Mr. Wright? Sino yun? May kaklase ba kaming ganun apelyido? 2nd week ko na sa school wala pa din akong naririnig na ganyang apelyido, ngayon pa lang. Kailangan ko malaman kung sino siya, for science project’s sake.
Yung topic kasi namin ngayon sa Science is all about Biology, the Study of Life. Ang gagawin namin na project ay kailangan naming mag-alaga ng baby animal. The choices are Hamster, Cat, Dog or Rabbit. Pero sinu-suggest ni Ms. Lany na dog or cat daw, kasi mas madaling makita yung paglaki nila, at mano-notice mo agad yung pagbabago nung physical features nila. But in the end, choice pa din daw namin iyon.
I want to get started this week. Pero di ko masimulan dahil di ko naman kilala si kung sino yung partner ko.
“Psst!” tawag ko kay Jean na busy sa binabasa niyang libro. Nandito kasi kami sa school ngayon para sa isang activity, actually tapos na siya nakatambay na lang kami dito, si Allee at Reesa di ko alam kung saan napadpad. Kasama ko si Jean ngayon, nagbabasa ng The Fault in Our Stars.
“Hmm?” sabi niya na naka harap pa din dun sa The Fault in Our Stars. Mahilig pala siyang magbasa ng ganyang type ng book, ngayon ko lang nalaman.
“Sino yung Mr. Wright?” tanong ko sakanya habang naka tingin pa din siya dun sa book.
“Mr. Wright? Uhh…. Ah! Si Lexis” Ohh. So Lexis is his first name, good start. Pero kailangan ko pa ng iba pang information.
“Lexis Gavin Wright, ang bad boy ng Kingsville” sabi niya na ngayon ay naka-harap na saakin. Bad Boy? May ganun pa pala ngayon?
“Bad Boy? Yung mga nakikipag bugbugan tapos nang bu-bully ng fellow students?” tanong ko sa kanya. Typical description naman kasi yun ng isang bad boy.
“Hindi. Uhm.. well medyo, yung sa bugbugan parts lang kasi di naman siya nambu-bully dito sa school. Tsaka bad boy of the stage din” bad boy of the stage? Ano naman kaya yun?
“He’s called the Bad Boy of the stage, kasi ang galing niyang magperform on stage. Mapa sayaw, kanta, acting or ano man yan, sobrang talented nga niya eh. Tapos pag nagp-perform siya on stage, lahat ng kababaihan sama mo na din yung mga kabaklaan, lahat as in nah-hypnotize, lalo na kapag kumakanta siya. Dagdag mo pa yung sobrang Gwapo niya, Mayaman, Matangkad at Matalino. Sinusumpong nga lang ng kasungitan niya minsan, pero plus factor pa nga yun eh, kasi mas lalo siyang gumagwapo.” Page-explain ni Jean. Grabe naman yang description na yan, siya talented.
“Grabe, ang talented niya naman. Pero alam mo ba kung saan ko siya pwedeng makita?” tanong ko kay Jean. I really want to get started on the project and mahilig ako sa animals, kaya naeexcite ako mag alaga ng baby animal.
“ahh…. Ehh… di ko kasi alam kung saan mo siya pwedeng makita. Try mong tanungin si Travis kasi kabarkada niya yun si Lexis eh” sabi siya saakin ng medyo napakamot pa sa kanyang ulo, dahil sa suggestion niya.
“Sige sige, thank you Jean. Mauna na ko, sabihin mo na lang kila Reesa na nauna na ko, medyo napagod din kasi ako” pagpapasalamat ko sa kanya at umalis na ako dahil sa kapaguran.
****
Sunday ngayon, at nandito ako sa may park malapit dun sa subdivision namin. Pumupunta ako dito kapag gusto kong mapag isa at magisip isip ng bagay bagay. Di ko pa rin natatanong si Travis, kasi nung pagkauwi kahapon mula sa school bagsak agad ako. Nung nagising ako umaga na. Nandito ako ngayon, kasi gusto ko mapag isa kasama ang cellphone kong mala- mp3 sa dami ng kanta.
