Kabanata 3

2 0 0
                                    


Kabanata 3.

" guys announcement, you have a new classmate today, be nice to her."

Lahat naman ay nilingon ang babaeng kakapasok lang, she looks like a nerd, thick glasses, bun hairstyle, maroon cardigan and a backpack idagdag na natin yung librong hawak hawak ng kamay nya, no doubt she's a nerd.

" h-hi I-im Cassandra, I hope we can all be friends."

Bahagya pa syang yumuko at agad na pinanatili ang tingin sa ibaba, hmm, pag ganyan sya mabubully sya ng mga walang magawa sa buhay dito.

" a nerd ma'am? Really?."

Agad namang nagtawanan ang mga kaklase ko sa isinigaw ni lexy, one of the mean girls in the school.

" magaling ba yan gumawa ng assignment?"

Sigaw nya ulit at nagtawanan ulit ang mga kaklase ko, I remained my calmness, for me kasi it's not funny lalo na pag tao yung ginagamit mo bilang entertainment.

" quiet class!."

Agad naman silang tumahimik, nilingon ni ma'am si cassandra she lookes scared, ma'am point the seat beside me agad naman syang pumunta doon kaso biglang may pumatid sakanya kaya nadapa sya at nalaglag ang mga dala nyang libro they laughed again, pinulot nya yung mga books at umupo na, I noticed some scratch on her knees dahil siguro sa pagkakadapa nya kanina.

Napailing nalang ako at nagfocus na kay maam na nag-uumpisa ng mag lecture, I really hate seeing someone being like this.

" class dismissed."

Agad ko namang iniayos ang gamit ko at nilingon si jes na nakatulala at mukhang hindi rin nya narinig ang pagdismissed ni maam sa klase kasi lutang sya sa kung ano man ang iniisip nya.

Agad ko syang nilapitan at tinapik, nilingon naman nya ako at kumurap-kurap sya ng ilang segundo pagkatapos ay nag ayos narin.

" ano bang iniisip mo? Gutom ka na naman?"

Tinaasan ko sya ng kilay dahil hindi man lang sya nagsasalita, parang wala sya sa sarili nya, naninibago ako sakanya ngayon, hinawakan ko nalang ang kamay nya at hinila na sya palabas, mukhang gutom na nga ang isang toh.

Pagdating namin sa cafeteria ay naghanap ulit kami ng vancant seat at duon umupo.

" jes ako nang bibili ng pagkain natin, what do you want?."

Nilingon naman nya ako.

" kahit ano."

Napakunot ang noo ko, it's my first time to hear those words, specially from her.

" are you fine? Ano bang nangyayari kasi sayo kanina ka pa tulala, malapit na akong mainis sa kakaganyan mo, don't try my patience sis."

She hold my hand at maya maya ay nag si patakan ang mga luha mula sa mata nya, napakurap ako ng ilang saglit bago sya niyakap at duon mas lalong lumakas ang iyak nya.

" ano bang nangyari? Natanggal ka ba sa trabaho?"

Nagsisimula nakong mag-alala, knowing this girl, hindi sya iyakin pero ano bang nangyayari sakanya?

" umamin ka saakin? Sinong umaway sayo? Tell me!"

Agad naman nyang iniangat ang ulo nya, nanginginig pa sya habang bahagyang umaangat-angat pa ang balikat nya, nag igting naman ang panga ko sa nakikitang kong reaksyon mula sakanya.

" k-kasi s-now k-kahapon.."

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya at ilang sandali pa ay nagkwento na sya ng nangyari kagahapon.

Forget me notWhere stories live. Discover now