7th: Cat Fight

36 1 3
                                    

Sorry i haven't updated in a while :) Here's a 'medyo' mahabang update :D

-------

“Good Morning Sera!” bati sakin ni Reesa na may malaking ngiti nung nakita niya ko sa school. She seems hyped, I wonder what’s going on.

“Uhh.. Morning. Anong meron parang ang hyper mo yata?” She’s giddy and prepped up more than usual.

“Wala naman kinikilig lang” sabi niya na medyo namumula at halata mo talagang kinikilig kita mo sa mukha niya eh.

“At bakit ka naman kinikilig ha? Did something happen this weekend?” tanong ko sakanya.

“Uhm… ano… kasi…” sabi niya . Have you ever seen a human doll blush? It’s too cute! She’s really adorable.

Bigla namang dumaan yung mukhang varsity ng school namin. They barely noticed us, pero yung katabi ko halos himatayin na sa kilig at pamumula

“Oh anyare sayo?” tanong ko sa kanya. She’s as red as a tomato.

“Dumaan kasi yung.. yung .. si ano.. si Andee” nauutal utal niyang sabi. Naka halata yata siya na di ko kilala kung sino yung sinabi niya kaya, introduction 101 ulit kami.

“Dale Andee De Guzman. Captain Ball ng Basketball team ng school natin. Everybody calls him Dale, but I like calling him Andee although he hates his second name. I also have this long time crush on him at kahapon ko lang ulit siya nakita since nag start yung klase. Medyo may shock pa ko nung nakita ko siya, kung makikita mo” sabi niya na may halong lungkot yung boses niya. That mood shift was fast just by the mention of the guy’s name.

“Are you okay?” tanong ko sa kanya. Medyo nalulungkot na kasi siya eh.

“Ahh.. Oo! Okay lang ako” sabay ngiti na ulit. Her moods change really fast.

“Eh ikaw anong nangyari sayo ngayong weekend? Sabi kasi ni Jean medyo pagod ka na daw after nung activity natin nung Saturday kaya hindi mo na kami naintay, sayang! Di ka namin naka-bonding” sabi niya na medyo nanghihinayang nga kasi hindi nila ako nayaya.

“Uhm… wala naman its as normal as it—wait, nakita ko pala si Lexis kahapon” sabi ko sa kanya

“Nakita mo na si Lexis?! Paano? Eh ngayon palang yun papasok ah?” sabi niya. What? It’s been like 2 weeks? Ngayon palang papasok?

“Ganun talaga yung family nila kasi laging nae-extend yung vacation/business thing nila kaya alam na ng teachers na second week pa talaga sila nakakapag enroll sa University” sabi niya bago pa ako makapagtanong kung bakit. Legit naman pala reason niya.

“Manikaaaaaaaaa!” sigaw ng isang babae, most likely its Allee and ouch! My ears. Well I’m getting used to it, pero masakit pa din eh.

Hingal na hingal siyang pumunta sa harap namin ni Reesa. Bakit siya tumatakbo? It’s only 7:30 she’s not late yet 8:00 pa pasok namin. But I can see the uneasiness written on her face when she got in front of us.

“What’s wrong?” tanong ko dahil parang naiiyak na siya na hindi mo maintindihan.

“J-Jean” nauutal niya sabi. Why what’s wrong? May nangyari ba sa kanya? Kinakabahan na ko pero alam kong kailangan kong kumalma dahil walang madudulot na maganda ang pag papanic.

“C-Cat Fight in the g-gym” mautal-utal pa rin niyang sabi pero nawala na yung hingal niya. What? A cat fight, she wouldn’t get herself into one if there’s no reason.

“Ano cat fight? Oo alam kong war freak yun, pero alam ko din na di susugod yun kung hindi siya na-offend” sabi ni Reesa.

“What are we waiting for? Let’s go get her!” yaya ko sa kanila at agad kaming tumakbo papunta ng gym, syempre nauna sila sakin dahil di ko pa rin kabisado yung school.

Something UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon