End; After That 2

12 3 0
                                    

Kanina pa walang imik si Angelo habang nakaupo silang dalawa sa bench sa tagpuan nila. Sinabi niya rito ang naging pag-uusap nila ni Mrs. De Dios kaninang umaga. Mula noon, hindi na ito kumibo.

"Kanina, nag-text din si Cedric sa akin. Ini-imbita niya ako sa birthday niya," anito, maya-maya.

"Kinumusta mo ba siya, kung anong pakiramdam niya? I mean, galit siya sa atin, Angelo. At alam na alam mo na sa buong school halos tayo lang dalawa ang kaibigan niya. He could've—"

Bumaling si Angelo sa kanya. "Kinumusta ko siya. Hindi nag-reply." Bumuntong-hininga ito. "Nag-sorry din ako. Wala ring sagot."

Napasandal siya sa upuan. "So, pa'no bukas?"

Ginagap ni Angelo ang kamay niya. "Pupunta tayo," anito.

Isang pilit na ngiti ang isinagot niya.

* * * *

Mayâ't-mayâ ang pag-check ni Aya sa cellphone niya habang mag-isa siyang nakaupo sa pinakagilid na table sa garden ng mga De Dios. Doon ginaganap ang party ni Cedric. Mag-iisang oras na niyang hinihintay ang pagdating ni Angelo o ang paglabas ni Cedric mula sa bahay nito. Nag-iisa siya at walang kakilala sa mga bisitang taga alta-sociedad. Nilapitan siya kanina ni Mrs. De Dios. Sinabi nito na matatagalan ang paglabas ni Cedric dahil sa nagkasinat ito nang nakaraang gabi.

Muli, nag-check siya ng phone. Ngunit maliban sa huling text ni Angelo na 'Mauna ka na. Hahabol ako.', wala na siyang iba pang bagong text mula sa nobyo.

Naghintay pa siya nang lampas tatlumpung minuto bago tuluyang nagpakita si Cedric sa mga bisita nito. As usual, gwapo at napakalinis nitong tignan sa suot nitong three piece suit na siyang mamahalin. Nakipagbatian si Cedric sa mga bisita nito. Masigla ito at panay ang ngiti. Ngunit nang dumako ang tingin nito sa kanya ay bahagya itong natigilan.

"Si Angelo?" tanong nito.

"W-wala pa, eh. Pero darating 'yon. Sinabi niya sa 'kin," alanganin niyang sagot.

Ngumiti ito bago inilahad ang kamay sa kanya.

"Let's dance," aya nito sa kanya na malugod naman niyang pina-unlakan. Ilang minuto na silang nasa dance floor ngunit wala pa rin itong imik.

Mayâ-mayâ pa ay, "Cedric, I'm really sorry," lakas-loob niyang sabi. Hindi ito sumagot, tumigil lang sa pagsayaw.

"Tara sa loob," anito. Muli, ay nagpa-unlak siya. Humantong sila sa loob ng silid nito. Malaki, magara, humihiyaw ang karangyaan sa bawat sulok niyon, gaya na rin ng buong kabahayan.

Ilang sandali itong nakasilip lang sa balkonahe ng kwarto nito. Tanaw mula roon ang party sa ibaba. Siya na ang unang nagsalita nang mailang siya sa katahimikan.

"Cedric, kumusta pakiramdam mo? S-sabi ng mommy mo, may sinat ka raw kagabi."

Unti-unti itong humarap sa kanya. "Maayos ako. Wala akong sakit," sagot nito bago humahakbang palapit sa kanya.

"M-Mabuti kung gano'n," aniya bago umiwas ng tingin. Nailang siya kasi sa paraan ng pagtingin ni Cedric sa kanya. Pakiramdam niya, ibang tao ang tumitingin sa kanya, hindi ang Cedric na kilala at kaibigan niya nang ilang taon na.

"Tell me Aya, is he a good kisser?" tanong nito, puno ng malisya.

Mabilis na napuno ng kaba ang dibdib niya lalo pa nang tuluyan itong lumapit at ngumisi. Sinubukan niyang umatras palayo rito ngunit sumayad ang likod niya sa dahon ng pinto. Tuluyan na siyang napinaralisa ng kaba at takot.

"Hindi ka na sumagot. Bakit tuwing nagtatanong ako, hirap kang sumagot?" anito nang gagahibla na lang ang pagitan ng mga mukha nila. "Angelo didn't kiss you quite well, did he?" Ngumisi ito. "I'll give you a kiss you'll never forget, Aya." Iyon lang at tuluyan nitong sinakop ang mga labi niya.

End; After ThatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon