CHAPTER 7 * ZOMBIES *

179 5 0
                                    

NIKKI'S POV

Lumabas kami ng bahay para masubukan ko na ang galing ko sa pag gamit ng katana. Nauunang mag lakad si Alfred since sanay naman siyang gumamit ng katana.

Hindi naman kami lumayo dahil natatakot parin ako na baka may lumabas na maraming zombies at baka hindi kami makatakas. Biglang tumigil si Alfred kaya nabangga ko ang likuran niya.

" Bakit ka tumigil? " Pabulong kong tanong sa kanya. Inilagay niya ang hintuturo niya sa bibig niya para sabihin na tumahimik ako. May itinuro siya sa unahan na sinundan ko naman ng tingin at lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Isang 7 feet na zombie ang nakatalikod sa amin at parang may hinahanap siya. Naaamoy niya kaya kami?

Nasagot ang tanong ko nung lumingon siya sa direksyon namin. Hindi ako nakagalaw dahil sa sobrang takot ko sa nakikita ko. Isang nakakatakot na zombie ang nasa harap namin. Hinila ako ni Alfred palayo dun para magtago. Buti nalang walang mga zombies na nagkalat doon pero alam ko na any moment magsisilabasan na rin sila once na makarinig sila ng ingay.

" What now? " Tanong ko sa kanya. Nauunahan ako ng takot ko pero alam ko na walang magandang maidudulot ito kapag hinayaan ko ang sarili ko na matakot.

" We need to kill that zombie. Either we defeat the zombie or let that zombie kill us. You choose! " Mahina ngunit mariin niyang sabi sa akin. Kaya wala kaming choice kundi ang patayin ang zombie bago niya pa kami mapatay. Nagulat kami sa malakas na pag sabog. Pag lingon ko nakita ko na buhat-buhat ng malaking zombie ang kotse at naka ambang itapon ang kotse sa direksyon namin. Ngunit bago pa lumipad patungo sa amin ang kotse nakaiwas na kami agad.

" Shit! Muntik na tayo dun ah. " Napamura ako ng wala sa oras. " Kailangan may mag distract sa kanya at yung isa naman ang aatake. Dapat pareho tayong aatake pero salitan ang gagawin natin para matalo natin ang zombie na yan. " Tumango na lang si Alfred sa sinabi ko.

" Okay, ako ang magdidistract sa zombie at ikaw ang aatake.In a count of three sisimulan natin. "Boluntaryo niya at nagsitanguhan kami sa isa't isa.

" One, two, three. Let's do it." Sabi niya at tumakbo na siya sa unahan para siya ang hahabulin ng zombie. Pumunta naman ako sa likuran para umatake. Agad akong nagtago sa kotse at nung tumigil ang zombie saka ko siya tinamaan sa binti. Napaungol sa sakit ang zombie at binalingan ako. Ngunit nung papunta na siya sa akin saka naman umatake si Alfred. Pinutol niya ang kanang binti ng zombie at napaungol ulit ito. Napaluhod ang zombie at gumapang siya para hablotin ako ngunit mabilis akong nakailag. Pinutol ko naman ang kamay niya para hindi niya ako mahawakan at si Alfred naman agad na tumalon at sumakay sa likuran ng zombie saka pinutol ang ulo nito. Nagsitalsikan ang dugo ng zombie at natalsikan ang mukha at damit ko. Mandidiri na sana ako ngunit narinig ko ang maraming ungol at pag lingon namin ni Alfred marami ng mga zombies ang papalapit sa amin.

" Umalis na tayo dito. Masyado ng marami ang mga zombies. " Sigaw ni Alfred at tumakbo na kami pabalik ng bahay. Papaliko na kami ng kanto kung saan ang bahay ni Nikko ngunit may makakasalubong nanaman kaming 7 feet na zombie.

" Oh shit! Not again.. " Pagod na ako sa kakatakbo dagdagan pa ang pagpatay namin sa 7 feet na zombie kanina. Kung malaki ang zombie kanina mas malaki ito ng kunti sa unang napatay namin.

" Ganun parin ang gagawin natin pero this time mas malaki na ang zombie kesa sa nauna nating napatay. Mag-iingat ka Nikki. " Tumakbo na ulit si Alfred patungo sa unahan ng zombie at ako naman tumakbo patungo sa likuran ng zombie at agad na inundayan ng saksak ang binti ng zombie. Parang hindi nasaktan ang zombie sa ginawa kong pag-saksak sa kanya at ngayon nasa akin na ang atensyon niya.

" Nikki, run and hide. " Narinig kong sigaw ni Alfred sa akin. Ngunit bago pa ako makatakbo, mabilis akong hinablot ng zombie na hindi ko naman nailagan. Binuhat niya ako at akmang kakagatin na niya ako ngunit naitusok ko sa mata niya ang katanang hawak ko. Napaungol sa sakit ang zombie pero hawak hawak parin niya ako kaya itinusok ko ulit ang katana sa kabilang mata niya at binitawan na niya ako.

Nahulog ako at 'yon na ang cue ni Alfred para putulin ang binti ng zombie. Nakailang beses din niyang hiniwa ang binti nito bago tuluyang maputol. Napaluhod ang zombie at agad naman na sumakay ako sa likuran nito saka sinaksak sa ulo at saka ko pinutol ang ulo nito just to make sure na mapatay ko ito.

" Tayo na bago pa tayo maabutan ng mga zombies na yan. " Nauna na akong tumakbo nung makita kong malapit na ang mga zombies sa amin. Tumakbo narin si Alfred ngunit may mga nakakasalubong pa kaming mga zombies kaya pinapatay narin namin ang mga ito. Nasa tapat na kami ng bahay ngunit hindi parin namin mabuksan ang gate kaya mabilis akong umakyat ng gate at pagkapasok ko saka ko binuksan si Alfred sa labas. Agad ko na sinarado ang gate nung makapasok na siya sa loob.

" That was close! Napagod ako dun ah? " Hinihingal pa ako at napasalampak ako ng upo sa floor. Napatingin naman ako kay Alfred na hingal aso din. Nag tawanan kaming dalawa nung mag-tama ang tingin namin. Sino ba naman ang hindi matatawa sa mga ichura namin? Puro dugo ang mga damit at mukha namin. Inshort, nakakadiri kaming tingnan ngayon.

Pumasok kami sa loob ng bahay at nagulat ang mga nasa loob nung makita kaming duguan at hinihingal pa. Agad namang lumapit si Marga sa akin at nakangiwi pa siya na tila diring-diri sa akin.

" Where did you go? Nag-alala pa ako sa'yo dahil pagkagising ko wala kana sa tabi ko. Nagpaplano na nga sila Nikko at Nathan na hanapin kayo ni Alfred eh. " Napangiti ako kay Marga dahil nakikita ko na sobrang worried talaga siya. Yayakapin ko na sana siya nung maalala ko na puro dugo ako at mabaho na nakakadiri pa.

" Nag training lang kami ni Alfred, and guys, there's something that you must know. Hindi lang zombies ang kailangan nating patayin, may mga 7 feet na zombies din. At yun ang mahirap patayin. We've encountered two earlier at hindi sila madaling patayin. " Sabi ko sa kanila at sakto naman na lumabas sila Nikko and Nathan.

" Anung nangyari sa inyo? Bakit puro kayo dugo? " Puno ng pagtataka ang mukha ni Nikko dahil sa ichura namin ni Alfred.

" Nagtraining lang kami ni Nikki at hindi namin inexpect na may 7 feet zombies pa pala kaming mapapatay dun. " Sabi ni Alfred.

" What? Are you serious? " Hindi makapaniwalang tanong ni Nathan. Kung hindi ko nga nakita yun ng dalawa kong mga mata sasabihin ko din na nagbibiro lang siya. But i was there, we killed two of that 7 feet tall zombies. And i know that there's more of it. Hindi lang ako sigurado kung may ibang klase pa na zombies kami na maeencounter maliban sa 7 feet and ordinary zombies.

" I'm dead serious man! At mahirap din itong patayin. Makapal ang balat nito kumpara sa ordinaryong mga zombies. " Biglang gumuhit ang takot sa mukha ng tatlo kong mga kaibigan. Kahit naman ako natakot nung unang kita ko palang sa monster zombie na 'yon.

" I hate to interrupt but i need to take shower first coz i feel uncomfortable with my looks. Excuse me, let us discuss this later. " Tumalikod na ako at dumiretso na sa inuukupa kong kwarto. Sumunod naman ang tatlo kong mga kaibigan sa akin. Hindi naman sila nag-sasalita pero nakasunod lang sila sa akin. Agad naman akong kumuha ng damit ko at pumunta na ng cr para maligo.

Pagkatapos kong maligo lumabas ako ng cr at nandun parin sila nakahiga sa kama namin ni Marga. Tahimik lang sila pero mababakas sa mga mukha nila ang matinding takot at pag-aalala.

" Hey, bakit ang tahimik niyo? " Basag ko sa katahimikan nila. Tumingin sila sa akin habang nagsusuklay ako ng buhok ko.

" Natatakot ako sa posibleng mangyari Nikz. " Si Alexa.

" Alam ko pero mas lalo lang kayong matatakot kung hahayaan niyo ang takot na 'yan na mag take over sa inyo. Be strong guys until my parents take us out from here. " Niyakap ko silang tatlo at sabay na kiniliti si Alexa sa tagiliran kaya napahalakhak ito ng todo. Napuno ng tawanan ang kwarto ko dahil sa aming apat. Kahit na may apocalypse gusto ko parin mamuhay ng normal at ang pag tawa ay normal na ginagawa sa araw-araw.

The Apocalypse of The Dead (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon