CHAPTER 2 -SURVIVAL-

184 8 6
                                    



ALEXA'S POV


" Manang Linda, nasaan po kayo? " Tawag ko sa maid namin. Pumunta ako ng kusina para tingnan kung nandun siya pero pag dating ko doon tahimik lang ang kusina. Walang bakas ni Manang Linda dito dahil walang nagluluto. Saan kaya siya pumunta?



Pumasok ako sa living room area at tiningnan ko kung nandoon siya naglilinis pero wala din siya dun. Bigla kong naalala na Thursday nga pala ngayon at ito yung araw na namamalengke ang mga maid naming apat. Oh no, baka may outbreak narin sa palengke. Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang backpack ko at nag lagay ng mga damit. Pumunta din ako sa kusina para kumuha ng mga delata and mga ready to eat foods, naglagay din ako ng mga gamot at medicine kit sa bag ko. Nagpalit ako ng damit, naka black leggings at naka Tshirt na black na fit sa katawan ko at tenernohan ko ng converse. Tinali ko din ang buhok ko na parang bun para mas komportable ako sa pakikipag laban mamaya. Hindi naman ako nagmamadali na makasagupa ng mga zombies pero hindi namin yun maiiwasan. Baka nga punong-puno na ng mga zombies ang buong Pilinas. Bago ako lumabas ng bahay tinawagan ko muna sila mommy and daddy pero bigo akong makausap sila. Puro cannot be reach ang mga phone nila. Kinakabahan na ako pero sana walang masamang nangyari sa kanila. Sana ligtas sila at nakapag tago.



Lumabas na ako ng bahay at pumunta na sa meeting place namin. Nakita ko na si Nikki na naghihitay dun sa amin kaya lumapit na ako sa kanya.



" Nandun ba ang maid niyo sa bahay? " Tanong niya sa akin. Binatukan ko nga siya at napa aray naman siya.



" Nakita mo nga na mag-isa lang akong lumabas diba? Malamang wala ang maid namin sa bahay. Thursday ngayon kaya malamang nasa palengke sila dahil araw ng pamamalengke nila ngayon. " Pahayag ko kay Nikki na ikinatango naman niya.


" Paano yan? Baka zombie narin sila? " Nag-aalalang sabi ni Nikki.



" Wala na tayong magagawa pa kung maging zombie sila. " -Sabi ko sa kanya. Nag hintay pa kami ng ilang minuto sa labas ngunit hindi pa lumalabas sila Marga at Velarie.



Bago ko ipagpatuloy ang kwento ko, magpapakilala muna ako sa inyo. Alam ko zombie apocalypse pero kelangan ko parin magpakilala sa inyo. My name is Alexandra Alajar, Alexa for short for short, 16 years old and fourth year high school student. Maganda, morena, slim ang katawan, katamtaman ang taas, mayaman at higit sa lahat mataray. Wala akong ibang kaibigan maliban sa tatlo kong neighbors, sila Marga, Nikki, at Velarie. Sila lang kasi ang nakakatagal sa ugali ko kaya sila lang ang kaibigan ko. Anyways, back to the topic..



Pumasok na kami ni Nikki sa bahay nila Marga since siya ang pinaka malapit sa meeting place namin at siya ang pinaka mabagal gumalaw sa aming apat. Pag dating namin sa loob ng bahay nila nagkukumahog sa pag lagay ng mga damit si Marga sa isang suitcase na malaki.



" Hey Marga, we're not going on a vacation. Why the hell you brought all your clothes with you? Kaya mo bang dalhin yan mamaya kapag tumatakbo na tayo at hinahabol ng mga zombies? " Sigaw ko kay Marga na ikinasimangot naman niya. By the way, nakalimutan kong sabihin na sa aming apat si Marga ang pinaka maarte at spoiled brat sa amin. Palibhasa spoiled siya sa parents niya kaya pati sa labas ng bahay nila dala parin ang ugaling pagka spoiled brat at maarte.



" What should i bring ba? I need a lot of clothes eh. Alam mo naman i need to change from time to time. " - Maarteng sabi ni Marga. Gustong-gusto ko na siyang batukan kaso pinigilan ko nalang ang sarili ko.



