End; After That 3

11 2 0
                                    

"A-Anong... paano—" halos hindi lumabas sa bibig niya ang mga salita. Nang itaas nito ang cellphone ni Angelo ay napasinghap siya. "B-Bakit n-nasa 'yo yan? Nasa'n si Angelo?" nanginginig niyang tanong. Naguguluhan siya at natatakot.

Hindi gaanong naiilawan ang pwesto nila ngunit sa kabila niyon, malinaw sa paningin niya ang pagngisi ni Cedric. Lalong tinambol ng kaba ang dibdib niya nang humakbang ito palapit. Umatras naman siya ngunit nabuwal siya sa lupa nang masagi niya ang naka-usling ugat ng puno sa kanyang likuran.

Natawa nang marahan si Cedric nang masulyapan nito sa bench ang dala niyang bag. "Aalis ka? Sa'n ka pupunta?"

"Wala kang pakialam!" singhal niya. Pinilit niyang tumayo upang makalayo sana sa lalaki ngunit mabilis ang kilos nito. Kinamal nito ang buhok niya at hinila siya patayo. Napahiyaw siya sa sakit. Pinilit niyang manlaban ngunit agad din siyang napatigil nang itutok ni Cedric ang patalim sa kanyang pisngi.

Ilang sandali pa, natatarantang itinago ni Cedric ang patalim nang may makarinig sila ng mga yabag na papalapit. Mabilis nitong pinulot ang bag niya bago siya nito hinila paupo sa paanan ng malaking kahoy upang magtago.

Nang mawala na sa kanilang paningin ang guard na nagra-round roving, sapilitan siya nitong hinila patungo sa rooftop ng Admin Building. Kasabay nang patuloy na pagbagsak ng luha niya ay ang walang tigil rin niyang pakikiusap. Ngunit parang walang naririnig si Cedric. Marahas siya nitong binitawan nang makarating na sila sa rooftop na nagpangyari upang madapa siya sa magaspang na sahig.

"Tama na, Cedric. Nasasaktan na ako!" mangngiyak niyang pakiusap habang hawak ang nasaktang mga kamay.

"Tama na? Nasasaktan ka na?" sarkastikong tanong nito. "Ako ba, Aya sa tingin mo, hindi ako nasasaktan sa paglilihim ninyo ni Angelo? Ginawa ninyo akong tanga!" Napaigtad siya sa pagsigaw nito.

"I treated you as my queen. Umasa 'ko. Pero niloko niyo 'kong dalawa. Ginago niyo 'ko! Sabihin mo, wala ba akong karapatan na masaktan sa paglilihim niyo ni Angelo?" Ang kaninang mukha nito na puno ng galit ay napalitan ng hindi maipaliwanag na kalungkutan.

Hindi siya naka-imik sa mga narinig. Wala siyang kasalanan. She didn't give Cedric any hint upang maisip ito na may nararamdaman siya para rito. Tuwing nag-aaya ito, tinatanggihan niya ito. Sa tuwing nagpapakita ito ng sweet side sa kanya, binabalewala niya lang ito at alam niya na, noong una palang, ramdam din iyon ni Cedric.

Lumapit ito sa kanya, hinila siya patayo at marahas na isinandal sa dingding sa malapit. Inipit nito sa kamay nito ang magkabilang pisngi niya at pinilit siyang makipagtitigan dito bago magaang pinaglandas sa pinsgi niya ang patalim. "Gusto kitang saktan, Aya. Pero mas lamang talaga yung pagmamahal ko sa 'yo."

Pagkasabi niyon ay binitawan nito ang hawak nitong patalim bago marahas na inangkin ang labi niya. Nanlaban siya at pinagsusuntok-suntok ang dibdib nito ngunit sadya itong mas malakas kaysa sa kanya. Hindi man lang ito natinag sa ginagawa kahit sandali. Ang tanging nagawa niya lang sa mga oras na iyon ay ang umiiyak nang umiyak habang nagdadasal na sana ay huminto na ito sa pambababoy nito sa kanya.

Mula sa labi niya, naglakbay ang labi nito papunta sa leeg niya. Lalo siyang nandiri at nagsisigaw subalit lalo siya nitong idiin sa dingding. Nang subukan nitong pagapangin ang kamay nito sa maselang parte ng katawan niya ay lalo siyang nagpumiglas.

"Cedric!"

Agad na huminto si Cedric sa paghalik sa kanya at nilingon ang pinanggagalingan ng tinig. Nang mapagsino ang bagong dating ay mabilis siya nitong binitawan.

"A-Angelo," tawag niya sa mahal niya sa garalgal na tinig. Pulang-pula ang mukha ni Angelo. Sigurado siya, sukdulan na ang galit nito kay Cedric dahil sa nakita nito.

End; After ThatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon