dalawa.

" ano bang kakainin mo mamang?"

Hmm. Im craving for an egg pie but parang gusto ko rin ng rice.

" chicken with rice, lemonaid, egg pie and cookies."

Agad naman syang napanganga sa sinabi ko.

"what?."

Tinaasan ko lang sya ng kilay at nagsimula mag cellphone.

" iba ka teh! Yung totoo? Nagst-stress eating ka ba?."

Agad ko naman syang nilingon.

" hindi ako nag s-stress eating, gusto ko lang talagang kumain ngayon ng marami."

Tumango-tango naman sya at nagsimula nang maglakad palayo.

Hays pag iniisip ko yung mga nangyari kagabi, sumasakit lang ang ulo ko.

Flashback

Napanganga nalang ako sa sinabi nya, he has some point, tinignan ko nalang ulit ang view ng city, that man is really something..... I guess....

Pagbaba ko nag uusap na ulit sila about sa business at kasama na ulit si cross sa usapan.

" oh iha tapos kana bang mag muni-muni sa rooftop?sabi kasi nitong si cross gusto mo daw mapag isa kaya nauna na sya."

May sinabi akong ganon? Really?

Napairap nalang ako sa hangin at pilit na nginitian si ninang amanda.

" oo nga po eh, pero okay naman na po ako."

Ngumiti lang sya at umupo narin ako sa upuan ko,after few minutes ay napunta na naman saamin ni cross ang usapan.

" mukha namang magiging mabuting may bahay itong si snow amiga."

Gusto kong masuka sa sinabi ni ninang, tumawa rin si mom at agad na hinaplos ang braso ko.

" oo naman mands, alam mo naman itong inaanak mo hindi lang maganda, masipag at maalaga din yan, lagi kaya akong pinapasalubungan ng dalanghita nyan."

Mas lalong lumakas ang tawa ni ninang, inonote ko na nga na wag nang bilhan si mom ng dalanghita from now on.

" maalalahanin din pala at syempre mukhang palaban din ito katulad ng ina."

Tumawa naman si dad sa narinig nya.

" mukhang magkakaroon sila ng masayang pamilya ni cross."

Forget me notWhere stories live. Discover now