" Just bring some of your clothes but no need to bring all of that. Alexa's right, you can't carry all that stuffs while running for your life. " Paliwanag ni Nikki kay Marga at buti naman  at nakinig naman siya kay Nikki. Well, si Nikki lang naman ang maawtoridad pag dating sa mga ganitong sitwasyon.


Kinuha na niya ang back pack niya at nilagyan ng ilang damit niya at mga ready to eat na pagkain. Kumuha din siya ng baseball bat at inilapag sa floor. Hindi pa siya totally tapos nung biglang dumating si Velarie.



" Hey guys, we need to go now. May mga zombies na nakapasok sa loob ng village. If we stay long here, we will be trap here or worst we're going to die here. " Nag-aalalang sabi ni Velarie. Dali-dali namang nilagay ni Marga ang lahat ng mga gamit niya sa bag at binitbit na ito. Bago kami lumabas ng bahay nila Marga sumilip muna kami sa pinto. May nakita kaming tatlong zombies na malapit sa bahay nila Marga kaya di muna kami lumabas.


" Guys, tatlong zombies ang nasa labas. Papatayin natin sila at kailangan sa ulo niyo sila tatamaan para sure na patay na sila. " Paliwanag ni Nikki sa amin at tumango naman kaming tatlo sa plano niya. Hindi pa man kami tuluyang nakalabas ng bahay nung mabitawan ni Marga ang baseball bat na hawak niya kaya naglikha ito ng ingay. Bigla namang lumingon ang tatlong zombies sa kinaroroonan namin at tumakbo papunta sa gate. Nakapasok ang tatlong zombies sa loob ng gate dahil hindi naisara ni Velarie ang gate nung pumasok siya kanina.


" Sorry! " Sabi ni Marga sa amin na naka peace sign pa.



" Be ready, they're coming! Wag kayong matakot basta aim for the head to kill the zombie." Tumango kaming tatlo kay Nikki. Halos ayaw naming mag salita dahil baka marinig pa kami lalo ng tatlong zombies. Umikot sila sa labas ng bahay at parang ginagamit nila ang pang-amoy nila para mahanap kami. Biglang kumalabog sa back door na parang may nahulog na gamit.


" Marga, sarado ba ang back door niyo? " Tanong ko sa kanya.


" Hindi ko alam eh, ang alam ko sinasarado yan kapag umaalis si Manang. " Sagot niya sa akin. Sobrang kabado na kaming apat dito sa loob. Tumingin ulit ako sa labas ng gate at napansin ko na clear ang area.



" Umalis na tayo dito habang wala pang mga zombies. " Pabulong kong sabi pero sapat para marinig nila ang sinasabi ko. Nagsipag tanguan lang sila at dahan dahan naming binuksan ang pinto. Ngunit laking gulat namin nung nasa labas na kami ng gate nakita kami nung tatlong zombies at tumakbo sila papunta sa amin. Isinara ko ang gate kaya hindi nakalabas ang tatlong zombies sa loob.Pumunta kami sa bahay namin at kinuha ko ang fortuner namin para makaalis na kami dito. Pagsakay namin sa kotse nakita namin na maraming zombies ang tumatakbo palapit sa amin.


" Go.. Go.. Go.. " Sigaw ni Marga na sobrang takot na takot. Pinasibad ko na ang kotse bago pa man kami maabot ng mga zombies. Nakahinga kami ng maluwag nung malayo na kami sa kumpol ng mga zombies.


Papunta na kami ngayon sa office ng parents ko sa Makati. Habang nasa biyahe kami marami kaming nakakasalubong na mga tao na hinahabol ng mga zombies. The place is a total mess! Maraming nagkakalat na mga katawan ng tao sa kalsada. Nakakadiri ang buong lugar at may mga banggaan pa kaya hirap na hirap ako sa dinadaanan namin lalo pa't fortuner ang sinasakyan namin.


Si Nikki na katabi ko ay nakatingin sa daan habang ang dalawa sa likuran tahimik lang din na nakamasid sa labas. Kung titingnan mo ang buong lugar masasabi mong imposible ng maka survive kapa sa zombie apocalypse. At kung may ibang mga survivor pa nga malamang kunti nalang ang natitira at sana kasama sa kunting natitira na yan ang mga pamilya namin.

The Apocalypse of The Dead (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon