CHAPTER 5
Sa afternoon sessions ng klase ay nagkaroon ng activity. I forgot the name of the game but it has something to do with the characters of several stories na binigay ni Ma'am sa amin. We were given name tags, which are names of the characters, and we have to describe them according sa role nila sa mga story. After the class, tinanggal ko ang akin at nilipat sa bag ko.
Hindi na ako masyadong nakipag-usap pa kay Yani during sa afternoon periods namin. Sinabihan ko lang siya na sa bahay na ako uuwi. Pumayag naman, at sabi niya, “Ingatan mo sarili mo ha. Alam mong I'm always here Alice for you.”
Isn't it wonderful having a bestfriend like her? Ganito pala kasarap magkaroon ng kaibigan na handang umunawa sa sitwasyon mo. I regret it that I did not realized this noong bata pa ako sa orphanage. I always thought before na I must have had been a disgrace that to the extent they abandoned me. Hindi ko naisip na pare-pareho kaming lahat ng bata doon sa orphan na walang mga magulang, kung meron man at alam nila kung sino, nawalay naman bunga ng matinding pang-aabuso.
Nandito ako ngayon sa park, nakaupo sa isa sa mga swing dito. May kalayuan ito sa bahay pero kaya lang namang lakarin. Dito sa park na ito ako nakita ni Mrs. Brook. Noong nakita niya ako, walang pagdadalawang-isip na nilapitan niya ako at tinulungan. Tama nga si Ma'am Eliza, everything had happened for a certain reason.
Pagkalabas ko kanina sa school, dumiretso ako sa Yellow Ribbon. And James was right about it. Nakiusap ako sa kanila na kung pwede ko bang matignan ang records nila sa mga bumili sa kanila, and luckily they'd let me.
Lahat ng pangalan na nandun ay di ko kilala, except lang dun sa isa pang pangalan na medyo familiar, pero di ko na maalala kung ano.
After that nagpunta na ako dito sa park, kahit na medyo makulimlim na nun.
Habang nakaupo ako sa swing, pakiramdam ko sa bawat pagpa-imbabaw ng pag-swing ko ay naabot ko na ang langit. Kung pwede lang sana ay pag naabot ko talaga iyon, mahablot ko mula doon si Rex. I sighed, for it's just too... I sighed again.
“Nana, na-na-na
I miss you
Miss you so bad.”
I am alone in the park kaya kinakanta-kanta ko nalang ito. I miss him.
“I don't forget you,
Oh it's so sad.”
Ipinipikit ko ang mga mata ko sa bawat pagtaas ko, habang pinapakiramdaman kung ano ang mga binubulong ng hanging umiihip sa mukha ko, ang bawat haplos nito'y kay sarap sa pakiramdam. Kapag bumababa naman ang swing ay iniuunat ko ang mga paa ko upang hindi sila sumadsad sa lupa.
BINABASA MO ANG
The Promise
FantasyA broken promise. A girl. A fallen angel. Lucifer's oppression to the world. Find out how each of them creates a love story that could lead to the dark days of the world.