NP: We’ll be a Dream by We the Kings feat. Demi Lovato
When the lights go out
We’ll be safe and sound
We’ll take control of the world like it’s all we have to hold on to
And we’ll be a dream.
Nagulat ako nung may biglang kumalabit sakin, nilingon ko siya para makita kung sino siya. Nagulat ako kasi isang umiiyak na batang lalaki ang sumalubong sakin. Tinanggal ko agad yung earphones ko at hinarap ko agad yung bata.
“Hey, why are you crying?” tanong ko sa kanya. Ang cute naman ng batang ito, naka jumper siya tapos may cap siyang kulay light blue.
“I-I got l-lost, I can’t find m-my kuya” sabi nito. Mukha siyang 4 or 5 year old, pero hindi siya bulol at tuwid na yung english niya kahit naghahabol ng hininga sa sobrang iyak niya, medyo namumula na din siya sa kakaiyak niya, maputi kasi siyang bata parang foreigner.
“What’s your name?” tanong ko sa kanya at pumantay sa level ng height niya.
“My name is M-Matthew” sabi niya sakin at nginitian ko siya para tumigil siya sa pag iyak
“Hello Matthew, my name is Ate Sera. Stop crying, come on we’ll find your kuya” pagko-comfort ko sa kanya, at ilang sandali lang tumahan na siya sa pag iyak.
“So what does your kuya look like?” tanong ko sa kanya at binigyan siya ng ice cream na kabibili ko lang.
“He’s tall! And he has hair that looks like this Ice cream! He’s also wearing a dogtag” sabi niya habang pinapakita niya yung ice cream. Medyo mahirap yung description niya, pero maghahanap pa din ako. Bago pa man ako masimula sa paghahanap, biglang tumayo si Matthew at tumakbo sa isang direksyon.
“Hey! Matthew! Where are you going?” sigaw ko ka habang hinahabol ko siya, napatigil ako nung lumapit siya sa isang lalaki na may hawak na phone at mukhang nag aalala. Binuhat agad siya nung lalaki nung narealize niya kung sino si Matthew.
Siya yata yung kuya ni Matthew, buti na lang nakita na nila isa’t isa. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo, pero may biglang kumalabit sakin at pagka harap ko si Matthew pala. Pinayuko niya ako para magkalebel na kami
“Thank you, ate Sera for helping me find my kuya” sabi niya at niyakap ako. Who would have thought na may matutulungan ako sa pageemo ko dito sa park.
“You’re welcome, Matthew. Next time be careful, okay?” sabi ko sa kanya at ngitian siya
“Matthew, Elle is looking for you. You go ahead in the car” sabi ng kuya ni Matthew, at tumakbo agad siya papuntang kotse nila, pero lumingon ulit siya, at nag-wave siya saakin. Nagwave lang din ako pabalik sa kanya, at tumakbo ulit siya papuntang kotse nila.
“Uhh thank you for helping my brother look for me” sabi nung kuya niya, ngayon ko lang din napansin na ang gwapo pala niya. Those lashes, he’s perfect pair of dimples, he’s pointed nose and he’s dreamy eyes. Kelan pa ba ako nagdescribe ng features ng isang lalaki? Pero ang gwapo niya talaga
“U-uhh.. you’re welcome, masaya din naman ako dahil natulungan ko siya eh” sabi ko sabay ngiti sa kapatid ni Matthew
“Sorry for being rude, my name is Sera, Sera Reane Smith” sabi ko sa kanya at inoffer yung kamay ko sa kanya.
“I’m Lexis, Lexis Gavin Wright” sabi niya at nginitian ako. Pero what?
S-Siya si Mr. Wright?!
***
Naka 100 reads na siya! kilig <3 Salamat po sa nagbasa, nagbabasa <3
-AbnegationFairy