MARGA'S POV
Nasa loob kami ngayon ng sasakyan at papunta kami sa office ng parents ko. Si Nikki na ang nagdadrive ngayon dahil tulala parin si Alexa dahil sa sinapit ng parents niya. Sana hindi sapitin ng parents ko ang sinapit ng parents ni Alexa. Nalulungkot ako para sa kanya but we can't do anything about it. Acceptance nalang talaga ang dapat naming gawin para makamove on na sa nangyari kina tito at tita.
By the way, I'm Margareth Villar, Marga for short. I'm 16 years old, a fourth year high school student. Magkaklase kaming apat kaya kami narin ang magkakasama. Matangkad ako, sexy, maputi, long hair at mayaman. Kelangan pa ba ang status ng buhay sa panahon ngayon? I don't think so.
Pinark na ni Nikki ang kotse at dahil maraming mga zombies sa paligid hindi kami agad lumabas ng kotse. Naghintay pa kami ng ilang minuto ngunit hindi parin umaalis ang mga zombies sa paligid. May nakita kaming malaking truck na paparating at nakamatyag lang kami. Dahil sa malakas na tunog ng makina ng truck naattract ang mga zombies dito. Nagsipag takbohan ang mga zombies doon at dahil clear na ang paligid namin bumaba na kami at tumakbo na sa loob ng building. May narinig kaming pag sabog at halos nabingi ako sa tindi ng pagsabog.
Umakyat na kami ng 4th floor sa office ng parents ko. Pag labas namin ng elevator dahan dahan kaming nag lakad papunta sa office room nila mommy. Pag bukas ko ng pinto tahimik lang sa loob ngunit may mga dugo sa sahig. Kinabahan ako pagkakita ko ng mga dugo na nakakalat sa sahig.
" Mom? Dad? Where are you guys? " Tawag ko sa parents ko. Tumingin naman silang lahat sa akin.
" Are you trying to attract those flesh eater? " Mahina ngunit madiin na sabi ni Velarie sa akin. I'm just scared, scared of the thought that my parents are dead already.
" Shhhhh.. Do you hear that? " Mahinang tanong ni Nikki at agad naman naming pinakinggan ang ingay na yun. Parang may umiiyak na paungol, i don't know but something's telling me to find where the sound came from. May mahabang sofa sa loob ng office kaya pumunta ako doon kasi dun nanggagaling ang sound. Hawak ko ang baseball bat ng mahigpit at dinig na dinig ko ang malakas na pintig ng puso ko. Pag silip ko sa sofa, i saw my mom sitting there with blood all over her body. She's crying and i saw that she has a wound on her right shoulder.
" Mom, what happened? Are you alright? " What a stupid question, ofcourse she's not alright. Tumingin si mommy sa akin at agad ko siyang niyakap.
" Marga, your dad is dead already. I killed him coz he bit me. I'm sorry iha, i didn't mean to do it. " Humagulgol na si mommy sa balikat ko. Hindi ko namalayan na umiiyak narin pala ako. Lumapit sa amin ang apat at nakamasid lang sa amin.
" Shhhh.. You did the right thing mom. Let me see your wound. " Alumpihit pa siyang ipakita sa akin ang sugat niya pero pinakita narin niya ito. Malalim ang sugat niya at maraming dugo ang lumalabas dun. Honestly, takot ako sa dugo pero parang na immune na ako simula kanina.
" Iha, you need to kill me. Any moment magiging zombie narin ako and i don't want that to happen. " Nabingi ako sa sinabi ni mommy sa akin. She's the only family i've got and now she's asking me to kill her?! No, i can't!
" Mom, i'm sorry but i can't do that. " Tanggi ko kay mommy. Napaubo na si mommy at may dugo ng lumalabas sa kanyang bibig.
" I-iha i-i'm d-dying a-al-ready, p-please k-kill m-me n-now. " Paputol putol niyang sabi sa akin. Sobrang hina na nga ng boses niya sign na mahina na siya at malapit ng mamatay. Patuloy lang sa pag patak ng luha ko pero hindi ako makagalaw. Para akong na paralisa sa oras na yun, i was torn between my mom's request and my own request not to kill her.
" Kung ayaw mong gawin Marga, i'll do it for you! " Boluntaryo ni Nikki saka kinasa niya ang baril na hawak niya at itinuon yun sa ulo ni mommy.
" Stop! I'll do it! " Labag man sa loob ko na gawin yun wala akong magagawa. Ayoko naman na ibang tao pa ang gagawa nun para sa akin. I will kill my mom with love. Kinuha ko ang baril kay Nikki at walang tigil parin ang pag iyak ko. Nakatingin ako kay mommy at nakatingin din siya sa akin then she smiled at me and she mouthed " I love you".
" I love you mom! " Sabi ko sa kanya at ipinikit na niya ang mga mata niya kasabay nun ang nakakabinging putok ng baril.
***
Nasa baba na kami ng building nung mapansin kami ng mga zombies. Kaya agad kaming tumakbo papunta sa sasakyan pero may mga zombies din na naka harang dun.
" What now Nikki? Saan na tayo pupunta? " Sigaw ni Velarie. Habol ko ang pag hinga ko at pagod na ako sa kakatakbo pero wala akong choice kundi ang tumakbo dahil once na tumigil kami baka katapusan na namin. Nakita namin ang truck kanina kaya tumakbo kami papalapit sa truck.
" Come on, grab my hand! " Sigaw ng lalake na may nakasabit na malaking baril sa katawan niya. Agad ko naman na inabot ang kamay niya at hinila niya ako pataas ng truck. Nakaakyat narin kaming lahat sa truck at panay naman ang baril ng mga kasamahan niya sa mga zombies na humahabol sa amin.
" I'm Timothy, yung guy sa dulo is Josh, yung bumabaril is Liam at yung driver is Nicholas. " Pagpapakilala niya sa kanilang grupo. Tumingin lang ako sa kanya pero binaling ko din agad sa iba ang tingin ko. At this moment wala ako sa mood na kilalanin ang mga nasa paligid ko. I'm still grieving at my parents death. I feel lost at the moment, parang ayoko ng mag patuloy pa.
" I'm Nikki, this is Velarie, the one in front of you is Marga and the girl beside her is Alexa and lastly, this is Lester. We just found him along the way. " Si Nikki na ang nag introduce sa amin sa lahat. After nun, natahimik na kaming lahat. Wala ni isang bumasag ng katahimikan kaya nanatili narin akong tahimik.
Hindi ko alam kung saan kami patungo basta ang route na tinatahak namin ay papuntang south. Ilang minuto pa ang lumipas at tumigil na ang truck sa tapat ng isang malaking bahay. Hindi ko alam kung anong oras na pero dapit hapon na at malapit ng gumabi. Bumaba na si Timothy at niyaya na niya kaming bumaba. Nag dalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ang kamay niya na nakalahad sa akin pero tinanggap ko rin sa huli.
" Kaninong bahay ito? Safe ba dito? " Tanong ni Velarie.
Lumabas naman sa driver seat ang pinakilala nilang Nicholas.
" I own this place, bahay bakasyonan namin ito nung hindi pa nagsisimula ang apocalypse. " Walang emosyon na sabi ni Nicholas.
" Follow us, you can use any of the rooms here. Yung pinaka dulong room is mine. " Tumango lang kami sa kanya bilang tugon.
" Hey Marga, i'm sorry for your loss! Alam ko masakit ang pinagdadaanan mo ngayon but don't lose hope. Don't give up your life just because your parents died doesn't mean you have to die as well. Nandito pa kami, you're not alone Margs! " Niyakap ako ni Nikki, kapag siya na ang nagsasalita matatamaan ka talaga. She's right, i'm not alone in this battle. I still have them, my sisters!
BINABASA MO ANG
The Apocalypse of The Dead (On Hold)
Science FictionZombies! Also known as the flesh eater or the walking dead. Hindi alam kung paanu at saan ito nagsimula pero laganap na ito sa buong mundo.